Grabidad 46: Angel
"He broke up with me." Malamig na sabi ko kay Marcus habang naga-almusal kami sa may balcony. Dito rin kami nag-usap kagabi. At dito rin kami nakita ni Dustin na nagu-usap at nang halikan ako ni Marcus. Ang tanga ko! Bakit kasi pumayag ako sa halik na 'yon? Pero it was a last kiss. Goodbye kiss practically.
"Did you explain?" maga pa yung mata ko. Hindi dahil sa bagong gising ako kundi dahil sa nakatulog akong umiiyak kagabi. Umiling lang ako saka ako tumuon sa gatas na nakahain sa'kin. Halos lumamig na nga 'yon dahil hindi ko pa iniinom o sinisimsim man lang.
"Why didn't you explain? He'll listen to you." Tumingin ako sa kanya. Gusto ko na namang maiyak at magngangawa rito. Binato ko pa siya nung maliit na tinidor na pinangkakain ko ng cake at macaroni salad. Kung hindi siguro siya nakaiwas non mabubulag siya ng 'di oras.
"Jam! Stop it!" Bawal niya pa pero sumimangot lang ako at sumibi-sibi. Ibinigay niya pa yung tinidor na ginagamit niya para iyon yung gamitin ko. Ginamit ko nga 'yon, ginamit kong pang-torture sa macaroni at cake na nasa harapan ko. Hindi ko lang kasi matanggap. Hindi tuloy ako nakapag-explain. Pinatay niya kasi agad yung cellphone nung magpapaliwanag ako. Hello! Hindi niya ba ko inintindi man lang? Ano bang balak niya? Underin ako?
"Ikaw kasi! Kasalanan mo!" sigaw ko pa. Pareho pa kaming natigilan nang makita namin si Josh na pumunta sa balkonahe.
"What's happening? Are you two fighting again?" tanong niya pa ng medyo simangot. Hindi pa rin naaayos yung bed hair dahil iniwanan ko siyang natutulog pa kanina eh.
"No Josh." Sabi na lang ni Marcus at pinandilatan pa ko. Aba't talagang—
"Yes Josh. We are fighting." Sabay irap ko sa kanila. Nakanguso pa kong nag-walk out. Kinuha ko yung cellphone ko. Naiinis ako! Naiinis ako dahil wala man lang talaga siyang ginawang pagtawag o pagte-text man lang. Hindi man lang niya ko tinext na. Sorry, nagselos lang ako. Sorry, hindi kita pinag-explain. Kahit man lang. Kahit simpleng "sorry" hindi niya ginawa?! Diyos ko!
"Hey Jam!" lumingon ako saka ko siya sinamaan ng tingin.
"The guys called me. Gusto nilang mag-lunch kasama ako. So that means, you need to go there." Para naman akong sinapian ng ilang masasamang espiritu ng dahil lang sa gigil na nararamdaman ko.
"Talagang magla-lunch pa ha!" sabi ko na lang saglit akong napatingin kay Josh na mukhang natatakot sa pagiging tigre ko ngayon umaga. Bakit ba ko nagkakaganito? Break na kami. Break na kami! Ang hindi ko maintindihan. Bakit kailangan naming mag-break sa isang dahilan na misunderstanding lang naman.
Hindi! Hindi pa kami break. Hindi naman ako pumayag 'diba. At isa pa! Ngayon lang ako nagkaganito. Noon nung kami pa ni Marcus, okay lang sa'kin yung on and off. Ngayon hindi ako papayag!
"Si Dustin?" agad na tanong ko. Sabay na kaming pumunta ni Marcus dito. Iisa lang naman kami ng pinanggalingan. At isa pa, kasalanan niya kung bakit kami nag-break ni Dustin. Kaya hindi pwedeng hindi niya pagbayaran 'yon.
"Hmm, why do you need to kiss kasi." Sabay pa naming nilingon si Marilane na mukhang kanina pa nags-stroll. Ang dami niya nang dalang shopping bags at mukhang binilan niya na lahat ng store rito. Gulat ko na lang kung may mga mabibigat na gym equipments diyan at buhat-buhat niya.
"Sus, don't look at me like that guys. Hindi ako makikisama sa mga cheap na kagaya niyo. What Marilane is always a Marilane. So please.." matapos niyang sabihin kina Samantha 'yon sa'kin na siya bumaling. "..pinapasok ko siya kasi kagabi sa bahay. I don't know kung paano niya kayo nakita. Sorry, it's my fault again. Take note, it's not my intention this time. Your boyfriend wants to see you. So I have my heart for the needy naman kaya I let him in. Then, hindi ko naman ine-expect na makikita niya kayo sa ganoong scenario. Like what the hell. Do you really need to do that after your closure?" umuusok na yung bumbunan ko. Kinuha ko lahat ng pinamili niya at pinagbabato sa kung saan yung mga laman non.
BINABASA MO ANG
Grabidad Ba?
Fiksi RemajaSimpleng babae lang naman si Jam Marion Jaime. Yun nga lang masungit at mataray siya. Kahit sinong tao binabangga niya. Mapataas man o mapababa yung status sa buhay. ''And who cares?'' Yan na yata yung naging dialogue niya kapag may natatarayan siya...