Grabidad 16: Hold You

91 2 0
                                    

Grabidad 16: Hold You

"Jam!" sigaw sa'kin ni Samantha na nagmamadali pang lumapit sa'kin. Kasunod niya pa sina Chester at Zeus. Seryoso 'to?! Nandito sila? Tapos sila proper attire?! Samantalang ako? Naka-baseball tee at jeans at rubber shoes pa! Sobra 'to! Buti pa si Angel. Naka-short at cute na ruffled tops! Jusko!

"Why didn't you tell me?!" Inis na sabi ko kay Marcus. Tawa naman siya ng tawa. Kaya ba sabi niya different ako? Nakakatae naman 'yan oh!

"Eto naman! 'wag kang mag-alala. May binili ako para sa'yo. 'wag ka ng umusok diyan sa galit." Sabi pa ni Samantha sa'kin. Tumabi naman si Chester at Zeus sa'kin. Saka nila ako hinila papunta na ron sa beach house nila Marcus. Malamang malalaman kong kanila 'tong beach house, sa kanila rin 'tong resort no. Nilingon ko pa si Angel mukhang okay naman dahil buhat siya ni Marcus.

"Bitiwan niyo nga ako! Mga bwisit!" inis na inis na naman ako! Hindi ako na-inform! At mukhang ako lang talaga yung hindi nakakaalam nito ah!

"Pumanik ka na sa taas nandon yung bikini mo! Hindi 'yon masyadong revealing. Eto kasing si Marcus. Pinagbilinan ako na 'wag kang bilan ng revealing kaya. Shorts lang 'yon tsaka see through long sleeves na may sando sa loob na hanggang ibabaw lang ng pusod kaya kita pa rin stretch mark less mong tiyan don." Hindi pa rin nawawala yung pagkadismaya ko. Sumunod na lang ako at pumanik sa taas. Nakita kong nasa ibabaw na ng kama 'yon. Kulay cream yung see-through na sinasabi niya at ganon din yung panloob. Tapos maong shorts yung naroroon.

"Galing din. Kakainis." Sabi ko sa sarili ko na akala mo may kausap ako sa loob. Kinuha ko 'yon at nagbihis na sa loob ng banyo. Paglabas ko inayos ko lang yung damit na hinubad ko. Tinupi ko at inilagay lang don sa kamay. Magagamit ko pa 'yan mamaya.

"Sorry." Nagulat pa ko kaya ako napaharap sa kanya. Niyakap niya ko. Magkasalubong naman yung kilay ko ng makita ko siya.

"Bakit kasi hindi mo sinabi sa'kin?" anas ko. Ngumiti naman siya bago hinalikan yung pisngi ko. Kaya nilayo ko yung katawan ko sa kanya pero nakayakap pa rin siya sa'kin.

"Kapag sinabi ko sa'yo hindi na surprise. I want to surprise you because I want you to feel special this day." Nang dahil don. Kumalma ako. Para akong lumulutang sa ere dahil sa sinabi niyang 'yon. Kailangan ko ng lubusin 'to. Dahil pagkatapos nito wala na. Hanggang text at tawag na lang kami. Mabuti sana kung makapag-skype kami. Eh mukhang unang araw pa lang magiging busy na siya ron sa pupuntahan niya.

"Kailangan ko bang mag-thank you para diyan?" tanong ko pa sa kanya. Ngumuso pa ko saka ako humawak sa balikat niya. Ngumiti naman siya't hinalik-halikan yung pisngi ko.

"I don't need it. Makita at makasama lang kita sa araw na 'to ayos na sa'kin." Hindi ko na napigilan yung sarili ko. Yumakap na ko sa kanya. Bago ron ko binuhos yung luha ko. Ngayon lang ako iiyak ng ganito sa kanya.

"Ayokong umalis ka." Sabi ko pa. Humigpit naman lalo yung yakap niya sa'kin.

"Ayoko ring umalis. Pero kailangan. Kailangan ko 'to para sa business namin. Babalik naman ako. Basta ba hihintayin mo ko at hindi mo ko ipagpapalit kahit kanino. Kahit sa Dustin na 'yon." Lumayo ako sa kanya saka ko tinitigan yung mukha niya.

"Nasisiraan ka na ba ng bait? Bakit na naman nasali si Dustin sa usapan na 'to?" tanong ko pa sa kanya. Pinahid niya pa yung luhang nasa pisngi ko bago siya sumeryoso.

"May kakayahan si Dustin na gawin 'yon. Wala akong tiwala sa kanya. May gusto siya sa'yo Jam. Hindi mo ba nahahalata 'yon?" sabi pa niya sa'kin. Umiling naman ako saka ako sumimangot.

"Hindi. Si Skylar lang ang alam kong may gusto sa'kin. At wala na kong pakialam sa iba." Sabi ko pa. Tumawa naman siya saka niya inabot yung labi ko at ninakawan na naman ng halik 'yon.

Grabidad Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon