Grabidad 24: PMS
"Tingin ko talaga malakas yung amats sa'yo nung gagong 'yon." Nilalaro pa ni Chester yung susi ng motor niya habang sinasabi niya 'yon sa'kin. Nakanguso pa siya na animo pinaglalaruan yung hininga niya. Tinitignan siguro kung makakadagdag sa polusiyon 'yon o hindi.
Isang mahabang buntong hininga naman yung ginawa ko saka ko iniikot yung mata ko at umiling. Pumunta ako rito para samahan siyang hintayin si Samantha. Hindi pa raw kasi tapos yung pinapagawa ng prof nila kay Samantha kaya kailangan niya pang hintayin.
Ay ewan ba. Pakiramdam ko talaga may kakaiba na sa dalawang 'to. At kung anuman 'yon. Magiging masaya ako para sa bestfriend ko matagal niya ng pangarap 'yon bakit hindi ko pa siya suportahan. Kahit na medyo hindi pa rin ako gaanong ka-approve sa goth na 'to. Para sa kanya. Okay ako.
"Dapat pala hindi ko na lang sinabi sa'yo." Sabi ko pa sabay pinaglaruan ko yung tassel sa pang-taas na damit ko. Wash day pa rin kasi ang datingan dahil nga first day of school. Wala pang uniform ang mga freshmen.
Napahamak ako ngayon dahil nawala ako sa sarili ko. Asa pa kong may maico-comment na maganda 'tong Chester na 'to. Naikwento ko kasi sa kanya yung sinabi ni Dustin sa'kin kanina. Not specifically sa'kin, pero sa'kin siya direktang nakatingin nung mga oras na 'yon paanong hindi ako maga-assume?
"Bakit naman Madame Princess?" Madame Princess. Napangiti ako ng mapait sa tinawag niyang 'yon sa'kin. Kung nandito ba si Marcus nasa parehong block din ba kami? Okay naman. Tanggap ko na talagang mawawalan siya't mawawalan talaga ng oras sa'kin pero sobra naman yung simula ng umalis siya hindi na siya tumawag. Hindi ko alam kung magagalit ba ko o hahayaan ko na lang at iintindihin na lang.
"Wala ka namang kwenta kasi." Sagot ko na lang.
"Sus. Namimiss mo lang si Marcus kaya ka nagkakaganyan eh." Sabi pa niya sabay sundot sa tagiliran ko. Tinignan ko naman siya ng masama. Isa namang pagbatok yung binigay ko bago ko siya itinulak palayo sa'kin.
"Nakakainis! Wala ka na ngang kwenta, wala ka pang utang na loob. Ikaw na nga 'tong sinamahan dito ikaw pa yung may ganang mang-asar." Malakas naman siyang tumawa bago siya tumayo sa kinahulugan niya.
"Malay ko bang inaatake ka na naman ng PMS mo." Tumayo ako para sana sapakin siya kaya lang biglang dumating si Samantha at inilayo ako kay Chester. Wow! Ang galing! Nasa timing talaga sila palagi. Bagay nga sila.
"Anong ginagawa niyo?" tanong pa niya habang nakataas yung kilay sa'kin. Napanganga ako. Pati ba naman ako. Pagseselosan niya? Eh ganyang-ganyan yung kilos niya nung kasalukuyang nagseselos siya kay Marilane eh. And speaking of Marilane, wala na kong balita sa kanya.
"Naglalaro." Sabi ko pa sabay irap at balik sa pagkakaupo sa bench.
"Tapos ka na?" kitang-kita ko pa yung malawak na pag-ngiti ng goth na 'to habang nakatingin siya kay Samantha. Ganon din yung ngiti ni Samantha at nagni-ningnig pa lalo yung mata niya habang nakatingin kay Chester.
"Jusko! Tigilan niyo nga 'yan!" anas ko ng hindi ko na kayaning makita yung pinaggagagawa nila. Umiling-iling pa ko para lang kalmahin yung sarili ko dahil sa totoo lang. Iritado na ko 'yun pa lang yung ginawa nila. Paano na lang kung naging sila. Eh 'di mas lalo na. Argh! Ayoko munang isipin!
"What's happening here?" hindi ko na nilingon kung sino yung bagong dating dahil boses pa lang kilala ko na. Sino pa nga ba? Eh 'di ang magaling na si Skylar. Nagpahintay siya sa'kin kanina kasi may kinailangan din siyang gawin. Kaya lang mas pinili kong samahan si Chester, pero anong labas? Parang naghintay lang din ako sa kanya.
"Uhugin, did I took so long?" ngumiwi ako nang makita ko siya sa harap ko. Feeling naman niya hinintay ko siya. Kapal.
"Bakit? Hinintay ba kita?" sabi ko na lang sabay irap.
BINABASA MO ANG
Grabidad Ba?
Teen FictionSimpleng babae lang naman si Jam Marion Jaime. Yun nga lang masungit at mataray siya. Kahit sinong tao binabangga niya. Mapataas man o mapababa yung status sa buhay. ''And who cares?'' Yan na yata yung naging dialogue niya kapag may natatarayan siya...