Grabidad 7: Prevent

129 7 0
                                    

Grabidad 7: Prevent

"Slut!" mabigat na paratang sa'kin ni Marilane. Hindi ko alam talaga kung anong problema niya sa'kin. Hindi ko maintindihan kung bakit ang init-init ng dugo niya sa'kin. Simula nang maging kami ni Marcus iyon na. Dun na siya nagsimula. Siguro kahit sinumang pagtanungan ko ngayon maguguluhan din sa ginagawa niya at sigurado akong kaiinisan din siya ng lahat.

Inialis ko yung kamay ni Skylar na nakahawak pa rin sa kamay ko. Tumayo ako. Hindi para komprontahin siya kundi para talikuran siya. Ano namang magagawa ng pakikipagkompronta ko sa kanya kung hindi niya naman ako paniniwalaan. Mahirap maghangad na maiintindihan niya yung paliwanag ko dahil alam ko kung anong ugali meron siya.

Hindi rin ako naghahangad na maniwala agad sa'kin si Marcus kung sakaling sabihin ni Marilane 'to sa kanya. Wala siyang tiwala sa'kin. Malandi ako. 'yun an tingin niya. Wala akong pwedeng gawin kundi sabihin kung ano ang totoo nasa sakanya na 'yon kung maniniwala siya o hindi.

"Marilane, please." Rinig kong sabi ni Skylar sa kanya. Nakatingin lang ako ng diretsa sa mata niya saka ako umiling.

"I didn't do anything. Hindi ako malandi." 'yun lang saka ako tumalikod na. Bahagya pang nagtama yung mga balikat namin pero hindi ko 'yon ininda.

"So kung hindi ka malandi bakit hindi mo mai-explain yung sarili mo sa'kin? You know what hindi ka lang malandi. Plastic ka pa!" Nililitaw niya na ba yung totoo niyang ugali? Sa harap ng mga kaklase ko at sa harap pa ng ibang tao? Kung ganon pala eh 'di maglabasan na kami ng totoong kulay. Wala akong magiging kasiraan dahil matagal na kong sira sa mga tao. Simula nang maging kami pa lang ni Marcus sira na ko sa kanila. Ngayon pa kaya? I can smoothly endure it this time.

"Kapag nagpaliwanag ba ko maniniwala ka? Hindi naman 'diba? Bakit? Kasi iyon naman talaga yung dating ko sa'yo. Hindi katiwa-tiwala. I'm sick of being nice with you in front of other people. Ikaw ba hindi ka nagsasawang makipag-plastikan sa'kin kapag nasa harap tayo ng maraming tao just to protect your bubbly and good image?" napanganga siya sa sinabi ko. Maya-maya lang kinagat niya yung labi niya kunwari'y nagpipigil ng pag-iyak, nang makita niya ng maraming tao yung lumalapit saka niya sinimulan yung arte niya.

"Ano bang ginawa kong masama sa'yo, Jam? Meron ba? Our relationship were good. I am treating you as if you were my real sister and this? This is what will I get after all of that?" Napatawa ako. Tawang sarkastiko saka ako umirap at humarap sa lahat.

"Sigurado ako. Lahat kayo paniniwalaan niyo yung sinabi niya. Well anyway, I'm not here to please each of you. Kung si Marilane na mabait yung gusto niyong paniwalaan. Bahala kayo." Lumabas ako. Gusto ko munang magpahangin. Ayoko munang isipin yung nangyaring 'yon dahil bago lang 'yon sa'kin. Hindi ko ikayayaman yung pagpuna nila sa'kin.

Napadpad yung mga paa ko sa basketball court kung saan ako napadpad nung nainis ako kay Skylar. Hindi ko matandaan kung kay Skylar o kay Marcus 'yon ang natatandaan ko lang dito ko unang nakita si Dustin. And speaking of that Dustin. Ano bang meron sa tao na 'yon? Bakit laging ganon yung timing ng pagdating niya. Minsan iniisip ko. Baka may lahi talaga siyang kabute.

Umupo ako sa isa sa mga nakahilerang bleachers doon. Katulad ng dati. Ugong lang ng hangin yung maririnig. Napasinghap pa ko nang tumama 'yon sa mga balat ko.

Sana ganito na lang lagi. Tahimik yung buhay ko katulad ng dati. Walang iniintindi. Walang Marcus, Walang Marilane, Walang Skylar. Yung ako lang, yung ako lang talaga yung mag-isang nagpapalipas ng oras sa school na 'to. Ang hirap kasi talagang madikit ka sa mga maimpluwensiyang tao. Bawat galaw mo inaalam nila, sinusubaybayan nila. Akala mo mga paparazzi sila na laging nakasunod sa isang sikat. Grabe. Ikinasikat ko na nga 'to eh.

"Anong ginagawa mo rito?" lumingon ako sa kaliwa ko. Bumungad sa'kin yung nakangiti niyang bibig. Kahit natatakpan yung mukha niya ng sumbrerong suot niya kitang-kita pa rin iyon. Napanguso ako. Hindi ko alam kung bakit kapag nakikita kong nakangiti na siya sa'kin tumitiklop ako. Isinasantabi ko na lang lahat ng mga pinaga-awayan namin tapos magiging ok na. Ewan ko.

Grabidad Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon