Grabidad 22: The Text

84 2 0
                                    

Grabidad 22: The Text

"Paanong nangyari 'yon? Eh nito lang kami nagkakilala. Nung time na nasa mall kami at nakasama ko siya sa court, nako-"

"Ikaw. Oo malamang ikaw nun mo lang siya nakita at nakilala. Pero siya matagal ka na niyang kilala. Bata pa lang tayo kilala ka na niya. Kilala niya na tayo." Ibig sabihin. Hindi ko talaga siya stalker. Talagang kilala niya lang ako. Talagang marami lang siyang alam tungkol sa'kin kasi bata pa lang kami taga-subaybay ko na siya.

"Pero bakit? Bakit kailangan niyang itago sa'kin?" nagkibit balikat naman siya saka niya pinatunog yung leeg niya.

"Ang sabi niya sa'kin. Madalas siyang isama ng mama niya ron sa ampunan. Yung mama niyang 'yon, iyon yung tumutulong sa ampunan dati. Sa mga ibang gastusin. He grew rich. Kahit na tulad ko, adopted child lang din siya. Mayaman yung pamilyang kumupkop sa kanya kaya nga nagtataka ako kung bakit. Ganon yung asta niya? Walang pakialam sa mararamdaman ng ibang tao. Walang pakialam basta mai-express niya lang yung sarili niya."

Tama. Napaka-misteryoso niya ring tao, kaya minsan hindi ko na maintindihan kung bakit siya ganon umasta. Kung bakit sa lahat ng tao ako yung lagi niyang ina-approach. Nakita ko rin naman yung mga babaeng inayawan niya. Yung mga babaeng sinaktan niya. Lagi akong witness sa mga 'yon.

Kaya nga kinainisan ko siya. Pero nung nakasama na namin siya may ugali siyang tinatago na parang bata. Na sabik sa kaibigan, sabik sa mga taong magpaparamdam sa kanya na hindi siya nagi-isa. Na may mga taong makikipag-usap at aalalay pa rin sa kanya.

Siya rin kasi yung tipo ng tao na. Kapag may gustong lumapit o makipagkaibigan. Hindi niya tatanggapin at siya mismo yung lalayo.

May mga words din siya na laging nagpapa-isip sa'kin. Yung mga words na iisipin mo pa bago mo maintindihan at kapag naintindihan mo dun mo mare-realize na tama lahat ng sinasabi niya. Ang hirap niyang ispelengin. Sobrang hirap.

"Mabuti nga ngayon. Nakakasama siya sa'tin. At iyon ay dahil sa'yo." Sa'kin? Kunot noo akong tumitig sa kanya. Malungkot yung mga ngiti niya bago siya yumuko.

"Bakit? Bakit sa'kin?"

"I don't know. I'm just telling you what I see." 'yun lang saka siya tumayo na.

"Paano? Mauuna na ko?" Sabi pa niya bago siya ngumiti sa'kin. Tumayo naman ako saka ako tumango.

"Salamat sa paghahatid at sa time Skylar. Salamat din sa information." Tumango lang siya saka niya ko niyakap. At tumalikod na para umalis.

Isang malaking tanong lang yung nasa isipan ko ngayon.

Bakit? Bakit kinailangan niyang itago sa'kin 'yon?

Pero sabagay may isang obvious na sagot naman. Nasa isip niya rin sigurong wala akong pakialam kung kilala niya man ako. Siguro nasa isip niyang hindi naman mahalaga kung malalaman ko pa. Conclusion ko lang naman 'to at malakas yung paniniwala kong iyon yung dahilan niya.

"Ate Jam.." lumapit sa'kin si Angel nang makita niya kong nakaupo sa loob ng sala. Kasalukuyan akong nakapikit non at nagi-isip ng mga bagay-bagay. Nginitian ko siya saka ko siya kinarga para ikandong sa'kin. Hawak-hawak niya yung manyikang ibinigay sa kanya ni Marcus nung nakaraang taon na birthday niya.

"Bakit? May problema ba Angel?" ngumuso siya. Hindi pa rin siya natitinag sa paglalaro nung manyika na 'yon bago pabalik-balik ang tingin niya sa'kin na para bang naga-atubiling sabihin kung ano yung gusto niyang sabihin.

"Kasi ate..namimiss ko na si Kuya Marcus. Hindi ko na siya nakikita rito. Dati naman lagi siyang nandito. Sinusundo ka tapos hinahatid ka." nasa himig niya yung paga-alala at pagkalungkot. Matamlay akong ngumiti.

Grabidad Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon