"Welcome to my happy place." Ani ni Matt sa akin pagkapasok namin.
Iginala ko ang paningin ko at napansin kong nandito kami sa isang amusement park. May iba't ibang klase ng makukulay na rides, mga maliliit na tindahan ng pagkain, at kung ano ano pa. Dumagdag pa sa kagandahan ng lugar ang hindi kalayuan na magandang tanawin ng dagat, dagat kung saan makikita mo ang klarong repleksiyon ng bilog na buwan.
Nilingon ko ang katabi ko.
"Ano ang ginagawa natin dito?" Tanong ko sa kanya.
"Well, ilang araw ka nang nakakulong sa bahay so I thought, baka naiinip ka na kaya dinala kita dito. Ayoko naman isipin mo na habang buhay ka lang nakakulong sa bahay at walang ginagawa. Pangbawi lang ito sa ilang araw na pagkakakulong mo sa bahay." Sabi nito at tsaka tumawa ng mahina.
At sa hindi malaman na dahilan ay napangiti ako sa simpleng pagtawa niya, pero hindi ko alam kung dahil nga ba iyon sa pagtawa niya o dahil iyon sa sinabi niya sa akin. Basta ang alam ko lang, napangiti niya ako kahit wala siyang ginagawa na kung ano.
"Gusto mong kumain? Madami kang pagpipilian diyan."
"Ano? Kakain nanaman? Pinapataba mo ba ako, ha?" Tatawa tawa kong sabi sa kanya.
Hindi din nagtagal ay doon din ang bagsak namin, kasalukuyan kaming kumakain sa harap ng isang stall habang masayang nagk-kwentuhan. Kung ano ano na ang napaguusapan namin, yung iba nga halos wala nang ka-kwenta kwenta pero tuloy pa din kami sa paguusap.
"Noon kasi, madalas akong dalin ni Nanay Flor dito. Hisni naman kasi ako nabibigyan ng sapat na oras ng mga magulang ko kaya siya nalang ang nagdadala sa akin dito. Kaya malapit talaga ako sa lugar na ito. Hindi ko nga alam kung bakit hanggang ngayon hindi pa din ako nagsasawa sa lugar na ito."
"Halata nga sa mukha mo na masaya ka dahil nandito tayo ngayon."
"May mga bagay talaga na kahit matagal mo nang gusto, hindi ka pa din magsasawa. Dahil masyado ka nang napamahal." Sabi niya.
Hindi ko alam kung guni guni ko lang iyon o kung ano, pero parang may napansin akong kalungkutan sa boses niya nang sabihin niya iyon. At parang iba ang dating sa akin ng sinabi niya, parang may iba pa siyang gustong iparating pero hindi ko alam kung ano iyon. Hindi ko nalang inintindi at nginitian ko nalang siya, naisipan ko na din na ibahin nalang ang usapan.
"Anong gusto mong gawin?" Tanong ko sa kanya.
Bigla naman nagliwanang ang kaninang malungkot niyang mukha at muli nanaman sumilay ang kanyang nakakahawa na matamis na ngiti.
"Sakyan natin lahat ng iyan," Turo niya sa mga rides na nakapaligid sa amin. "Ang unang magsuka ay duwag at siya ang magluluto bukas ng breakfast, lunch at dinner."
Lumipas ang ilang oras at ilang rides na din ang nasakyan namin. Kung ano ano ang nangyari na panigurado ay hindi ko makakalimutan. Masasabi kong naging masaya naman ako ngayong araw na ito, at ganon din ang kasama ko na si Matt.
"Tignan mo nga yung itsura mo dito! Mukha kang iiyak oh!" Sabi ko habang tumatawa na itinuturo ang mukha niya sa picture na hawak ko.
Kasalukuyan akong nakatayo habang hawak hawak ang letrato na binili namin sa isang photobooth para sa mga rides. Kukuhanan ka ng mga photographers habang nakasakay ka sa mga rides para pwede mong makita kung ano ang reaksyon mo habang nakasakay ka. Makikita sa letrato na hawak ko na nakasakay kami sa rollercoaster, ako ay nakangiti habang si Matt naman ay mariin na nakapikit at mahahalata na takot na takot. At kung nagtataka kayo kung nasaan siya ngayon, heto at nakatuwad sa isang gilid habang nagsusuka.
"Ano? Hindi ah! Nakapikit lang ako, takot na agad?" Sabi niya habang papalapit sa pwesto ko at pinupunasan ang bibig niya gamit ang likod ng kamay niya. Namumutla pa din ang kanyang mukha dahil kagagaling niya sa pagsusuka. Inabot ko sa kanya ang bottled water na binili ko kanina at tinanggap naman niya iyon at mabilis na ininom.
