Grabidad 40: Vandalism

95 2 0
                                    

Grabidad 40: Vandalism

"I tried to talk but he doesn't seem to care anymore." Sabi ko sabay buntong hininga. Nandito kami sa bleachers ng court. Pinapanuod namin yung practice game nila Zeus. At ang kausap ko. Eh 'di ang magaling na si Skylar. Uwian na namin dapat kaya lang tinamad kaming magsi-uwi pa.

"Sinubukan mo na ba ulit?" Tanong niya pa sa'kin habang kumakain ng piattos na siningitan niya pa sa canteen kanina. Nakipag-away pa nga siya ron sa kaklase naming babae makabili lang non.

"Ilang beses na. Kita mo kanina nga lang nilalapitan ko siya ayaw niya. Ilang araw na rin akong hindi niya pinapansin. Walang ibang gustong kumausap sa'kin kundi si Marcus na hindi naman na pinapansin." Tama naman. Si Marcus lang yung lapit ng lapit. Ilang araw na rin akong hindi kinakausap ni Dustin. Ilang araw. At ngayon mukhang pareho na silang tumigil talaga ni Marcus dahil hindi ako sinubukang kausapin ni Marcus ngayon.

"Baka kulang ka sa pagpapakita? Baka kulang ka sa determinasyon na gusto mo siyang kausapin. At baka kulang na kulang ka sa pagpapakitang importante siya sa'yo." Ano? Kulang pa ba yung halos mabaliw ako sa kakalapit sa kanya tapos di naman niya ko papansinin. Lalagpasan niya ko na parang wala lang ako sa kanya. Mahal niya ko. Sabi niya mahal niya ko. Sabi niya lang 'yon. Ang bilis ko talagang maniwala sa mga sabi-sabi.

"Ano ba. Importante ka diyan." Pagtanggi ko pa sa sinabi niya. Hindi naman obvious na masyado siyang importante sa'kin. Hindi ko lang talaga kayang tiisin na ganito si Dustin. Gusto ko siya.

Ay hindi.

Mahal ko na pala siya.

Kaya siguro ganito na lang yung kinikilos ko. Pero kung pagmamahal 'to. Bakit ganito? Bakit kapag nakikita ko si Marcus nasasaktan pa rin ako kapag naiisip ko yung ginawa niya. Minsan hindi ko na rin maintindihan yung sarili ko kung okay pa ba ko o mababaliw na kaiisip. Ang hirap kaya. Mahirap kasi pare-pareho kaming naiipit. Mahirap kasi wala akong kasiguraduhan.

"Tss. Ipagkaila p—" pinigilan ko na agad siya. Abut-abot ang paulan ko ng masasamang tingin sa kanya bago siya naglakas loob na akbayan at asarin na naman ako.

"Alam mo kasi Jam. Minsan may mga bagay talagang kailangang ipagkaila. Lalo na kapag nandon ka na sa puntong bistuhan na? Yun bang aapakan mo na lang yung tae sa daan napigilan mo pa kasi mapapahiya ka sa iba kapag naamoy ka nila." Ano na naman bang pinagsasasabi nito? Kaya ko nga siya kinausap para maginhawahan ako eh. Lalo pa yata niyang pabibigatin yung nararamdaman ko.

"Argh! Ewan ko sa'yo! Diyan ka na nga uuwi na ko!" Akma pa sana akong tatayo kaya lang may mga bwisit talagang walang gagawin kundi umepal sa buhay ko.

"Hey bestie!" Mas lalong lumukot yung mukha ko. Kailan pa siya natutong tawagin akong bestie? Ayoko sabi ng may ganun eh!

"Manahimik ka ah! Panira kayo ng hapon!" Sigaw ko sa kanila. Lalo pa kong nainis nang makita ko si Skylar na nagtata-tawa sa upuan niya at nakahawak pa talaga siya sa tiyan niya ang bwisit.

"Argh! Wala na talagang matinong makakausap ngayon!" Ngayon ko pa talaga 'to sinasabi ah.

"Sandali lang Madame Princess. Beast mode ka na naman kasi eh." Sumimangot ako. Eto namang isang 'to. Nagpa-practice na't lahat dadagdag pa.

"Tapos ka na ba? Baka naman pwede na kong umuwi?" Sarkastiko ko pang tanong kaya lang nginitian niya lang ako pinaglaruan pa sa kamay yung bolang hawak niya.

"Hindi naman kita pinilit na manuod ng practice game. Dapat kanina ka pa umuwi—"

"Aba't talagang—"

"O tamo. You're always fuming mad. How can I be serious? Jeez Madame Princess. Try to lighten up yourself sometimes." Ngumiwi ako. Inirapan ko naman siya saka ako bumalik na sa upuan ko. Alam ko naman na pagtutulungan na naman nila yung kasungitan ko. Alam ko rin naman na wala akong panalo oras na ungkatin nila lahat-lahat sa'kin. Eh 'di sige. Sila na. Sila nang magaling. Sila nang nakakaalam lahat. Astig sila eh.

Grabidad Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon