Grabidad 34: Lies

106 3 0
                                    

Grabidad 34: Lies

"Hey, hey, hey!" Sumimangot ako. Paano. Kanina pa siya sundot ng sundot sa tagiliran ko. Hindi niya ba ma-gets na ayoko munang mamansin ng tao ngayon? Sa lahat ng ayoko kapag nag-iisip ako eh yung ganito.

Nakakainis naman kasi! Bakit kasi hindi mawala sa isip ko yung nangyari sa canteen na 'yon. Buti sana kung kinaganda ko yung pagi-isip. Kaso hindi! Nakaka-panget lang yung ganito kaya lang talagang hindi maiwasan..

Gawin ba naman sa'yo yung nasa harap ka ng mga kaibigan mo tapos may biglang aamin sa'yo na mahal ka niya. Diba? Sinong hindi lulubog sa lupa non at magwawala? Isa pa, nandon si Marcus. Paano niyang nagawang gawin 'yon. Given na nga yung wala siyang pakialam kung makasakit siya. Pero diyos ko lord naman. Ang awkward pa rin kaya non.

"Tantanan mo ko, Skylar. Nananahimik ako rito." Banta ko sa kanya saka ako pumangalumbaba. Paminsan-minsan napapasulyap ako kay Dustin, buti na lang nasasaktuhan kong hindi siya nakatingin kaya ayos lang sa'kin. Ayos lang din sa'kin na may mga babae sa paligid niyang nagpapapansin para lang mapansin siya. Wow. Hindi naman ako na-orient na gagawa ng ganitong moves yung mga kaklase kong 'to. Kagagaling.

Sabagay, hindi ko sila kilala. Mukhang kagagaling lang din sa kabilang section. At wala naman akong pakialam kung lapitan nila si Dustin. Wala talaga.

"Jam!" Sabi ng! Marahas akong humarap sa kanya saka ko siya pinaulanan ng masasamang tingin.

"Sabi ng nananahimik ako eh! Nakakainis naman Skylar!" Dinabog ko naman yung notebook na nasa desk ko. Para mailabas kahit man lang don yung inis ko. Ano bang magagawa nila kung nagsusungit ako ngayon. Wala. Eto ako eh. Iba 'to uy!

"Ano namang favorite color mo?" Rinig ko pang malanding tanong nung isa sa mga babaeng nagpapapansin kay Dustin. Pabebe pa eh. Nakakainis!

"Kanina pa kasi kita tinatanong. Nakatulala ka lang kay Dustin. Lagi na lang ba tayong ganito?" Ako?! Nakatulala kay Dustin?! Natawa ako. Ang funny nun ha.

"Kailan ako natulala? Masama lang talaga pakiramdam ko Skylar. Ano bang tinatanong mo?" Sagot ko na lang para matahimik na. Mamaya magdrama pa 'to. Intindihin ko na naman.

"I'm not actually the one asking." Saglit pa siyang tumitig sa'kin saka niya ko pinanlakihan ng mata at ngumusu-nguso sa gilid niya. Lumagpas naman yung tingin ko sa likod niya at bago ko nalaman kung sinong tinutukoy niya.

"Then tell whoever "the-one-asking" that I'm not interested. Okay?" Sinadya ko namang iparinig 'yon sa kanya. Kaya hindi na nag-aksaya pa ng laway si Skylar para sabihin sa kanya 'yon. Imbis na gawin niya 'yon tinignan na lang niya si Marcus bago siya ngumisi at umiling. Hindi ko naman na pinansin 'yon dahil nakatutok na ko sa hawak kong notebook.

"It's because I love you Jam." Isa pang lingon yung ginawa ko. Nagsalita siya. Siya ba 'yon? Argh! Ano ba 'tong inisiip ko. Talaga bang nagsalita na naman siya? Diyos ko! Nagi-imagine na naman ba ko? Please naman Lord, gusto ko ng kalimutan muna yung nangyari kanina. Gusto ko po munang mag-aral ngayong araw. Kahit ngayon lang Lord. Gawin niyo kong huwarang estudyante.

"Don't think about it. Don't confuse yourself because what I said back there is true and I meant it." Napalingon ako sa gilid ko kung saan ilang sentimetro na lang yung layo ng mukha niya sa mukha ko. Napahigpit yung pagkakahawak ko sa pahina nung notebook ko kaya hindi ko alam kung maya-maya lang mapipigtas na yung lecture kong nakasulat sa kawawang page na 'yon.

Hindi na ko makasagot. Ni hindi ko na nga maibuka yung bibig ko dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Baka mamaya himatayin pa ko rito.

Ang tagal niya ring tinitigan yung mukha ko. Akala ko nga hindi na niya pa iaalis yon. Mabuti na lang dumating na yung prof namin nang mga oras na 'yon. At okay lang sa akin na hindi siya umupo sa tabi ko dahil kahit papano. Makapagfo-focus ako sa lecture. Tama.

Grabidad Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon