Grabidad 37: Necklace
"Gusto ko ron sa horse!" Tuwang-tuwa yung nagtatatakbong si Angel matapos naming makarating dito sa tinatawag na Rancho de Gutierrez. Nilakad lang namin 'to. Hindi na kami nag-abalang sumakay ng sasakyan dahil gusto rin naming matagtag yung kinain namin kanina. Medyo malayo. Akala nga namin 2 kilometers pero ilang metro lang yung layo nito mula sa bahay nila Dustin.
"Akala ko ba 2 kilometers?"
"Naniwala ka naman." Panga-asar niya kay Samantha na ngayon eh selfie na ng selfie. Kasama pa yung dakilang boyfriend niya na nakikisama rin sa selfie niya. Bagay talaga sila. Walang duda.
"Teka, may free flow ba rito?" Tanong ko kay Dustin nang maramdaman kong nagi-init yung mukha ko dahil sa sinag ng araw. Nanunuyo rin kasi yung lalamunan ko dala na rin siguro ng hindi ako nakapagdala ng tubig habang naglalakad kami.
Hindi siya sumagot. Inilipat niya lang yung bag na dala niya sa harapan niya saka niya binuksan 'yon.
"Here." Sabay abot niya sa'kin ng bottled water. Kinalabit naman siya ni Angel saka ngumiti sa kanya.
"Thank you." Simangot pa siyang nagtanong.
"For what?"
"For taking care of Ate Jam." Bahagya pa siyang napangisi saka siya umupo.
"Of course I will do that. You're Ate Jam's younger than you." Ano?!
"Manahimik ka nga!" Saway ko sa kanya habang si Angel ayon. Tawa ng tawa. They hate each other ika nga nila. Pero pag nambubuska akala mo kung sinong close!
"Diyan ka na nga!" Binato ko naman kay Dustin yung bottled water niya saka ko hinila si Angel.
"Jam wait. Jam!"
"Aah!" Sigaw ko nang mapatid ako sa dinaraanan ko. At ang pinakamasama pa. Eto. Putik putik yung katawan ko. Kapag minamalas ka nga naman oh. Nakakainis! Ang arte-arte pa kasi may pa-walkout-walkout pa!
"Ate Jam!" Sigaw naman ni Angel. Mabuti na lang at hindi ko siya naidamay sa pagkahulog ko. Kundi pareho kaming magmumukhang kalabaw na kaliligo lang sa putikan.
"Jeez. Jam, are you okay?" Hindi ko pinansin ang tanong na 'yon ni Dustin. Kasalukuyan ko kasing inaalis yung putik sa braso ko pati na rin sa mga kamay ko. Ano ba 'to? Burak yata 'tong nahulugan ko eh. Medyo mataas pa naman yung pinagbagsakan ko dahil nakaangat yung dinaraanan namin. Ewan ko ba. Taniman yata ng palay 'to. Pagkatapos kong mapailing eh ininda ko naman yung puwitan ko. Iyon kasi yung pinaka napuruhan. Sakit kaya!
"Jam! Diyos ko! Ano ba kasing ginagawa mo? Ba't ba nahulog ka?" Tanong ng kalalapit na si Samantha. Napairap naman ako't napailing sa kanya. Sinikap kong tumayo. Pero dahil ganito yung sitwasiyon ko. Mahirap. Ang kapal ng putik na napagbagsakan ko at talagang mabigat sa katawan kapag sinubukan mong tumayo.
Saglit akong napayuko. At pag-angat ko ng mukha ko. Dalawang kamay na yung nakalahad sa harap ko. Nagpasalit-salit pa ko ng tingin sa kanilang dalawa. Bago ko inabot yung kamay ni Dustin.
Kitang-kita ko pa kung paano nagbago yung ekspresiyon ni Marcus habang nakatingin siya sa aming dalawa ni Dustin.
"Can you please be careful next time? Para kang bata na kailangan pang inaalalayan sa paglalakad." Aba! Grabe ah!
"Sorry naman po. Eh sa nainis ako sa inyo eh. May magagawa ka po ba kung gusto kong mag-walkout?" Ngumusu-nguso ako. Nilingon ko naman si Skylar at Chester pati na rin si Zeus na nasa tabi ni Marcus.
"Skylar, pasama magbabanlaw ako. At Sam. Pahiram nung extrang damit na lagi mong dala." Nagtaas pa ng dalawang kamay si Skylar bago iiling-iling na lumapit.
BINABASA MO ANG
Grabidad Ba?
أدب المراهقينSimpleng babae lang naman si Jam Marion Jaime. Yun nga lang masungit at mataray siya. Kahit sinong tao binabangga niya. Mapataas man o mapababa yung status sa buhay. ''And who cares?'' Yan na yata yung naging dialogue niya kapag may natatarayan siya...