Grabidad 3: Gravity
Patuloy lang ako sa paglalakad ko hanggang sa marating ko yung room. Pumasok ako sa loob. Namataan ko agad si Skylar na nakangiti sa kausap niyang kaklase kong lalaki na nakaupo sa dapat ay upuan ko. Pero naghanap na lang ako ng ibang bakanteng mauupuan. Ayoko siyang makatabi. Nakakairita lang kasi.
Alam ko naman na nagtataka si Samantha dahil sa mga pasulyap-sulyap niya sa'kin nung nagsisimula na yung klase. Kaya dumukmo na lang ako para makaiwas sa titig niya.
"Miss Jaime. Ano na naman bang ginagawa mo?!" Binato niya pa ko nung whiteboard marker na hawak niya buti na lang nakaiwas ako. Hihikab-hikab pa kong nag-inat bago ko siya tinitigan.
"I'm a stupid person. I'm a hopeless student. And I'm sick of listening to your lectures. Sir, may I go out? I'm not feeling well." Nakita ko naman na nagtagis yung mga bagang niya. Hindi ko na hinintay yung sagot niya. Lumabas na agad ako. Isinama ko na yung bag ko sa'kin para wala na kong babalikan pa mamaya sa uwian. Honestly, hindi naman talaga sa clinic yung punta ko. Gusto ko na lang talagang umuwi.
"Tumawag sa'kin yung teacher mo, Jam. Umalis ka na lang daw ng hindi nagpapaalam. Ano na naman bang nangyayari sa'yo?" Pambungad sa'kin 'yan pagpasok ko pa lang sa ampunan na tinitirhan ko. Nakasalubong ko kasi agad si Mother Vity, ang taong tumayong nanay ko, kaya ayon semplang agad ako.
"Sorry, Mother. Hindi ko na lang kasi kaya yung nararamdaman ko. Nagsisikip po yung dibdib ko. Para akong mauubusan ng hangin kanina." Dahilan ko kahit half-lie 'yon. Alam ko. Bawal magsinungaling lalo na sa kausap ko. Pero hindi ko lang kayang sabihin yung nangyari sa'min ni Marcus. Baka mamaya sunud-sunod na pagpe-pray over na naman yung matanggap ko.
"Ganun ba? Eh 'di sana man lang sinabi mo ng maayos sa teacher mo para hindi mo siya nabastos. Sige na magpahinga ka na. Pagluluto lang kita ng makakain at ihahanap kita ng gamot para umayos na yung nararamdaman mo." Kahit galit siya o disappointed siya. Ganun pa rin yung boses niya. Sobrang lumanay.
"Sige po. Salamat, Mother."
Dumiretso ako sa kwarto ko. Hanggang sa madatnan ko ang isang napaka-cute na bata. At alam kong nakatulog na dahil sa paghihintay sa'kin. Napangiti ako. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya bago ako umupo sa harapan niya.
Napaka-among mukha. Bakit ba hindi ako napagkalooban ng ganitong sobrang among mukha? Nakakainggit.
Unti-unti niyang minulat yung mata niya. Kinusot-kusot niya pa 'yon hanggang sa mapadako yung tingin niya sa'kin. Nakangiti agad siya bago siya umupo at niyakap ako.
"Ateeee!" Tumayo naman ako bago ko siya binuhat. Limang taon pa lang yung bata na 'to ngayon. Pero matatas na rin magsalita. Sobrang lapit ng loob niya sa'kin. Paano ba naman, ako kasi yung nakakita sa kanya sa may labas ng ampunan. Umuulan pa ng nung araw na 'yon. Mabuti na lang palabas ako noon para mamili.
"Kamusta, Angel? Have you eaten already?" Tanong ko sa kanya. Tumango naman siya sa'kin bago ako umupo at kinandong siya.
"Ate, nasaan si Kuya Marcus? Bakit hindi mo siya kasama ngayon?" Niyakap ko lang siya bago ko siya binulungan.
"Busy si Kuya Marcus mo kaya hindi siya nakasama sa'kin. Gusto mo ba tayo na lang yung mamasyal sa labas?" Naisip ko na naman siya bigla. Nakakairita kasi yung tao na 'yon! Bahala siya. Hindi ko siya kakausapin hangga't hindi siya yung unang kumausap sa'kin!
"Yehey! Sandali lang po ate. Magbibihis lang po ako." Dali-dali naman siyang bumaba sa kandungan ko saka siya lumabas. Tumayo naman ako para makapagpalit ng damit. At inayos ko yung dadalhin ko. Pamalit lang na damit ni Angel. Tsaka pulbos at suklay lang.
Simpleng walking short na 1 inch above the knee lang yung suot ko. Tsaka maluwang na t-shirt na kulay baby pink na ni-tuck in ko sa harap. Bago ko tinernuhan ng rubber shoes kong vans na kulay baby pink. Yung may malapad na dila.
BINABASA MO ANG
Grabidad Ba?
JugendliteraturSimpleng babae lang naman si Jam Marion Jaime. Yun nga lang masungit at mataray siya. Kahit sinong tao binabangga niya. Mapataas man o mapababa yung status sa buhay. ''And who cares?'' Yan na yata yung naging dialogue niya kapag may natatarayan siya...