Grabidad 30: Someone Better
"Gusto kita."
"Ano?!" mas lalo pang lumaki yung ngisi niya habang nakatuon yung pansin sa amin ng iba. Kung nung una malakas talaga yung kutob kong gusto niya ko at gagawin niya lahat talaga para makuha ako kay Marcus. Ngayon, na umamin na siya at harap-harapan niya pang sinabi 'yon, bakit naman biglang naging ganito yung pakiramdam ko?
Ang bilis ng tibok ng puso ko at parang sasabog ako dahil sa init ng pakiramdam ko. Hindi ko lang alam kung talagang tinotoo ni Lord yung pagkukunwari kong masama yung pakiramdam ko dahil ngayon pa lang talaga gusto ko ng pumanik sa kwarto at magpahinga dahil sa sobrang sakit ng ulo ko.
Dahil sa kanya. Dahil sa sinabi niya.
"Do you wanna die? 'nough said. I won't repeat it." Itinuro ko yung sarili ko para lang ipakita sa kanya o kumpirmahin sa kanya kung ako talaga yung tinutukoy niya. Hanggang ngayon kasi hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.
"Ako? Ako, tinatanong mo kung gusto kong mamatay?" matiim niya kong tinitigan. Naghihintay yata ng sagot ko kaya humugot ako ng malalim na buntong hininga.
"Masyado kong mahal yung buhay ko para sayangin sa mga taong gumugulo sa'kin. Isa ka na ron." Inirapan ko naman siya saka ako humalukipkip. Hindi ko na siya tinignan. Napalitan din ng pagkainit ng ulo ko yung init ng pisngi ko kanina. Sa ganito ako eh. Moody. Masungit. Dun nila ako nakilala magtiis sila.
"Magulo yung buhay mo ngayon?" tanong pa niya na mukha namang sarkastiko ang pagkakasabi. Magpanggap ba namang hindi alam? Eh sa halos lahat ng taong malapit sa'kin ngayon siya yung nakakaalam non.
"Let's go talk about it." Hindi niya na ko hinintay pa na tumanggi. Oo talagang tatanggi ako dahil sawang-sawa na kong hilahin nila. Jusko! Hindi yata lilipas yung isang araw na walang hihila sa'kin. Kailangan araw-araw meron.
"Alam mo epal ka!" bulyaw ko sa kanya nang maupo kami parehas sa swing.
"Alam mo, sa lahat ng babaeng kilala kong may umamin na lalaki sa kanila na may gusto sa kanila ikaw lang yung hindi apektado." Ngumiwi ako. Paano ba naman, mali yung grammar ng tagalog niya. Sobrang haba. May maikling version non no. Okay, tama naman. Nahabaan lang ako. Nagulat kasi ngayon lang siya nagsalita ng ganito sa'kin. Yung may halong joke pero half meant. Nako! Burgis kasi kaya ganyan.
"Iba ako sa kanila, Dustin. Hindi ako katulad ng mga babaeng sinaktan mo." Diretsa kong sabi. Nakadiretso rin ang tingin ko habang sinasabi ko 'yon. Humalakhak naman siya.
"Sinaktan ko. It's because I needed to do that. I don't want them to hope because there's nothing to hope for. Now, if you think that I am that bad. Fine, it won't be a bother." Kumunot yung noo ko. Hindi makakasagabal sa kanya? Halos masama na nga yung tingin ko sa kanya pagdating sa mga babae hindi niya ba ide-depensa yung sarili niya?
"I don't want to explain myself to those people, who'd always think that I'm a bad person, that I am nothing but a cold-hearted guy." Tinamaan ako ron. Mukha namang ako yung tinutukoy niya. Mukha namang sa'kin niya direktang sinasabi 'yon.
"My adopted parents raised me that way. Kahit na ayaw ko. Na-apply pa rin sa ugali ko." Walang atubiling tumingin ako sa kanya. Gusto kong makita yung reaksiyon niya. Hindi ko alam kung bakit. Pakiramdam ko kasi may gusto siyang sabihin sa'kin na matagal niya ng kinikimkim.
"Nago-open ka na ba sa'kin?" nagkasalubong yung tingin namin. Blangko yung ekspresiyon niya. Kahit anong gawin ko talaga. Kapag ganon na yung reaksiyon niya napapahinto ako.
"At first, I thought I am going to have a life that I've been dreaming of. Nung ampunin nila ako, akala ko aayos ako, aayos yung buhay ko. Magkakaroon ako ng magulang na magmamahal sa'kin. But still, blood is thicker than water kaya kahit anong pilit ko, kapag may mali, ako pa rin yung mapapansin nila at hindi nila mapapansin yung pagkakamali ng biologic daughter and son nila. Kulang na lang ipamukha nila sa'king sampid lang ako sa pamilya. That's why I decided to stay like this one. The cold guy who hurts girls. Like what you always accused me of." Saglit pa siyang mahinang humalakhak saka siya umiiling-iling bago nagpatuloy.
BINABASA MO ANG
Grabidad Ba?
Teen FictionSimpleng babae lang naman si Jam Marion Jaime. Yun nga lang masungit at mataray siya. Kahit sinong tao binabangga niya. Mapataas man o mapababa yung status sa buhay. ''And who cares?'' Yan na yata yung naging dialogue niya kapag may natatarayan siya...