Grabidad 15: Trust

101 2 0
                                    

Grabidad 15: Trust

"Talaga bang naninira ka ng relasiyon?! Ano ba talagang gusto mong mangyari?!" isa pang ngisi yung ibinigay niya kay Marcus saka niya nilapitan yung huli. Talagang nakipagsukatan pa siya ng tingin at hindi ko na alam kung bakit niya 'to ginagawa. Lahat na lang. Lahat na lang ng sinasabi ni Dustin laging tumatagos sa buto ko. Sa pagkatao ko.

Tinitigan niya ko nung sinabi niya 'yon. Bakit ako yung tinitigan niya nung sinabi niya 'yon? Baka tama nga si Marcus. Maninira siya ng relasiyon. Siguro may nakaraan siyang hindi niya makalimutan. O kaya na-broken heart siya dati at hindi pa rin maka-move on ngayon. Kaya sa ibang magka-relasiyon niya sinasabi.

"Sa tingin mo ba? I can hurt anyone, Marcus. 'wag lang maagrabyado yung taong inaagrabyado ng mga mahal nila. I am that guy, Marcus. Unlike you, and any other guy." Aamba na sana ng suntok si Marcus pinigilan ko lang. Ayoko nang masangkot pa sa isang gulo si Marcus. Tama na yung isang beses na sinuntok niya si Dustin para sa'kin. Ayokong madamay siya sa ganitong klase ng kaguluhan.

I'm just worried.

"Tama na okay? Halika na. Babalik na ko ng room. Pumasok na lang din kayo." Hinila ko na si Marcus papunta sa'kin. Kasunod ko si Skylar at Zeus.

"Zeus. Please. Kung pwede ikaw na yung maging taga-awat nila. 'Wag ka ng sumali. Okay?" ngumiti naman siya sa'kin. Naglalakad kaming magkasama dahil nauuna sa'min sina Marcus at Skylar na nagu-usap.

"Okay. Sabi mo Madame Princess eh. Basta sabi mo susundin ko." Ngumiwi naman ako sa kanya saka ko siniko yung tiyan niya. Natawa naman siya bago kami huminto sa tapat ng room nila.

"Magsipasok na kayo. Please lang. Ayoko ng may gulo kayong papasukin. Okay?" bumaling ako kay Marcus. Tumingkayad ako saka ko hinila yung kuwelyo ng damit niya at hinalikan siya sa bibig.

"'wag mo na kong pagaalalahin ulit. Nakaka-stress." Humalakhak naman siya ng mahina. Bago niya ko hinapit sa baywang at hinalikan ulit. Ilang segundo ring magkadikit yung labi naman saka ako na yung bumitaw.

"Nakakainis. Hindi na tuloy ako nakakain ng dahil sa inyo."

"Sorry. Babawi na lang ako sa'yo." Sabi pa ni Marcus bago niya ginulo yung buhok ko. Ngumuso pa ko para pigilan yung pagngiti ko saka ako umirap sa kanya at tumalikod na. Sabay na kaming pumasok ni Skylar. Mabuti wala pa yung teacher namin para sa subject ngayon kaya medyo nakapag-relax pa yung utak ko. Pero hindi.

"Uy, tulala ka riyan." Sabi sa'kin ni Samantha habang nagdi-discuss yung teacher namin sa harap. Umiling naman ako saka ako dumukdok. Hindi kasi ako mapakali sa nangyayari. Kaya siguro ganito ako. Yung Dustin na 'yon. Pilit niyang ginugulo yung isip ko. Argh! Sobra na kong nai-stress.

"'wag mong sabihin na hanggang ngayon iniisip mo pa rin yung sinabi ni Dustin?" napaangat naman ako at napatingin kay Skylar na nakaamang sa arm chair ko. Naalangan pa ko dahil paglingon ko saktong lapit ng mukha namin sa isa't isa. Kaya nilapat ko yung kamay ko sa pagmumukha niya saka ko nilayo.

"Manahimik ka nga. Makinig ka na lang." sabi ko pa. Kinagat niya pa yung dulo ng hinlalaki niya habang nakatitig pa rin sa'kin at nakangisi.

"Sinasabihan mo kong makinig samantalang ikaw kanina ka pa hindi nakikinig. Nahihibang ka na ba?" sabi pa niya. Inirapan ko na lang siya at hindi ko na sila pinansin. Hinintay ko na lang na i-dismiss na kami. Dun na ko tumayo ng mabilis. Nagbigay ng assignment pero hindi ako nagtangka na isulat. Isa lang yung balak ko. Hindi ko 'yon gagawin kaya hindi ko sinulat.

Paglabas ko naman. Nakaabang na ang aking butihing boyfriend sa labas. Nakapamulsa at nakasandal sa pader habang naghihintay sa'kin. Sumandal naman ako sa pader din ng room namin at pinagmasdan siya. Nakayuko pa siya kaya hindi pa niya ko nakikita.

Grabidad Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon