Grabidad 12: Too Fortunate

91 2 0
                                    

Grabidad 12: Too Fortunate

"Jam! Jam wait!" Aalis na sana ako pero mabilis niya kong nahawakan sa mga kamay ko. Naga-abang naman ng mga susunod na mangyayari yung mga ka-schoolmate kong nakatanga sa paligid. Halos araw-araw na lang ganito kami. Walang pagbabago.

"Tigilan mo na sabi ako 'diba?" Sabi ko nang hindi ko siya tinitignan.

"Jam please.. Don't do this to me. I love you. Mahal kita, Jam. 'Wag mo namang tapusin sa ganito yung relasiyon natin. Hindi ko alam. Wala akong ideya na nasasaktan ka na." Napaangil ako sa sinabi niya. Pilit kong inalis yung kamay ko sa pagkakahawak niya saka ako humarap.

Manhid ka lang talaga Marcus.

"One week. Nakaya mo 'yon Marcus? One week na hindi mo ko pinapansin. One week! Umaasa akong lalapitan mo ko, magpapaliwanag ka. Pero ano? Makikita ko lang na masaya kang nakikipag-usap sa babaeng 'yan?! Hinayaan ko nung una eh. Pero nung tumagal na, sabi ko, tama na. Ayoko na. Hindi ko na kakayanin kung ganito pa rin. Mabuti nga't nilapitan ako nitong si Dustin. Hindi ako nagmukhang tanga nang gawin niya 'yon. Oo! Sige pag-isipan mo ko ng kung ano pero wala na kong pakialam sa'yo. Tapos na tayo. Tama na!" Akma niya pang hahawakan ako pero mabilis kong iniiwas yung kamay ko at nagtuluy-tuloy nang lumabas.

Dun na nagsimulang tumulo yung luha ko. Hindi ko maintindihan kung bakit nagkaganito kami. Siguro nga, siguro nga masyadong maikli yung panahon na nagkakilala kami, na niligawan niya ko at naging kami. Siguro nga hindi pa ganon kalalim yung pagmamahal niya para sa'kin.

"Jam!" Napahinto ako nang makita ko si Skylar na naga-alala at mukhang hinahanap ako. Dali-dali siyang naglakad papunta sa'kin. Mabilis kong pinahid yung luha ko saka ko siya tinignan.

"Let's go home." Yaya niya pa sa'kin nang makalapit siya sa harap ko.

Umiling ako.

Bakit ako uuwi? Hindi ko gagawin 'yon nang dahil lang sa napahiya ako sa ibang tao at nag-break kami. Masyado na kong immune sa mga ganyang bagay. Hindi ko na dapat pinapansin yan dahil natural lang sa isang tao na pagdaanan niya yung mga ganon sa buhay niya. Bakit ako papatalo? Hindi ko ugaling magpatalo.

"Hindi. Hindi ako uuwi. May klase pa." Sabi ko sa kanya sabay nilagpasan ko na siya. Naramdaman ko namang nakasunod siya sa'kin at nakikita ko sa gilid ng mata ko na titig na titig lang siya sa mukha ko, inaabangan siguro niya yung susunod na magiging reaksiyon ko o susunod na gagawin ko.

"Ayos lang ako Skylar. Hindi mo kailangang mag-alala." Pagkaupong-pagkaupo naman namin sa upuan nagsimula na yung mga kaklase kong pagtinginan ako at pagbulungan. Napailing ako saka ako mapait na ngumiti.

"Pag-usapan niyo ko hangga't gusto niyo. Tutal diyan naman kayo magaling." Malakas na sabi ko, sadya 'yon para marinig ng lahat. Ang tatanga eh. Oo na nga. Ako na nga yung pinagu-usapan nila pero bakit kailangan pa nilang ipahalata? May patingin-tingin pa silang nalalaman.

"Shh. Jam. Calm down." Utos ni Skylar sa'kin. Hindi ko naman iyon pinansin dumukdok na lang ako sa arm chair ko saka naghintay ng oras. Ilang beses din akong sinubukang kausapin ni Skylar pero hindi niya na natutuloy dahil una pa lang na salita niya umaangal na ko. Nung narinig ko namang pumasok na yung teacher namin agad akong umayos ng upo. Kahit na sobrang tinatamad akong makinig pinilit ko pa rin yung sarili ko. Hanggang sa huling subject namin ganon pa rin yung ginawa ko. Palinga-linga pa si Skylar sa'kin tinitignan siguro kung ayos lang ako at sinisigurado kung kaya kong makinig.

"Let's go. I'll take you home." Minuwestra ko naman yung kamay ko na hindi na saka ko inayos yung bag ko.

"Hindi ako baldado para hindi makauwi mag-isa. Kaya kong umuwi ng walang naghahatid sa'kin. Kita na lang tayo bukas Skylar." Iyon lang saka na ko lumabas. Nakakailang hakbang pa lang ako ng mapansin kong nagkakagulo sa labas. Bumuhos narin yung malakas na ulan. Malamang nagtakbuhan yung mga ka-schoolmate ko para makahanap ng silong. Mabuti na lang dala ko lagi yung payong ko. Binuksan ko naman 'yon bago ako lumabas ng building.

Grabidad Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon