Grabidad 21: About Him
"Always take care of yourself okay?" sabi pa sa'kin ni Marcus. Nasa airport na kami at nagpasya akong sumama na lang sa paghahatid sa kanya. Alam kong dismayado pa rin siya dahil sa laro kagabi, hindi ron sa laro mismo eh, kundi dun sa halik na binigay sa'kin ni Dustin.
"Marcus. I'm sorry about last night." Ngumiti siya ng mapait. Maya-maya lang pinunsan niya yung gilid ng labi ko. Saka niya ko tinitigan sa mata.
"Kagabi ko pa gustong gawin 'yan." Sabay dumukwang pa siya para siilin ako ng halik. Malalim 'yon at halos ayaw niya na kong pakawalan. Maya-maya lang narinig naming tumikhim sina Tita Martha kaya ako na mismo yung bahagyang nagtulak sa kanya para lang itigil niya yung paghalik niya sa'kin.
"Tama na 'yan. Baka mamaya hindi ka na makaalis Marcus." Tatawa-tawa pang sabi ni Tito June. Napakamot pa ng batok si Marcus saka nakangiting tumingin sa'kin. Hinaplos niya pa yung mukha ko at matagal akong tinitigan saka siya nagsalita.
"I love you. I'll miss you." Sabi pa niya. Ngumiti ako saka pumikit bago ko hinawakan yung mga kamay niyang nakahawak sa pisngi ko.
"Mahal din kita." Sabi ko. Bago pa man niya malimutang aalis siya. Bigla nang tinawag yung flight number niya.
"You need to board now. Take care, son." Sabi pa ni Tito June sa kanya saka siya niyakap nito. Niyakap din siya ni Tita Martha.
"Take care baby." Halata pang hindi nagustuhan ni Marcus yon kaya ako natawa. Isa pang sulyap yung binigay niya sa'kin saka siya tumalikod at umalis na. Kada hakbang niya palayo sa'kin. Nararamdaman ko na rin yung pagbalik ng dati naming sitwasiyon. Mawawalan na siya ng oras sa'kin. At magda-doubt na naman ako kung kaya niya pa bang pagsabayin yung ginagawa niya at yung relasiyon namin.
Pero sa ngayon ayoko munang mag-isip ng kung ano. Tama na muna yung isipin ko yung nakita ko ulit siya. Na bumalik siya kahit na hindi pa pwede.
"Halika na hija. May entrance exam ka pa diba?" tanong sa'kin ni Tita Martha bago niya ibinukas yung isang braso niya at ipinalupot 'yon sa balikat ko. Tumango lang ako. Gusto ko sanang umiyak. Pero nahihiya ako. Ayokong makita nila na umiiyak ako.
Pagdating ko sa orphanage agad akong nagbihis. Male-late na ko kung hindi ko pa bibilisan yung kilos ko. Tinawagan na nga ako ni Skylar at Samantha na makakasabay ko sa page-entrance exam. Kwento rin nilang kasabay namin si Zeus at si Chester. Yung university kasi na page-examan namin ay yung pinakamagandang university dito. Kaya hindi na nakapagtataka kung lahat kami doon gustong makapasok.
"Jam!" salubong sa'kin ni Samantha nang saktong papasok na rin siya sa entrance ng Univeristy na 'yon.
"Nasaan si Skylar?" tanong ko pa.
"Nasa loob na raw siya kanina pa. Nakapila na. Magkasunod lang yung examinee number namin kaya malamang iisang room lang yung page-examan namin. Ikaw kasi nagpahuli-huli ka pa ng pasa ng application form." Sabi pa niya. Sumimangot naman ako. Sino namang makakasama ko ron? Buti pa sila magkasama. Nakakainis. Inuna ko pa kasing tapusin yung mga completion activity ko nung nakaraan kaya nahuli ako sa pagpapasa ng application form.
"Osiya dito na lang. Tatawagin naman yung number mo. Wag kang mag-alala mahahanap mo yung sa'yo." Sabi pa ni Samantha bago siya pumasok sa room na may number pa sa taas na 301. Mas lalo akong napasimangot nang kawayan ako ni Skylar at behlatan. Inirapan ko na lang siya at hinanap yung room ko. 306. Natapat ako sa room na 'yon at hinanap ko kung nakalista ron yung examinee number ko at yung pangalan ko.
Habang nags-scan ako. May bumangga pa sa likod ko kaya ako napalingon.
"Dustin?"
"What's your examinee number?" tanong pa niya. Pinakita ko naman yung parang stub na hawak ko. Pinagdikit niya pa 'yon sa kanya bago niya ibinalik sa'kin.
BINABASA MO ANG
Grabidad Ba?
Teen FictionSimpleng babae lang naman si Jam Marion Jaime. Yun nga lang masungit at mataray siya. Kahit sinong tao binabangga niya. Mapataas man o mapababa yung status sa buhay. ''And who cares?'' Yan na yata yung naging dialogue niya kapag may natatarayan siya...