Grabidad 36: Intruder
Bahay mo 'to Dustin?!" Bulalas ni Chester nang makarating kami rito. Oo. Sino ba namang hindi magugulat.
Nakatayo kami ngayon sa harap ng isang napakalaking mansion. Hindi ko alam kung anong tawag dito. Basta alam ko. Mayaman lang na tao yung makapagpapagawa o makabibili ng ganito kalaking tirahan.
Pagpasok mo lang sa lawn nila. Iba't ibang bulaklak na agad yung makikita mo na nakaayon sa klase nila. Mukhang alagang-alaga dahil may sprinkler pang gumagana nung lumingon ako sa gawi kung saan may nakatanim na baby's breath.
Ang kapansin-pansin naman agad sa bahay nila eh yung projecting porch. May apat na columns 'yon na nagsisilbing paa nito. Brick and plain cement ang style na dinagdagan pa ng classic lamp sa magkabilang column na nasa harapan.
"What the! Eh mas mayaman ka pa kay Skylar at Marcus eh." Sambit ni Zeus habang parang tao sa mula na tinitignan pa yung ibang exterior nung bahay.
"This is just a Villa. Don't be so lavish." Sabi pa ni Dustin. Habang karga niya si Angel. Natutulog na naman kasi kaya no choice siya. Siya na rin naman yung nag-prisinta. At ikinagulat ko naman 'yon dahil ayaw nila ni Angel sa isa't isa.
"Oh my Gosh! Nasaan yung sinasabi niyong farm niyo?" Tanong pa ni Samantha sa kanya.
"2 kilometers away. We'll go there after we eat." Nagsitanguan naman yung kasama ko. Papasok na sana kami nang mapansin naming may tumigil na kotse sa harap ng gate nila. Rinig na rinig ko rin kung paano siya magmura bago siya tumuon sa'kin.
"Wait here." Kunit noo akong sumunod ng tingin sa kanya habang pinapasok niya si Angel sa loob. Paglabas niya'y hindi niya na karga si Angel. Nagkakatinginan pa kami ng mga kaibigan ko kung bakit parang nagbago bigla yung mood niya samantalang ayos lang naman siya kanina.
"M-may bisita ka—" Hindi na ko nakapagsalita. Pinagsalikop niya pa yung kamay naming dalawa saka niya ko hinila palapit sa gate.
"Whatever she do. Just stick to me and trust me. Okay?" Hindi siya tumititig sa'kin nakatuon lang yung pansin niya sa labas na para bang hinihintay niyang bumaba yung sakay nung kotse. Ganon na rin yung ginawa ko. Kahit naman ako, gusto kong malaman kung sino 'yon. At bakit kailangang maging ganito nang ikinikilos niya.
Maya-maya lang. Bumukas na yung pinto ng kotse. Hudyat para hilahin niya na ko palabas ng gate.
"Oh my. Hi babe. Miss me?" Hindi ko alam kung bakit bigla akong napatanga at napangiwi sa ginawa niya. Ganon na rin yung gulat ko nang makilala ko kung sino siya.
"Tif." Iyon lang yung narinig kong sabi ni Dustin.
Kundi ako nagkakamali. Siya yung nakita kong kausap ni Dustin noon sa may isolated basketball court. Siya yung babaeng sumampal kay Dustin. At siya rin yung babaeng binastos ni Dustin sa kadahilanang hindi niya gusto ito. Pero ngayon, ang tanong, anong ginagawa niya rito? At babe? Naging sila ba?
"Ooh. It sounds that you're kinda annoyed by my presence. Wh—"
"Ah excuse me. Hindi ko gustong manggulo. Pero sino ka ba?" Hindi ko mapigilang tanong dala ng sa dahil naiinis ako. At nabu-bwisit ako sa presensiya niya. Ewan, ngayon ko lang ulit naramdaman 'to. Nung huli nagkaganito ako nung nakita kong magkasama si Marcus at Abigail. Pero sobrang tagal na non. At ngayon na lang ulit.
"Oh. Who's this..this..plain girl?" Ano? Eh ano ngayon kung plain ako? Siya nga diyan puros kolorete lang sa mukha kaya masasabi mong maganda siya. Eh yung suot niya nga halos iilan na lang yung natatakpan sa katawan niya. Mas okay ng maging plain kaysa maging ganyan yung porma.
"She's my fiancée." Fiancée?! Napatingin ako kay Dustin matapos niyang sabihin iyon.
"Ikakasal na sila. Hindi mo ba alam?" Singit naman ng kararating na si Skylar.
BINABASA MO ANG
Grabidad Ba?
Teen FictionSimpleng babae lang naman si Jam Marion Jaime. Yun nga lang masungit at mataray siya. Kahit sinong tao binabangga niya. Mapataas man o mapababa yung status sa buhay. ''And who cares?'' Yan na yata yung naging dialogue niya kapag may natatarayan siya...