Grabidad 41: Searching
"Wala naman akong nababalitaan na magda-drop siya hindi ba?" naglipana na naman yung mga alagad ni Mama Sang sa kwarto namin. Mga tsimisan ng tsimisan. Tsismis dito, tsismis doon. Hindi yata natatapos 'yon. Araw-araw na lang sa pagpasok ko laging ganito. Samantalang ako, eto. Nakatunganga lang sa harap at walang balak makisali. Wala pa yung dalawang asungot plus isang manloloko pati na rin yung lalaking hindi ko alam kung bakit galit na galit sa'kin kahapon.
"Good morning, Madame Princess." Nakangiting bungad ni Zeus sa'kin saka niya ipinatong yung bag niya sa lamesa niya.
"Morning." Sabi ko na lang. Wala akong ganang kumausap ng iba. Minsan pati mag-aral nakakawalan na rin ng gana. Mahirap din kasing magpanggap lalo na kung talagang hindi mo gawain. Hindi naman ako mapagpanggap katulad ng iba hindi ba? Hindi ako yung tipo ng taong magpapa-api kapag hindi kaya yung kaaway. I am not like those damsel in distress on fairytales.
"Wala sa mood?" tanong niya pa. Kibit balikat lang yung isinagot ko at hindi na nagtangkang sagutin pa ulit yung mga tanong niya.
"Ang sabi kasi ng mga prof natin. Pumunta raw dito last time yung parents niya. Gusto na siyang i-drop. Kagustuhan daw ni Dustin 'yon." Sa salitang 'yon, akala ko nagkamali lang ako ng rinig kaya lumingon ako sa kanila. Kaya kahit hindi ko sila ka-close at gusto lakas loob pa rin akong nagtanong.
"Excuse me, sinong magda-drop?" tanong ko ron sa leader nila na kulay berde yung buhok at kulay berde rin yung suot pati na bag at nail coat.
"Ah, you didn't know? I thought kaibigan niyo si Dustin and he's very close to you. Nabalitaan lang namin na magda-drop siya. Inaayos na yung papel niya kasi they're going to withdraw everything na raw." Sunud-sunod na pagkurap yung ginawa ko saka ako nailing na humarap ulit. Napatingin pa ko kay Zeus na nakatanga rin sa harap.
"Alam mo na naman ba 'to? Kayo nila Skylar, alam niyo rin ba 'to?" halata naming nagulat siya sa tanong ko pero 'di nagtagal binawi niya rin 'yon at may dinukot sa bulsa niya.
"Ano Zeus?!" tanong ko sa kanya.
"Sandali tatawagan ko si Dustin. Hindi ko alam 'to Madame Princess. Sa pagkakataong 'to wala kaming alam tungkol sa pagda-drop ng gagong 'yon." Patuloy pa rin yung pag-pindot niya at pagbalik sa tenga ng cellphone niya pero palagay ko hindi niya na-contact.
"Zeus, nasaan ba siya? Hindi pa ba siya papasok?" tanong ko habang tumitingin ako sa mga kaklase kong sunud-sunod nang nagsisipasok sa loob. Ang pinakahuling dumating eh si Skylar at si Marcus.
Nanalalamig na yung buong katawan ko. Kanina pa ko kating-kati na lumabas para hanapin siya. Nandito na naman tayo eh. Nandito na naman tayo sa parteng ganito. Kailangan ko bang maghabol? Hahabulin ko pa ba siya? Akala ko kasi iniisip niya pa ko. Iniisip ko kasi mahal niya ko, ganun niya ko kamahal. Kaya lang mukhang nagpakatanga na naman ako. Sa pagkaka-alala ko kasi simpleng misunderstanding lang 'to. Simpleng pagkakamali. Pinapalaki niya lang, pinalaki niya lang ng ganito.
"Anong nangyari? Bakit tulala 'yan?" rinig kong tanong ni Skylar kay Zeus. Humarap ako sa kanila. Gusto kong umiyak. Gusto kong iiyak 'to lahat. Pero alam ko, hindi ako iyakin, hindi ko dapat iniiyakan yung mga bagay na ganito. Dapat kay Marcus iyon na yung huling iyak ko.
Kaya lang iba 'to eh. Si Dustin 'to. Siya na yung mahal ko ngayon, at alam kong nasaktan ko siya dahil sa simpleng—hindi dahil lang sa mga simpleng salita na binitawan ko.
"Hindi ko talaga ma-contact Madame Princess eh." Sabi sa'kin ni Zeus. Patuloy pa rin yung pag-pindot niya sa cellphone niya. Hindi ko na matitiis 'to. Inayos ko yung gamit ko. Ayokong pumasok, hindi ako papasok hangga't hindi ko siya nakikita.
BINABASA MO ANG
Grabidad Ba?
Teen FictionSimpleng babae lang naman si Jam Marion Jaime. Yun nga lang masungit at mataray siya. Kahit sinong tao binabangga niya. Mapataas man o mapababa yung status sa buhay. ''And who cares?'' Yan na yata yung naging dialogue niya kapag may natatarayan siya...