Grabidad 39: Ignorance

73 2 0
                                    

Grabidad 39: Ignorance

Argh!

Kanina pa ko nakahiga sa kama ko. Tamad na tamad pa kong tumayo kahit na alam kong may pasok. Mamaya pa namang alas diez yung pasok ko. Kaya lang, feeling ko hindi ako makakapasok dahil sa sama ng gising ko.

Isip ka kasi ng isip Jam eh. Bakit ba kasi hindi mo na lang sabihin sa kanya yung nararamdaman mo? Gusto mo pang pahirapan yung sarili mo. Gusto mo pang nagkakagulo kayo.

Pero hindi pa tapos yung sa'min ni Marcus eh. Hindi pa kami okay. Paano kasi maaayos kung arte ako ng arte at walang ginawa kundi ang tamarin makita yung mga taong araw-araw na lang nasa tabi ko. Sarili ko na lang yata talaga yung iniintindi ko. Ni hindi ko isinasaalang-alang yung nararamdaman nila. Mukhang tama nga sila. Wala na kong ginawa kundi ang magmukmok.

"Argh! Ayoko na! Ayoko na!" Nagsisisigaw ako ron. Maya-maya lang tumunog yung cellphone ko kaya ko chineck 'yon.

Galing 'yon sa isang ka-choir ko. Tinatanong niya kung sasama pa ko sa pagkanta sa simbahan. Ang tagal ko na rin kasing hindi nakasama sa kanila. Sobrang tagal na. Simula yata nang maka-graduate ako nung highschool isang beses ko na lang sila nakita.

"Ang sabi nga nila. Kapag hindi makita ng pusa yung daga malamang niyan nagtatago 'yon sa lungga nila. Tama nga ako. Buti na lang naisipan kitang daanan dito." Napabalikwas ako sa kama ko. Sabay upo na rin para makita kung sino 'yon.

"Ano bang ginagawa mo rito? At teka. 'Diba dapat nasa school ka? Ba't nandito ka?" Sino ba naman kasing hindi magugulat. Lalaki siya. At sigurado akong minsan lang siya makita nila Mother Vity dito kaya hindi siya basta-basta makakapasok ng ganito lang. Marami pang bata sa labas kaya malamang mauuna pang pumunta at kumatok dito sa kwarto ko yung mga 'yon kaya malalaman king bisita ko siya. Kaya ang tanong. Paano?

"Chill Madame Princess. Sumaglit lang ako. Sinigurado ko namang walang makakakita sa'kin dahil sa bintana mo ko dumaan." Sabay kaming tumingin sa bintana. Bukas nga 'yon. At mukhang nakalimutan ko pang isara kagabi. Sobrang pagod at stress na kasi ako kahapon kaya hindi ko na namalayan na nakatulog na lang ako na hindi nakapagpapalit ng damit at hindi naga-ayos ng kwarto.

"Ayos ka ah. Kapag ikaw nahuli ni Mother Vity, wala akong magagawa kung ipa-ban na niya yung pagpunta mo rito. Nababaliw ka na." Sabi ko na lang sakanya saka ginulo-gulo yung buhok ko at humikab.

"Ano bang kailangan mo?" Tanong ko sa kanya habang inaayos ko na yung higaan ko.

"Pinapatignan ka ni Samantha. Mukhang may kutob na hindi ka papasok kaya—"

"Yung totoo?" Tanong ko ulit nang mapansin kong may paga-alinlangan sa tono niya.

"Ah. Eh. Gusto ko k—"

"Ano? 'Diba may basketball practice ka ng umaga. Isa pa, kung susunduin mo ko. Bakit ganito kaaga? 10 pa ung pasok natin ah. Ano? Masipag ka?" Inipit ko naman yung buhok ko at nagtanggal ng muta bago humarap ulit sa kanya.

"Eh kasi Madame Prin—"

"Tsaka teka nga. Ngayon ka lang mag-isang pumunta rito ah. Sigurado akong may dahilan ka. Ano 'yon? Kanina pa kita tinatanong hindi ka makapagsalita." Pansin ko namang naging blangko yung mukha niya at ngumiwi pa bago umupo sa dulo ng kama ko at nag-inat don.

"Kanina pa kasi ako magsasalita dapat eh. Daldal ka ng daldal. Paano ako papasok kung wala kang hinto sa pagpapatigil sa'kin magsalita?" Naglabas pa siya ng hangin na nagkakanda tulis yung nguso bago bumaling sa'kin. Nakapamaywang naman akong naghintay ng sasabihin niya.

"Kaya ako sumadya rito kasi pinapasundo ka nila Tita Martha. Gusto ka raw nilang kausapin tungkol kay Marcus." Sandali akong nanigas. Bakit bigla na lang nila akong ipapatawag? Dito na ba papasok yung mga napapaunod ko sa tv na, magmamakaawa silang makipagbalikan ako sa anak nila.

Grabidad Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon