Grabidad 31: Skylar's Words
"Ano bang problema Skylar?" Ngumiti siya na parang inaasar pa ko. Na para bang isinasampal niya sa pagmumukha ko na wala na kong pakialam don kung may problema man siya o wala. Hindi natural sa'kin yung ganito. Na iniintindi sila kapag nagkakaganito sila. Madalas talagang hinahayaan ko. Pero ewan ko ba. Simula nang malaman ko yung ginagawa ni Marcus sa'kin parang pakiramdam ko, magsusunud-sunod na silang mawawala kaya natatakot ako.
Bakit nga ba ako nakararamdam ng ganito? Hindi naman nila ako iiwan eh. Sigurado ako ron. Napa-praning lang siguro ako.
"There's no problem here, Jam." Presko niya pa ring sabi. Pinagtitinginan na kami ng mga kaklase namin pero ganito pa rin ang asta niya, wala na lang yata talaga sa kanya kung makagawa kami ng gulo rito.
Paano ba kasing hindi ako magkakaganito sa kanya. Ilang araw na niya kong binabalewala. Hindi pinapansin. Kapag lumalapit ako gagawa siya ng paraan para makalayo. Kapag kinakausap ko siya kibit-balikat o kaya man minsan tumatango't umiiling lang siya.
Ganyan na siya simula nung umalis siya nung birthday ko. Kung yung kay Dustin naman yung dahilan eh bakit hindi niya sabihin sa'kin? Bakit? Nawala ba yung pagka-confident niya nang dahil lang kay Dustin?
Kaawa-awang nilalang. Baka pati self-esteem niya mawala na rin sa kanya. Nakakapikon na rin kasi. Ayoko kasi nang ganito, ayoko ng may galit sa'kin yung isang tao tapos hindi ko malalaman. Nakakabwisit. Nakakagulo sa utak.
"Wala kang problema pero ilang araw mo na kong hindi pinatutunguhan ng maayo—"
"I was taking my distance from you, and from your life. Now, is that clear? Enough for you to know?" Diretsahan niyang sabi. Naka-de quatro pa siya habang nakaamang at nakatitig sa mga mata ko. Nawala na rin yung ngisi niya sa labi niya at seryoso na siya ngayon nakatingin sa'kin.
"B-bakit ba nagkakaganyan ka?" Inihilamos niya yung mga kamay niya sa mukha niya saka umupo ng maayos. Hinihintay ko yung sagot niya pero imbis na sagutin niya 'yon, hinila niya ko sa labas, hindi naman ako pumapalyang makuha yung ganito araw-araw. Lagi na lang sila hila. Para akong sunud-sunuran nila.
"Mahal kita, Jam! Ni hindi mo ba naiisip yon? Balewala lang ba talaga sa'yo yung nararamdaman ko? Why am I always ignored? Sa lahat ng ginawa ko sa'yo may napansin ka ba? Lahat ba ng ginawa ko sa'yo. Pinahalagahan mo? Because fuck it, Jam! I'm really going crazy about it!" Pagtataas niya ng boses sa'kin matapos kaming makahanap ng lugar kung saan pwede kaming dalawa lang yung mag-usap, sa field.
"Hindi ko sinabing gawin mo 'to para sa'kin. Anong gusto mong isipin ko sa mga ginagawa mong 'yon para sa'kin? Kasi alam mo kung anuman yung inisiip mo na mararamdaman ko isantabi mo na 'yan. Para kasi sa'kin, pambawi mo lang 'yan sa lahat ng taon na wala ka sa tabi ko. Hindi mangyayaring mahalin kita katulad ng sinabi mong mahal mo ko. Dahil simula't sapul kapatid lang yung turingan natin. Hindi mo kailangang umarte ng ganyan! Sawang-sawa na ko sa inyo! Ngayon! Kung gusto mo kong iwan, sige, umalis ka! Umalis ka ulit at iwan mo na ulit ako!" Hindi ko na napigilan yung sarili ko.
Ginawa niya 'yon lahat dahil mahal niya ko. Hindi dahil gusto niyang bumawi. Oo, ayos na sana. Ayos na sana ako sa relasiyon naming dalawa ngayon. Magkapatid yung turingan namin. Pero kung hihigit pa ron mukhang malabo. Isa pa hindi pa kami okay ni Marcus. Kailangan ko na lang siguro ng closure tapos, tama na muna.
"You don't understand, Jam—"
"Sige. Sabihin mo sa'kin kung anong hindi ko naiintindihan. Baka kapag nalaman ko magbago yung isip ko at makinig sa mga sinasabi mo. Sige Skylar." Panghahamon ko sa kanya. Alam kong masama ang loob niya sa'kin kaya dapat ako na yung nagpapakumbaba. Pero sadya talagang hindi ko na mapigilan yung sarili ko at pinairal ko na naman yung pagka-tanga ko.
BINABASA MO ANG
Grabidad Ba?
Ficção AdolescenteSimpleng babae lang naman si Jam Marion Jaime. Yun nga lang masungit at mataray siya. Kahit sinong tao binabangga niya. Mapataas man o mapababa yung status sa buhay. ''And who cares?'' Yan na yata yung naging dialogue niya kapag may natatarayan siya...