Grabidad 20: A Game
"Ano?" gulat na tanong ko kay Marcus. Tinignan niya lang ako saka siya ngumiti.
"I see the look in your face a while ago. You're happy talking to him. I want you to think that this is my gift for you. Ang tapusin kung anumang galit meron ako sa kanya." Hindi pa rin ako satisfied sa sagot niya. Nang dahil lang don? At masaya? Paano ako naging masaya kanina? Hindi ko na alam kung anong nasa utak ng lalaki na 'to at naisipang imbitahan si Dustin. Totorture-in niya ba yung sarili niya? Pinagseselosan niya si Dustin at hindi malayong hindi niya pagselosan ngayon.
Gusto niya yatang sirain yung gabing 'to.
"One more thing, I need to go back to Moscow tomorrow. So that's why I want this group to be complete." Sabi niya nang nakaharap na sa mga kaibigan namin. Napailing na lang ako. He want this group to be complete at talagang bukas na bukas din aalis siya ulit papuntang Moscow. Nakakawalan lang ng gana na makinig sa mga sinasabi niya.
Kahit sa mukha ng mga kaibigan namin nakapaskil yung pagtataka, kahit na sa mukha ni Skylar. Kauupo naman ni Dustin na kasalungat ng inuupuan ko. At iyon na naman yung titig niya. Nanunuot hanggang sa buto ko. Kaya minsan gusto ko na lang manigas kapag tinititigan niya ko ng ganon. Hindi ko alam kung anong dahilan niya't ginagawa niya 'yon sa'kin.
"At ngayong kumpleto na. Simulan na nating maglaro." Pagpapagaan pa ni Marcus sa mood. Sinundan naman siya ni Samantha at Zeus.
"Anong laro?" tanong pa ni Chester.
"Never have I ever."
"Anong consequences sa matatalo?" tanong ni Samantha na ikinangisi pa ni Marcus.
"He or she needs to kiss everyone here. Wherever he or she likes." Nanlaki yung mata ko. Nahampas ko naman ng hindi oras si Marcus pero hindi niya ko pinansin at nagpatuloy lang.
"Game? Sinong magtatanong?" nagtaas ng kamay si Samantha. Tinanguan naman siya ni Marcus. Ibig sabihin non hindi kasama si Samantha sa maglalaro dahil siya na yung tagatanong.
"Kapag 'I have' yung sagot niyo ibend niyo lang yung isang daliri niyo. First five tayo rito ah?" sabi pa ni Samantha. Nagtanguan sila. At ako kahit na tinatamad sumali. Sumali na rin. Ayokong maging kill joy.
"Okay eto na. Never have I ever kiss someone that I don't love?" unang nagbaba ng isang daliri si Dustin sumunod naman si Marcus, pagkatapos non si Skylar din. Napanganga ako.
"Okay. I'll give you time to explain."
"I kissed someone the last time I caused trouble. I did that to protect the girl I love." paliwanag ni Dustin habang nakatingin siya sa apoy ng bonfire. He's really a troublemaker. It's clear now.
"I kissed someone that I don't love because of the game's consequences. My friends in States were playing a game and they asked me to kiss someone that I hate the most. Unfortunately, I need to kiss that bitch who always followed me around." Mahabang paliwanag ni Skylar. Sunod namang nagsalita si Marcus.
"I kissed someone that I don't love when my girl left me.." kinabahan ako bigla nang makita kong nakatingin sa'kin si Marcus habang sinasabi 'yon. "I want to say sorry to you now and be honest, Jam. I kissed Abby the time you left me because I was forced to." Para namang nagkaroon ng bikig sa lalamunan ko. Gusto kong tanggapin at palipasin na lang kaya nag-iwas na lang ako ng tingin at itinuon yung pansin ko sa harap kung saan nakita kong nakangisi si Dustin at iiling-iling.
"Osiya tama na. Past is past naman na, Jam." Sabi pa sa'kin ni Samantha na mukhang napansin yung reaksiyon ko. Pumulupot naman sa baywang ko yung kamay ni Marcus bago niya ko iniusog sa kanya.
BINABASA MO ANG
Grabidad Ba?
Teen FictionSimpleng babae lang naman si Jam Marion Jaime. Yun nga lang masungit at mataray siya. Kahit sinong tao binabangga niya. Mapataas man o mapababa yung status sa buhay. ''And who cares?'' Yan na yata yung naging dialogue niya kapag may natatarayan siya...