Grabidad 47: Helpless

121 3 0
                                    

Grabidad 47: Helpless

"Hey." Bati sa'kin ni Marcus. Kanina pa kami rito sa loob ng classroom. Maaga akong pumasok dahil ayokong maabutan pa nila Mother Vity na ganito yung itsura ko. Namamaga yung mata ko. Ang itim pa ng ilalim ng mata ko dahil hindi ako nakatulog. Feeling ko nga wala na kong dugo dahil na-low blood ako sa kadahilanang puyat. Magdamag ko na lang binantayan si Angel. At isa pa, iniisip ko si Dustin. Sigurado akong matapos yung nangyari kagabi. Desidido na siyang umalis ngayon. And I can't do anything about it.

Bakit?

Dahil pagod na ko. Oo, siguro mabilis akong mapagod. Tutal naman lagi akong naiiwan. Siguro maganda na rin na mapagod ako para matuto ako. Matuto akong 'wag ng umasa na darating pa yung mga taong aalis sa buhay ko.

"Nakita mo na ba siya?" tumango ako Bago ako dumukdok.

"Nagkausap na yata sila Marcus. Ang naging kaso lang nag-away pa sila nung nagkita sila. Tama ba?" Boses ni Skylar 'yon. Umangat yung ulo ko para lang tignan siyang umupo sa tabi ko saka ako dumukdok ulit.

"Paano mo na naman nalaman?" tanong ko sa kanya.

"He told me last night. He's in my house last night. Drunk." Nakainom? Umiinom ba si Dustin? Umangat yung ulo ko. Hindi ko gusto pang magtanong. Sawang-sawa na kong magtatanong kung sasagutin ka lang nila ng kalokohan.

"That's why I saw him last night in front of your gate." Bahala kayong mag-usap diyan. Wala akong naririnig. Wala-wala!

"Yes indeed. He didn't want to go home. Good thing Chester and Samantha came and they forced him to go home." Ngumusu-nguso ako. Wala na kong pakialam sa kanya.

"He threw something on my window last night. Nabasag nga iyon. My mother wants to file a case against him but after explaining she changed her mind. Jeez! I thought he was going to kill me last night." Hihingi-hinga ako. Ayokong magpahalata na naaapektuhan ako sa mga pinaparinig nila. Kailangan makita nilang wala na kong pakialam.

"Anyways it's my fault so if you found me dead. You know who did it." Biro pa ni Marcus bago sila nagbungisngisan. Umangat ako. Hinampas ko ng hinampas si Marcus saka ko siya sinigawan.

"I hate you! Kasalanan mo kasi 'to! Bwisit!" tawanan pa rin sila ng tawanan hanggang sa makita kong pumasok si Zeus at nakisali rin sa panga-asar sa'kin. Saka na lang sila tumigil nang pumasok yung prof namin. Katulad ng dati wala akong nagawa. Wala akong nagawa para makinig sa klase. Nakapag-lunch na kami't lahat at nagpapahinga na lang dito sa field hindi ko pa rin gustong makisali sa usapan nila. Sila masaya, samantalang ako parang doomsday na bukas.

Ngayong araw na yung alis niya. Ni wala akong idea kung anong oras ang alis niya. Wala akong idea kung magbabago pa ba yung isip niya. Siguro matagal na rin naka-plano na umalis siya hindi niya lang masabi sa'kin.

"Anong balak mo?" tanong sa'kin nang kauupong si Zeus sa tabi ko. Tinignan ko lang siya saglit saka ako umirap.

"Wala akong balak gawin. Kung ayaw niya na kong balikan eh 'di 'wag." Natawa naman siya. Inakbayan niya pa ko saka siya suminghot at bumuga bago nagsalita.

"You're feeling helpless now, tama?" tanong niya pa. Bigla naman akong napatingin sa kanya. Nakangiti siya ngayon at nakatanaw lang sa malayo. Bumuntong hininga naman ako saka ako dumiretso rin ng tingin. Ipinatong ko pa nga yung baba ko sa braso ko habang nakataas naman yung tuhod ko.

"I'm so helpless now. They always come and go in my life and no one intended to stay. Paano, eh lagi naman akong naiiwan. Siguro dahil sa kasungitan ko? Siguro dahil sa ugali ko? Hindi ko alam yung dahilan. Ang hirap i-predict lalo na kung nasa mga taong umalis yung kasagutan sa mga tanong ko. Bakit? 'yun lang naman yung tanong ko. Bakit ang hilig nila akong iwan." Umihip yung malakas na hangin. Makulimlim ang paligid. Nagbabadyang umulan. 'wag naman sana. Wala akong dalang payong. Isa pa, ayokong umuwi na basa na naman. Malayo pa kami sa building namin kung sisilong kami. Kahit na tumakbo kami pagdating namin sa sisilungan namin basa na rin kami. Malayo kasi 'to sa mga building.

Grabidad Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon