Grabidad 23: Fight
"Bakit?" tanong ko sa kanya nang makaupo kami sa may swing. Niyaya ko siyang dun na lang kami mag-usap dahil hindi ko naman na siya pwedeng papasukin sa loob. Sigurado akong kapag nalaman ni Mother Vity 'to. Magpapamisa 'yon agad at pipilitin akong ikumpisal ang mga kasalanang nagawa ko.
"Anong bakit?" mahina pa siyang humalakhak bago ako tinignan saglit saka ibinalik ulit yung tingin niya sa inaapakan niyang damuhan.
"Bakit hindi mo sinabi agad sa'kin na matagal mo na kong kilala? Bakit kailangang sa ibang tao pa? At bakit lagi mo kong sinusundan?" sunud-sunod na tanong ko. Saglit kaming nanahimik. Naghintay din ako sa mga isasagot niya.
Gulung-gulo na rin kasi ako at hindi ko na alam kung ano pang gagawin ko sa lalaking 'to.
"Too many questions." Sabi pa niya sabay inilagay niya yung headphones niya sa tenga niya bago nagbutingting sa cellphone. Iignorahin na naman ba ko ng isang 'to? Kapag nagtatanong ako, hindi ba pwedeng kausapin niya ko o sagutin niya na lang ako ng matino?
"Nakakaini-"
"Do you really want me to answer those?" tanong niya pa sa'kin habang nags-scroll siya ng music sa cellphone niya. Umirap naman ako bago ko siya inambaan. Sinigurado kong hindi niya makikita 'yon baka mamaya hindi na naman siya magpatalo sa pakikipag-asaran. Ayoko na ng gulo. Kailangan ko na ring magkaroon ng sariling pagi-isip pagdating sa mga bagay-bagay.
"I won't ask if I don't." sabi ko na lang bago binaling sa harap yung tingin ko.
"Masyado ka kasing naniniwala sa mga bagay na nakikita mo lang. Paano kung hindi mo na nakikita? Hindi mo na paniniwalaan?" biglang bago niya sa usap namin. Sadya namang tumingin ako sa kanya para makita kung pinagti-tripan na naman niya ko pero hindi. Wala akong nakitang panti-trip sa mukha niya.
"I was an adopted child. Like you and Skylar, I was also from here. It's too hard to explain why, what, when or where. I just knew that since the day Skylar left I found myself following you around all the time. I didn't have the chance to tell you because I know you'll only find it strange, it could creep you out, stupid." Tama siya. Kung nalaman ko talaga noon 'yon mahihiwagaan talaga ako. Ngayon nga lang na nalaman ko parang hindi mapakali yung pakiramdam ko.
"I need to tell Skylar about it because I don't want him to annoy me too much. He always nags me around." Teka nga.
Nilagay ko pa yung index finger ko sa ilalim ng ilong ko saka ako tumingala.
"What the hell are you doing?" kunot noo niya pa kong tinignan habang ako nasa ganong ayos pa rin habang nakatingin sa kanya.
"Nose bleed masyado. Hindi ka ba marunong magtagalog? Nagtatagalog ka naman 'diba? Bakit puro ka English?" reklamo ko pa. Bigla-bigla naman akong natulala nang makita ko na naman siyang ngumisi at umiling.
Hindi naman ganito dati yung nararamdaman ko kapag nakikita ko siyang ngumingisi ah! Oo na sige na! May konti. Pero hindi ganito. Kakainis. Baka antok lang 'to!
"Marunong. I am just accustomed to speak English. Does it bother you?" tanong niya. Ngumuso ako saka ako umirap.
"Hindi naman. Kaya lang. Sawang-sawa na kasi ako sa mga English speaker na katulad mo. Si Marcus, si Skylar, pati ikaw. Napapalibutan ako ng mga feeling kano." Sabi ko pa sabay pumalatak. Tumayo pa siya saka pumunta sa harap ko para lang titigan ako at ilapit yung mukha niya sa mukha ko.
Sunud-sunod akong napalunok. Sawang-sawa na ko! Bakit ba lagi niya na lang ginagawa sa'kin 'to?! Nakakabigla lang kasi. Hindi na ko nasanay! Jusko!
"If you want me to talk to you in tagalog. Okay.." napapikit ako ng mas nilapit niya yung mukha niya sa'kin. Hanggang sa maramdaman ko na lang yung hininga niyang tumatama sa earlobe ko bago niya pinagpatuloy yung sasabihin niya. "..I'll do it. You know that I'm willing to do anything for you."
BINABASA MO ANG
Grabidad Ba?
Teen FictionSimpleng babae lang naman si Jam Marion Jaime. Yun nga lang masungit at mataray siya. Kahit sinong tao binabangga niya. Mapataas man o mapababa yung status sa buhay. ''And who cares?'' Yan na yata yung naging dialogue niya kapag may natatarayan siya...