Grabidad 4: How long?
"Tabe. Dadaan ako." Sabi ko don sa mga nag-uusap sa gitna ng hallway. Paano naman kasi. Ang haharot. Walang ibang pinag-usapan kundi crush nila. Pagkukurutin ko kaya sa singit 'tong mga 'to.
"Sungit na naman." Huminto ako bago ako humarap sa kanila.
"Wala kang pakialam kung nagsusungit ako. Ano ka ba rito? Estudyante ka lang 'diba? At kahit anak ka ng vice principal siguro naman dapat pantay-pantay yung pagkakatingin sa'ting lahat. Tama ba ko?" Inirapan ko sila sabay tuloy ko na sa paglalakad. Papasok na sana ako sa room pero bigla na lang akong bumagsak at nakadagan ako sa isang bwisit na nilalang.
"A-ano ba?! Bitawan mo nga ako!" Tumayo naman ako bago siya yung tumayo. Ang awkward kasi ng posisyon namin. Nakapatong ako sa kanya. Mamaya makita pa ko ni Marcus nito pag-isipan pa ko ng masama non.
"Niligtas ka na nga hindi ka pa nagpasalamat." Sabay iniinda niya yung braso niya habang iniikot-ikot yung balikat. Tinaasan ko lang siya ng kilay saka ako naka-cross arms na humarap sa kanya.
"Sige nga. Anung klaseng panliligtas yon? Pagliligtas ba 'yon?! Alam mo bang pwede kitang pakasuhan ng harrassment kahit na alam kong menor ka pa lang?" Ngumisi lang siya saka ako nilapitan.
"Nakikita mo 'yon?" Sabay turo niya sa dart pin na nakatusok sa pader na nasa tapat namin. "Muntikan ka ng tamaan niyan. Sa tingin mo. Sinong malapit sa'yo ang makokonsiyensya kapag hindi ka nailigtas diyan?" Napatikom naman bigla yung bibig ko saka ako sumimangot at iniwanan na siya. Pagpasok ko naman nakangangang mga kaklase ko ang sumalubong sa'kin. Hindi ko na lamang pinansin at umupo na ako sa tabi ni Samantha na kanina pa yata ako hinihintay.
"Aga-aga girl nagsusungit ka."
"Who cares? Tinatamad akong hindi magsungit."
"Ni hindi ka man lang nagpasalamat kay Skylar. Ikaw na nga yung sinagip. Pinagsungitan mo pa." Tinignan ko naman siya ng masama saka ako umirap.
"So? Baka gusto mo i-replay ko yung nangyari at ikaw na lang don sa posisyon ko kanina?" Bigla naman siyang sumimangot saka dumukdok na lang sa upuan. Ganun na rin yung ginawa ko dahil wala naman akong makakausap. Tsaka pabalik na sa upuan niya si Skylar kaya mas mabuti na magtulug-tulugan ako.
Maya-maya habang nasa kalagitnaan ako ng aking pagkukunwari. May walanghiyang kumalabit sa'kin. Dahan-dahan akong nag-angat ng ulo at kunwari pupungay-pungay yung mata. Jusko. Kung pwede lang pumatay ginawa ko na.
"Hi Jam! Can you walk with me? I want to tell you something." Pagkatamis-tamis pang ngumiti sa'kin ang bruha. Malamang kung ipapakita niya sa'kin yung pinapakita niya kapag kaming dalawa lang eh masisira nga naman yung image niya. At ako naman kahit naiinis. Ngumiti rin ako sa kanya kahit na halatang pilit at tumayo. Nag-cling naman ako sa braso niya para mukhang kaming close na close. Kahit na sa loob loob ko ngayon eh gusto ko siyang sabunutan!
I know masyado akong harsh pagdating sa kanya. Eh bakit siya ba? Diba harsh din siya?!
Palabas na kami ng classroom saka ako bumitaw sa kanya. Ang arte-arte niya pang pinunasan yung braso niya at ganun rin ang ginawa ko.
"You know what? It's gross!"
"So? Mas gross ka naman. At least ako may matino, gwapo, matalino at loyal na boyfriend. Eh ikaw?" Alam ko dapat sumimangot siya at magalit siya sa'kin bago pagbubulyawan ako pero ano? Isang ngisi lang yung binigay niya sa'kin na akala mo gagawa ng hindi maganda. Well, lagi naman eh.
"Are you sure loyal si Marcus sa'yo? Why? How long did my brother court you? And how long were you now in your relationship? How well do you know my brother?" Wag kang magpadala Jam. Inaasar ka lang niyan. Ipikit mo yung mata mo. Bumuntung hininga ka. Bumilang ka hanggang sampo. Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Lima. Anim. Pito. Walo. Siyam. Sampo. Ngayon. Dahan-dahan..dumilat ka. Anung nakikita mo?
BINABASA MO ANG
Grabidad Ba?
Fiksi RemajaSimpleng babae lang naman si Jam Marion Jaime. Yun nga lang masungit at mataray siya. Kahit sinong tao binabangga niya. Mapataas man o mapababa yung status sa buhay. ''And who cares?'' Yan na yata yung naging dialogue niya kapag may natatarayan siya...