Grabidad 42: News
"Ready?" nakangiting bungad sa'kin ng pinakagwapong lalaki na nakita ko ngayong araw. Ngiting-ngiti akong lumabas at humarap sa kanya. Mabuti nga hindi nakasunod si Angel. Kundi malalaman niyang kasama ko si Dustin. Wala pa kasi siyang alam. Hindi niya pa alam na kami na ni Dustin. At sana naman hindi niya muna malaman dahil nako. Magugunaw na talaga ang mundo oras na malaman niya.
"Ah..ang aga mo." Sabi ko saka ako lumapit pa ng bahagya sa kanya. Nagpaskil ako ng ngiti para lang gantihan yung mga ngiti niya sa'kin. At para maitago yung kilig na nararamdaman ko.
"Excited maybe? Let's go. I don't want to be late." Tinanguan ko pa siya saka ako sumabay na sa kanya sa paglalakad. Ayaw niya raw kasing sumasakay kapag papasok. Sanay siyang maglakad. Wala namang kaso sa'kin 'yon dahil sanay naman akong maglakad.
Para naman akong praning na hindi mapakali. Sumasagi pa sa kamay niya yung mga kamay ko nang dahil na rin sa hindi ko maiayos yung sarili ko. Gusto ko sanang hawakan yung braso niya kaya lang nahihiya pa ko. Walangya, ganito pala talaga kapag kapapasok sa bagong relasiyon. Dapat kasi komportable na ko. Ang tagal na kaya naming nagkakasama. Iba nga lang ngayon dahil boyfriend ko na siya.
Nagpapatama-tama naman sa kamay ko yung kamay niya hanggang sa hindi na ko mapakali. Hinablot ko na yung kamay niya bago ko 'yon isinalikop sa kamay ko. Hindi pa mangyayari 'to kundi ako kikilos. Ngayon pang alam na alam kong may pagka-manhid ang isang 'to.
"Ang sakit kasi. Tumatama sa kamay ko." Sabi ko na lang nang nagkatinginan kami. Ngumisi pa siya at parang nagpipigil ng tawa bago niya hinigpitan pa ng konti yung pagkakahawak niya.
"Kanina ko pa hinihintay 'to." Ngumuso ako saka ko siya inirapan. Ako lang pala yung hinihintay. Baliktad pa. Dapat siya yung gumawa nito sa'kin eh.
Hanggang sa makapasok kami sa gate ng school ako na yung bumibitaw ayaw niya naman bitiwan.
"bakit inaalis mo?" umirap ako sa kanya.
"Hello! Ang daming babaeng may gusto sa'yo rito. Ayokong pag-uwi ko mamaya maubos yung buhok ko. Pero sabagay. Hindi ko naman sila uurungan kahit na anong gawin nila." Sabi ko habang patuloy kaming naglalakad papasok. Narinig ko pa yung pagtawa niya saka kami tumigil.
"Alam kong kaya mong labanan sila. Dahil hindi ikaw yung katulad ng ibang babaeng nagpapa-api." Pasimple pa kong ngumiti at hindi ko na siya sinagot. Dire-diretso kaming pumasok sa loob at ang mga babaeng may gusto sa kanya at umaaligid sa kanya. Ganon na lang yung pagkagulat nang makita nila si Dustin at magkahawak kamay pa kami. Ngumisi ako.
Anong akala nila? Mapupunta sa kanila yung mahal ko?
"Sabi na eh." Sabi ko sa sarili ko bago ako iiling-iling na tumingin sa kanya.
"Jam!" lumingon ako kasabay ni Dustin. Galing sa pintuan yung boses na narinig ko kaya malamang ngayon pa lang siya papasok.
"O Dus...tin." Nagbagal yung pagsasalita ni Skylar habang pababa yung tingin niya sa kamay namin. Ilang saglit pa siyang kumurap-kurap nang nakita niya yung magkahawak naming kamay. Bagsak din ang panga ng kasunod niyang si Zeus nang makita kami.
"Anong—"
"Kayo na ba?!" bigla akong lumingon sa kanila. Eh 'di kanino pa? dun sa mga babaeng kanina pa nanlilisik yung mga mata at nanunulis yung mga ngusong katitingin sa'min. Sasagot na sana ako kaya lang inakbayan ako ni Dustin bago siya ngumisi sa kanila. Hindi ko naman iniaalis yung tingin ko sa mukha niyang seryoso at nakakatunaw tumingin.
Hm. Kaya ang daming nagkakandarapa eh.
"Let me get this easy and clear. Yes, we're officially in a relationship. Now, if you do have a problem with that. It's not my problem anymore and I'm wishing you luck for that." 'yun lang saka niya na hinila yung kamay ko at iginiya na ko sa upuan namin.
BINABASA MO ANG
Grabidad Ba?
Teen FictionSimpleng babae lang naman si Jam Marion Jaime. Yun nga lang masungit at mataray siya. Kahit sinong tao binabangga niya. Mapataas man o mapababa yung status sa buhay. ''And who cares?'' Yan na yata yung naging dialogue niya kapag may natatarayan siya...