Ilang araw na ang nakakalipas magmula noong pumunta dito si Matt, at ilang araw na din ang nakakalipas magmula noong huli kong kinibo si Damon. Simula noong marinig ko ang sinabi ni Matt tungkol sa pagpatay ni Damon dahil sa selos ay bigla akong natakot sa kanya ng husto. Doble pa sa usual na takot na nararamdaman ko pag kasama ako siya.
Kahit wala akong kasigaraduhan tungkol sa sinabi ni Matt na iyon dahil hindi ko naman magawang magtanong kay Damon, hindi ko pa din maiwasan matakot.
Kasalukuyang nakalublob ang katawan ko hanggang leeg ko sa bathtub para kahit naman papaano ay mawala ang stress na ilang araw ko nang nararamdaman. Wala si Damon ngayon dahil pumasok siya sa opisina kaya ako lang ulit ang naiwan magisa dito.
Nung mga nakaraang araw, tuwing kinakausap niya ako ay ang tangi ko lang sagot sa mga tanong niya ay tango at iling. Nagalit na nga siya nung minsan dahil hindi ko siya pinapansin pero kahit ganon ay pinagpatuloy ko pa din ang hindi pamamamansin sa kanya.
Pero kung totoo man... Sino ang sinasabing pinatay ni Damon at bakit naman niya ito papatayin? Ang sabi ni Matt, nagawa daw pumatay ni Damon dahil sa selos. Kanino naman siya magseselos kung nakakulong lang naman ako sa unit niya at walang ibang kinakausap o nilalapitan?
Nabasag ang iniisip ko nang makarinig ako ng pagbukas at pagsara ng pinto sa pabas.
"Baby, where are you?" Rinig kong tawag nito sa akin mula sa labas pero imbis na sumagot ay mas pinili kong manahimik nalang.
Hanggang sa bigla nalang bumukas ang pinto ng cr at iniluwa nun ang isang nagaalalang Damon. Malambot ang ekspresyon ng mukha nito, hindi katulad ng palagi kong nakikita na madilim palagi ang aura.
Lumapit ito sa kinaroroonan ko at lumuhod para mapantayan ako. Blangko ang mukha ko habang nakatingin lang sa kanya, samantalang siya naman ay pangiti-ngiti pa. Kinuha nito ang kamay kong nakapatong sa gilid ng bathtub at hinalikan ang likod ng palad ko.
"Kumain ka na?" Malambing na tanong nito sa akin. Kahit ayokong sumagot ay napilitan akong magbigay ng sagot, isang iling. Dahil baka mamaya ay mabuhay nanaman ang demonyo sa loob niya at magalit ulit ito dahil hindi ko siya sinasagot.
"What do you what to eat?" Nagbuntong hininga ako at tsaka nagkibit balikat. Sa totoo lang ay simula noong mapunta ako dito sa puder niya, hindi ako gaanong nakakaramdam ng gutom kahit hindi ako kumakain. Hindi ko alam kung bakit.
Muli niyang hinalikan ang likod ng palad ko at diretsong tumingin sa mata ko.
"Baby, ilang araw ka ng tahimik. Puro iling at tango lang ang ginagawa mo. What's bothering you?" Tanong nito sa akin habang nakatingin pa din sa mata ko.
Tatanungin ko ba siya?
Nanatili akong tahimik at umiwas nalang ng tingin. Kung itatanong ko man sa kanya? Ano naman ang sasabihin ko? Na kung totoo ba na nakapatay na siya ng tao? Ganon?
"Hey..." Malabing na pagtawag nito sa akin, unti unti akong lumingon sa kanya. Ganon pa din ang ekspresyon ng mukha niya, malambot pa din.
Huminga ako ng malalim at tsaka tumingin sa mata niya.
"Ano yung sinasabi ni Matt na pumatay ka ng tao?" Malamig ang tono ng boses ko.
Binitawan niya ang kamay ko na kanina lang ay hawak hawak niya. Nasaksihan ng mata ko ang biglaan na pagdilim ng mukha niya, mula sa kaninang malambot na ekspresyon ng mukha ay napalitan nanaman ito ng mabagsik na aura. Nakita ko ang pagngisi niya
"Is that what this is all about?" Biglang naging flat ang tono ng boses nito. Dahan dahan naman akong tumango bilang kasagutan sa tanong niya. Sandali siyang umiwas ito ng tingin at muling ibinaling ang tingin sa akin na may ngiti sa labi.