Grabidad 45: Kiss
Hindi ako makatulog. Kanina pa ko nakatingala sa kisame ng kulay pink na kwarto ni Marilane. Ang sakit na nga sa mata dahil kanina pa ko naiirita sa kulay. Ilang beses ko ring chineck yung phone ko. Puro text lang ni Samantha 'yon na nangungulit kung okay lang ako, at talagang nagungulit na pabayaan ko na lang si Marcus.
It's not their decision to make.
Tanda ko pa sa mga sinabi ni Zeus sa'kin kanina.
Bago kami magpaalam ni Dustin. Matapos naming mag-usap I mean. Hindi na siya nag-text at tumawag ulit. Siguro nagi-isip din siya. Pare-pareho lang kaming nagi-isip dahil pare-pareho kaming hindi sang-ayon sa inaasta ni Marcus.
Umiling ako. Dapat siguro pinanindigan ko yung decision ko na hindi ko na lang 'to dapat ginawa. Na hindi ko dapat hinayaang manghimasok na naman si Marcus. I've had enough. Ika nga ng karamihang tao na napupuno dahil sa asta ng mga tao sa paligid nila.
"Are you okay?" bigla na lang ako napaupo ng marinig ko yung maliit na boses na 'yon mula sa pintuan. Si Josh. Hawak niya yung teddy bear niyang puti at nakapantulog na rin siya. Siguro matutulog na siya kaya lang bakit gising pa siya ng ganitong oras? 9pm na ng gabi. Wala ba yung yaya niya para patulugin siya?
"Yes I am. Why?" tanong ko pa sa kanya. Kinagat-kagat niya pa yung labi niya. Nakadungaw pa rin siya sa pinto niya. Mukhang gustong pumasok nahihiya lang. Wow. Bago 'to ah. Lahat ba ng kapatid ni Marcus kailangang bumait na sa'kin ngayong ako yung tanging gamot ng kuya nila. What the—eh may mga sapak siguro talaga yung tao rito.
"I dreamt about you. Can I sleep here?" Napaamang ako.
"Seriously kiddo?" pagkatapos non umiling lang ako bago ko tinapik yung space sa tabi ko hudyat para lumapit siya at umupo ron.
"What do you want?" tanong ko pa. Ngayon ko lang nakita yung ganitong side niya. Para siyang maamong tupa ngayon.
"I want you to stay beside Kuya Marcus and never leave him again." Sandali akong napahinto.
"You know what? Let's just go back to your room. Where's your nanny?" kinusot niya pa yung mata niya. Saka ako napanganga dahil sa paghiga niya sa kama ko at dun na natulog. Ilang saglit pa narinig ko na yung mahinang paghilik niya. Wala sa sariling napangiti ako. I always wanted to have a little brother or sister pero hindi nangyari dahil maagang nawala yung mga magulang ko. Ang lungkot nga eh. Matapos nilang mawala ako na halos yung umintindi sa sarili ko kaya pasalamat ako at nandiyan sila Mother Vity pati na rin yung mga kaibigan kong totoong nag-aalala para sa'kin. Siyempre si Angel.
Gusto ko mang tabihan na siya. Kaya lang baka magising ko pa dahil sa sobrang likot ko. Mabuti sana kung makakatulog ako agad eh ni hindi nga ako makatulog, ni hindi nga rin ako inaantok eh.
Lumabas ako ng balcony. Magpapahangin muna ako.
Madilim na sa labas. Halos magbibilang ka pa ng ilang oras para makakita ka lang ng kotseng dumaan sa harap. Nayakap ko yung sarili ko nang maramdaman ko yung malamig na simoy ng hangin na dumampi sa balat ko. Napangiti ako saka ako napapikit.
"Bakit gising ka pa?" gulat akong napadilat saka ko tinignan yung nagsalita. Si Marcus. May hawak siyang kape. Nakapantulog na rin siya at mukhang hindi rin siya makatulog.
"Hindi ako makatulog." Sabi ko bago ako uminat-inat. Narinig ko pa yung pagtawa niya ng mahina saka siya nagsalita.
"If you can't do it. Bakit mo pa rin ginawa?" sandali akong natigilan. Itinukod ko pa yung mga kamay ko sa railings ng balcony nila.
"Tanga ka ba? Eh mas tanga ka pa sa'kin eh. Kapag hindi ko ginawa yung gusto mo kargo ko pa kung mamamatay ka nga kapag nagpakamatay ka. Sabagay, matagal namang mamatay yung mga masasamang damo. Kaya dapat talaga hinayaan na lang kitang magpakamatay." Malamig kong sabi. Wala akong pakialam kung hindi siya maapektuhan sa mga sinasabi ko. Alam ko naming manhid siya. Walang inisip kundi yung nararamdaman niya.
BINABASA MO ANG
Grabidad Ba?
Teen FictionSimpleng babae lang naman si Jam Marion Jaime. Yun nga lang masungit at mataray siya. Kahit sinong tao binabangga niya. Mapataas man o mapababa yung status sa buhay. ''And who cares?'' Yan na yata yung naging dialogue niya kapag may natatarayan siya...