Prologue

38.3K 630 26
                                    

Malalim na ang gabi, naglalakad ako magisa sa isang madilim na kalsada. Walang dumadaan na sasakyan o tao. Iilang poste lang ang nakabukas kaya may mga parte ng daan na madilim. Dito ako ibinaba ng sinasakyan kong tricycle, ayaw nyang pumasok sa madilim na kalsada na ito. Ayaw ko man sanang pumayag pero wala na akong magagawa dahil sya na mismo ang humila sakin pababa.

Alam ko itong daan na ito, ito ang shortcut patungo sa kanto namin, ngunit hindi pa ako nadadaan dito sa pagkat delikado daw dito. Yakap yakap ko ang sarili ko dahil sa malamig na hangin na humahampas sa katawan ko.

Nakalipas ang ilang hakbang, may naramdaman akong kakaiba. Parang may presensya sa likod ko. Dahan dahan akong lumingon, pero paglingon ko ay wala akong nakita ni isang tao. Itinuon ko nalang ulit ang tingin ko sa daan. Ngunit nakakaisang hakbang pa lamang ako ay muli ko nanaman naramdaman ang presensya sa likod ko, at mas lalo akong kinabahan nang makarinig ako ng yabag ng paa na nanggaling sa likuran ko, papalapit sa akin.

Nanginginig na ang aking katawan. Mariin kong ipinikit ang mata ko para pigilan ang luha na namumuo. Wala na akong ibang nararamdaman kundi takot. Hindi ko ito nililingon.

"K-kung sino ka man, wag kang lalapit. Tatawag ako ng p-pulis." Nanginginig ang boses ko. Narinig ko ang yabag ng paa nya na lumapit sa aking likuran, hanggang sa naramdaman ko ang katawan nya sa likod ko. Lalong dumiin ang pagkapikit ng aking mga mata.

Narinig ko ang mahina nyang pagtawa na parang demonyo na nakapag pataas naman sa balahibo ko. Naguumpisa nang magbagsakan ang mga luha ko.

Tinakpan nya ng panyo sa aking bibig. May kakaibang amoy ang panyo na iyon, nakakahilo. Naging sanhi sa pagkabagsak ko sa semento. Pero bago pa man din ako tuluyang mawalan ng malay, narinig ko syang nagsalita at lalo akong kinabahan nang marinig ko ang boses nya.

"Sleep tight, baby." Sabi nya. Kilalang kilala ko ang boses na to. Ang boses na matagal ko nang hindi narinig. Ang boses na halos mapaos kakasigaw sa pangalan ko noong panahon na iniwan ko sya sa pagpunta ko sa America. Hindi ako nagkakamali, siya nga ito...

Ang Damon ko.

ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon