Simula

1.4K 21 1
                                    

Simula

Bakit ba kailangang isakripisiyo yung mga bagay na para naman talaga sa'yo? Yung mga bagay ba na nakalaan sa'yo. Yung mga bagay na pinaghirapan mo. Tapos sa bandang huli hindi naman pala magtatagal sa'yo? Katulad na lang ng buhay. Diba para sa'yo yon? Bakit kailangang bawiin? Hindi naman sa sinasabi kong hindi na dapat bawiin ni God yon. Pero nakakainis lang isipin na ang saya-saya mo ng nabubuhay tapos bigla na lang niyang babawiin.

Nakakapagtaka ba? Ang drama ko. Senti ako ng senti dito. Ang dami-dami kong sinasabi. Eh hindi naman talaga tungkol doon yung gusto kong sabihin. Pwede bang paki-proofread yon? Paki-erase kasi masyado akong maganda para mag-drama ng ganon. Isa pa. Isa akong taong simbahan kaya bad yon.

Eto talaga yung gusto kong sabihin. *a little pause* Mag-tawas ka dahil hanggang dito sa loob ng screen naaamoy ko yung lakas ng anghit mo. Mag-toothbrush ka na rin dahil bawat paglabas mo ng carbon dioxide mula sa bibig mo eh nakakadagdag sa air pollution. Pati maligo ka na rin dahil hindi ko gusto yung amoy mo. Ang asim-asim mo. Maasim ka pa yata sa sukang iloko.

Well, 'yun lang naman yung gusto kong sabihin. At pwedeng-paki-erase ulit yon kasi hindi tungkol doon yung sasabihin ko. Eto na talaga. Breathe in, breathe out.

For you...

What's the meaning of grabidad?

Kung ako tatanungin mo. Eto lang yung masasabi ko. Isa lang yong pwersa na na nagiging dahilan ng pagka-inlove mo sa isang tao. Yung taong noon pa man pinapantasiya mo na't pinaglalawayan mo. Na kung ituring mo eh parang isa sa mga demi-god na kasamang naninirahan ng mga god at goddess sa Mt. Olympus.

Pero yung iba hindi naman naniniwala dahil tanga raw ako. Oo tanga raw ako. Wala akong alam sa mga bagay na hindi naman dapat inaalam. Isa akong taong boring at walang kwentang kausap. Isa akong taong lahat na lang ng tao sinungitan. Isa akong taong bwisit sa mga katulad kong masungit. Isa lang naman yung hiling ko eh.

Yung malaman kung ano talaga yung ibig sabihin ng grabidad! Iyon lang naman! Kaya ngayon may misyon ako. Misyon kong alamin kung anung ibig sabihin nun para sa mga tao. Oo maraming nakakaalam na gravity yon. According to science iyon yung force na nanghihila sa'tin pababa para hindi tayo palutang-lutang sa mundong ibabaw. Pero ang gusto kong alamin eh kung ano ba talagang ibig sabihin non para sa mga tao.

So ano? Wala na kong masabi? Alam ko namang walang kwenta an mga sinasabi ko. Magagawa mo? Istorya ko naman to. Tama na laslas na. Alis na ko Kbye...Wait! Magpapakilala pa pala ako. Mic test. Sound check. Drum rolls. Camera flash. Music plays. Clears throat.

I'm Jam Marion Jaime at samahan niyo kong tuklasin kung ano bang ibig sabihin ng grabidad. *90 degress bow*

--

This is a work of fiction. Names, characters, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or use in fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual event is purely coincidental.

DO NOT PLAGIARIZE, DISTRIBUTE AND CREATE DERIVATIVE WORKS FROM OR EXPLOIT THE CONTENTS OF THIS STORY IN ANY WAY. PLEASE OBTAIN PERMISSION.

--

Copyright © 2014 by Aicirtap Emiaj

All rights reserved

Grabidad Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon