Grabidad 27: Big Question
"We still need to observe his condition but for now he's okay. I'm glad to say that there's no internal hemorrhage. His brain was okay and there's nothing to worry about. Mabuti't maaga niyo siyang nadala rito kaya hindi siya gaanong naubusan ng dugo. We needed to transfer some blood to him, good thing there's an immediate match." Nakahinga ako ng maluwag nang marinig kong sabihin ng doctor 'yon. Kanina pa namin sinusubukang taeagan yung parents niya, ang sabi ni Chester parating na sila.
"Jusko salamat." Bulong ko sa sarili ko saka ako napapikit ng mariin.
"Hey, he's okay now. As what the doctor said there's nothing to worry about. Okay?" tumangu-tango ako sa kanya. Nakaalalay pa rin sa'kin si Skylar. Abut-abot yung dasal ko kanina na wala sanang mangyaring masama sa kanya. Halos magpumilit na rin akong pumasok sa loob ng emergency room para lang masigurado kong magiging okay siya.
"Doc, kailan po siya magigising?" tanong naman ni Chester. Natawa naman yung doctor sa'min saka siya umiling-iling.
"Hindi naman ganon kalala yung nangyari. Kaya baka maya-maya lang magising na rin siya. You can go see him now." Nagsipag-sang ayunan naman kami habang nanginginig pa rin yung tuhod kong lumalakad papasok sa loob ng kwarto niya. Hindi ko alam, baka kapag nagising siya galit siya sa'kin.
Paalisin ako. Ipagtabuyan ako kasi sisisihin niya ko. Kasi dapat pinakinggan ko na lang siya. Kasi dapat ako ang nabagsakan nung bakal na 'yon at hindi siya. Dapat ako ang nasa kalagayan niya ngayon at hindi siya.
"Jam let's go." Yaya pa sa'kin ni Skylar. Hindi ko kasi maihakbang yung paa ko ngayong nandito na kami sa tapat ng pinto ng kwarto ni Dustin. Saglit ko siyang tinitigan. Hindi ko alam kung bakas sa mata ko yung takot at paga-alinlangan na nararamdaman ko ngayon. Sana hindi. Sana hindi nila makita 'yon sa'kin. Hindi nila ako kilala bilang takot, bilang hindi marunong manindigan.
"Skylar..."
"Let's go, Jam. Hindi ka lalapain ng buhay ni Dustin." Pagpapagaan pa niya sa nararamdaman ko.
"Ano ba. A-alam ko." Sabi ko pa. Halata namang nagpipigil siya ng pagtawa bago niya pinihit yung doorknob at binuksan na yung pinto. Nakayuko akong nagpatuloy sa loob kasunod yung tatlo pa. Sunud-sunod akong napalunok.
"Kamusta?" mas lalo akong nanlamig nang marinig kong magtanong si Samantha sa kanya. Isa lang yung ibig sabihin non, gising na siya. At dalawa naman ang pwedeng mangyari, it's either palalayasin niya ko o hindi niya ko papansinin. Pero base sa pagkakilala ko kay Dustin. Mas malaki yung chance na gawin niya yung huli.
"Ano tititig ka na lang?" sunod na tanong ni Chester. Hindi pa rin ako maka-diretso ng tingin. Jusko! Kainis na sana ako ng lupa ngayon na.
"Jam."
"Ay lupa!" nakagat ko bigla yung ilalim ng labi ko saka ako napapikit ng mariin. Katangahan ko talaga minsan hindi na matanggal! Tinawag niya ko. Ano na ngayon? Mali ako. Mali akong hindi niya ko papansinin. Sigurado ako ngayong paaalisin niya na ko kasi ayaw niya na kong makita pa.
"Anong lupa ka diyan!" sabi ni Samantha saka natawa pa yung tatlo.
"Anong lupa? Manahimik ka nga! W-wala naman akong sinabi." Maang-maangan ko pa.
"You said it, stupid." Wala sa oras na umangat ako ng tingin sa kanya. Matiim siyang nakatingin sa'kin. Blangko ang ekspresiyon. May nakabalot na benda sa ulo niya bahagya siyang nakasandal sa kama niya.
"D-Dustin.." inalis ko yung bikig sa lalamunan ko. Pinagtaasan ko pa siya ng kilay kahit na pilit lang. Ayokong isipin niya na okay na sa'kin lahat.
Pero okay naman na talaga eh.
"..okay ka na pala eh. A-alis na kami!" sabi ko pa kahit na pilit na pilit yung pagtataray ko.
BINABASA MO ANG
Grabidad Ba?
Novela JuvenilSimpleng babae lang naman si Jam Marion Jaime. Yun nga lang masungit at mataray siya. Kahit sinong tao binabangga niya. Mapataas man o mapababa yung status sa buhay. ''And who cares?'' Yan na yata yung naging dialogue niya kapag may natatarayan siya...