Grabidad 28: The Truth

70 3 0
                                    

Grabidad 28: The Truth

"Dustin!" sigaw ko nang makita ko siyang kuhanin yung quiz paper kong kababalik lang kanina. Mahigit tatlong linggo na rin simula nang makalabas siya. At simula rin non mas naging malapit kami. Yun nga lang mahilig talaga siyang mang-asar. Dumaldal din siya ngayon hindi katulad dati. Oo na, sige na, konti lang.

"'wag mo na ngang pagkumparahin!" inis na sabi ko bago ko pa tinangkang hablutin 'yon pero mabilis niyang iniiwas 'yon at tumayo pa talaga siya bago tinaas yung kamay niya para mas lalong hindi ko maabot 'yon. Wala si Skylar ngayon. Siguro kung nandito 'yon siya pa mismo yung magtatatawa sa'min. May kailangan daw kasi siyang asikasuhin kaya hindi siya nakapasok ngayon kaya wala akong choice kundi ang tumabi sa Dustin na 'to.

Para namang may ibang choice pa ko.

"Five over ten. Is this even a score?" tanong niya pa habang blangko pa rin yung mukha niyang pabalik-balik ang sulyap sa papel at sa akin. Wala talagang emosiyon kahit kailan. Ni hindi ko maaninag kahit kaunting panunudyo sa mukha niya. Pero yung mga salita niya, dun pa lang mababanas ka na eh,

"Ano bang pakialam mo?! Hindi ako kasing talino mo." Nakasimangot kong sabi habang pilit kong inaabot yung papel ko mula sa kamay niya. Siguro pinapatay na naman ako sa utak nila ng mga babaeng inggit na inggit lagi sa'kin.

"Wala kang oras para mag-aral kaya ka nakakuha ng ganitong score." Sabi pa niya.

Aba't talagang ginagalit ako ng isang 'to ah!

"Akin na sabi!" singhal ko pero hindi pa rin siya natitinag.

"Be mine first." Ngumuso ako. Tinadyakan ko pa yung binti niya saka ako umupo na. Nagsimula na naman siya sa ganong panga-asar niya. Alam niya naman na inis na inis ako kapag pumi-pick up siya ng ganon. Mahilig niyang gawin 'yon para lang matigil ako sa ginagawa kong pamimilit lagi sa kanya.

"Eh 'di natigil ka." Sabi pa niya. Wow lang! Kilalang-kilala niya na ko. Bwisit! Paano ko ba naging ka-close ang isang 'to? Jusko! 'wag mong sabihin Jam na wala ka sa sarili mo nitong mga nakaraang araw. May sapi yata ako.

"Let's go." Sabay hinila niya na ko palabas. Hindi niya na ininda kung may nabubunggo siyang ibang kaklase namin. Hindi ko na rin ininda 'yon dahil wala akong pakialam sa kanila. Nagiging makasalanan lang naman ako pagdating sa mga taong hindi ako nirerespeto bilang tao.

"Itapon mo na nga yang papel." Sabi ko na lang pagdating namin sa locker area. Inayos ko yung mga gamit ko ron. Magkakatabi lang yung locker kasi namin. Locker niya at locker ko yung susunod bago locker na ni Skylar.

"Not my plan." Sabi pa niya. Ngumiwi ako saka padabog na sinara yung pinto ng locker ko. Pagsara ko siya ring pagsara ng sa kanya. Sumandal pa siya ron bago tumitig sa'kin. Sunud-sunod naman akong napalunok. Ni hindi ko na maintindihan kung ano pa 'tong nararamdaman ko kapag tinititigan niya ko ng ganito.

Halos magwala yung buong sistema ko kapag umaakto siya ng ganito.

"Hindi nga pwedeng sabihin sa kanya Skylar." Skylar? Nandito si Skylar? Teka 'diba si Zeus 'yon? Luminga ako sa paligid. Hinanap ko kung saan nanggagaling 'yon habang patuloy akong nakikinig sa usapan nila.

"Sige nga sabihin mo. Hanggang kailan? Hanggang kailan tayo makikisama kay Marcus sa paglilihim niya kay Jam? Alam naman nating hindi totoo yung sinasabi niya laban kay Jam 'diba? Jam has nothing to do with that accusation! Lagi natin siyang kasama for pete's sake!" napakunot lalo yung noo ko nang marinig kong banggitin nila yung pangalan ko. Nakita ko sila sa gilid ng locker area kung saan may makitid na hallway doon papunta sa storage room.

"Si Dustin. Si Dustin yung may gustong 'wag nating sabihin. Alam natin kung paano nagalit si Jam non kay Dustin at kung paano niya hindi pinaniwalaan yung sinasabi nung huli. Bakit pa nating ipagpipilitan? Mapapagod lang tayo. Masasayang lang yung panahon natin kapag ginawa—"

Grabidad Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon