Grabidad 2: Jealousy

357 8 0
                                    

Grabidad 2: Jealousy

"Psst!" Napaigtad ako sa kinauupuan ko. Balik-eskwela na naman ang kadramahan. Natapos na kasi ang holiday season kaya anong magagawa ko. Kahit na tamad akong pumasok wala akong magagawa kundi ang pigain ang utak ko sa pag-aaral. Mabuti sana kung lagi kong kasama si Marcus. Eh 'di sana may chance akong laging magkaron ng mataas na grades. Kaya lang wala. Hindi kami magkaklase.

Di bale na. Siya naman ang inspiration ko kaya ok na 'yon.

"Ano ka ba naman! Hindi ba mabubuo yung araw mo ng hindi mo ko magugulat?" Sabi ko sa kanya. Nakanguso naman siya bago ako tinabihan. Sana man lang nakuha niyang tanungin kung kamusta na ko? Anong naging lagay ng holiday ko sa'kin. Naturingang kaibigan eh. Palibhasa nandoon siya lagi. Kasusunod sa crush niya kaya ayan nakalimutan niya sigurong may kaibigan siya na dapat kamustahin.

"Kamusta na U?" Wow, ano 'to text? Mukhang nakaramdam kaya tinanong ako. May kwenta pa rin naman pala kahit papano. Yun nga lang kung papipiliin siya between me and her crush. Ay sigurado na 'yon. Si crush ang pipiliin niya. Medyo masakit sa part ko pero wala eh. Tao nga lang naman siya marunong ding magmahal. Sobrang rupok!

"Eto ok naman me. Kaso nakita ko na naman pagmumukha U kaya medyo badtrip me. Hakhak." Sabay irap ko sa kanya. Nilagay ko naman sa loob ng bag ko yung hawak kong pulbos at pinatong ulit sa lap ko 'yon.

"Eto naman kapapasok-pasok pa lang ng 2014 nagsusungit ka agad. Hindi mo ba iniwan na yang ugaling 'yan sa nakaraang taon? Baka malasin na naman ako eh. Kasi 'pag nagsusungit ka laging ako na lang yung sumasalo. 'yan tuloy nawawalan ako ng pag-asa kay Chester!" Pagmamaktol naman niya. Hinampas ko naman sa mukha niya yung bag ko bago ako tumingin sa kanya. Hawak naman niya yung mukha niya at halatang nainis sa ginawa ko.

"So kasalanan ko pa ngayon? Eh kung hampasin ko ulit nitong bag ko yung mukha mo? Hello! Hindi ko kasalanan kung hindi ka pansinin nung Chester na 'yon. Alam mo kung bakit? Kasi nga--"

"Yeah, I know right. May nililigawan na yung Chester na 'yon. Alam ko na Jam. Masakit man sa puso pero hindi ko tanggap. Makikita mo. Mapapa-sa'kin din yang Chester na 'yan..At yung nililigawan niya nakow! Kahit na twin sister pa ng jowaers mo 'yon? Aagawin ko pa rin. Tutal she's not treating you right naman. So bakit hindi ko agawin si Chester sa kanya?" Isa pang hampas sa mukha niya yung natanggap niya mula sa bag ko. Aambaan niya pa ko ng panghihila sa buhok pero naunahan ko siya. Inambaan ko ulit siya ng bag saka niya itinigil yung balak niya.

"Nakakainis ka! Kanina ka pa hampas ng hampas!"

"Aba kasalanan ko ba na mukha kang palayok na kailangan hampasin at basagin?" Inirapan niya pa ko saka siya sumibi-sibi. Napakaisip bata kahit kailan. Pero yung mga ginagawa ko sa kanya at ginagawa niya sa'kin. Wala na lang 'yon. Ayos na kaming dalawa lang yung magkasakitan, physically. Kami naman 'to eh. Pero kung may mananakit sa akin o sa kanya na iba. Nako asahan niyo, isa sa'min yung magwawala. Ganon kami magmahalan. Napakagaling.

Maya-maya pa dumating na rin yung teacher namin at nagsimula na kaming magklase. Mukhang kailangan din naming maghabol sa lessons kasi nakulangan pa sa oras yung iba naming teacher last year. Ang cool nga eh. Napakasipag na mga teachers. I'm really proud of them. Pero kung papansinin lang nila yung behavior ko inside this class, ay hindi ko na alam.

Paano ba naman laging ako na lang yung napapansin. Laging ako yung tinatawag kahit hindi naman ako nagtataas ng kamay.

"Miss Jam Marion Jaime. What's the meaning of gravity?" See? Tumayo ako. Nakatingin sa'kin lahat ng kaklase ko na akala mo nakakita ng isang Jose Rizal na mamamatay para sa bayang sinilangan.

"Gravity..sir?" Tumango naman siya at talagang inaabangan nila yung sagot ko. Tagaktak na yung pawis ko. Wa epek yata sa akin yung aircon na nakasagad yung lamig. Jusme. Anong isasagot ko?

Grabidad Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon