Kabanata 9

20.5K 364 10
                                    

Ilang araw na ang nakakalipas pero ganito pa din ang takbo ng buhay ko sa puder ni Damon, isang sunod sunuran. Kung ano ang gusto niya, iyon ang gagawin ko. Wala naman kasi akong laban sa kanya. Kahit ilang beses pa akong sumigaw dito para humingi ng tulong ay wala pa din makakarinig sa akin dahil soundproof ang unit niya.

Ako lang mag isa ngayon dahil umalis siya kaninang umaga at wala akong pakialam kung saan man siya nagpunta, kahit nga hindi na siya bumalik ay sobrang ayos lang sa akin. Mas gugustuhin ko pa iyon.

Mula kanina, ang tanging ginawa ko lang ay magmukmok sa sulok habang nagdadasal na sana naman ay pakawalan na niya ako at maisip niya itong kademonyohan na pinaggagagawa niya sa akin, sana lang ay matauhan na siya. Dahil sa maikling panahon na nakasama ko siya dito, wala na akong ibang ginawa kundi ang umiyak.

Kasalukuyan akong nakaupo sa kama habang nakasandal ang likuran ko sa ulunan ng kama at yakap yakap ang mga binti ko. Itinaas ko ang manggas ng suot kong t shirt at agad na bumalandra sa akin ang mga nangingitim na mga pasa ko sa iba't ibang parte ng katawan ko, kitang kita ang mga ito lalo na't may kaputian ang balat ko.

Ilang araw palang akong nandito pero pakiramdam ko ay taon na ang nakakalipas mula noong araw na kinuha niya ako habang naglalakad ako sa kalye noong ibaba ako ng sinasakyan kong tricycle.

Wala kayang naghahanap sa akin? Wala man lang ba nagabalang magpahanap sa akin? Ilang araw na din akong nawawala pero hanggang ngayon ay ni isa, walang ibang tao na dumadating para sagipin ako dito. Gustuhin ko man humingi ng tulong pero kinuha ni Damon ang phone ko at sinira iyon para daw hindi ako makatawag sa kahit sino at hindi maipatrace iyon ng mga naghahanap sa akin. Ilang beses na din akong sumigaw para humingi ng tulong pero totoo nga ang sinabi niya, sound proof ang unit na ito dahil walang nakakarinig sa akin.

Tumayo ako at lumabas ng kwarto, nagtungo ako sa kusina para kumuha ng tubig dahil pakiramdam ko ay nanunuyo ang lalamunan ko dahil sa kanina ko pang pagiyak. Nang madaanan ko ang mesa ay nakita ko na andon pa din ang pagkain na ihinandan niya para sa akin kanina bago siya makaalis, hindi pa din ito nagagalaw at panigurado ay malamig na ito. Hindi ko nalang ito pinansin at uminom na ng tubig.

Naglakad lakad ako sa loob ng unit na ito dahil wala naman akong ibang pwedeng gawin dito. Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad nang mahagilap ng mata ko ang dalawang picture frames na nakalagay sa maliit na mesa na katabi ng sofa. Nilapitan ko ito at kinuha ang isang picture frame, nakalagay doon ang picture nila ng pamilya niya. Ang mama at papa niya, at tsaka siya. Nakangiti ang mga magulang niya habang siya naman ay walang reaksyon ang mukha.

Ibinalik ko iyon sa mesa at sunod na kinuha ang isang picture frame at may kung ano akong naramdaman sa dibdib ko nang makita ko ang nakalagay na picture doon, ang picture namin noong first date namin nung kami pa. Pareho kaming nakangiti sa letrato na ito at halatang masaya kami.

Nakakalungkot din isipin na noon ang saya saya namin, na hindi na kami mapaghiwalay. Na ayaw na namin mawalay sa isa't isa, pero ngayon naman ako na mismo ang naghahanap ng paraan para lang makawala ako sa kanya.

Ibinalik ko na ang picture frame sa mesa at sakto naman na pagkababa ang pagbukas ng pinto at iniluwa nun si Damon na mukhang pagod na pagod. Pero kahit mukha pagod na pagod na siya ay nakuha pa niyang ngutmiti nang makita ako, pero hindi ko ginantihan ang ngiti niya, bagkus ay iniwas ko ang tingin ko sa kanya at tumingin nalang sa kung saan.

Narinig ko ang mga yabag ng paa niya na papalapit sa kinaroroonan ko at naramdaman ko na pumulupot ang mga braso niya sa bewang ko pero hindi ko pa din ito nililingon o pinapansin.

"Baby..." Bulong nito sa akin sa tenga ko na nagdulot sa akin ng pagtaas ng mga balahibo ko. "I missed you."

Hindi ko pa din siya pinapansin, naramdaman kong unti unti niya akong hinaharap sa kanya. Nang magkaharap kami ay parang lalo akong nainis nang makita ko siyang nakangiti, imbis na kiligin ako sa mga ngiti na iyan ay parang lalo ko lang siya kinamuhian.

Dahil iyang ngiti na nakapaskil ngayon sa mukha niya, iyan ang eksaktong ngiti ng kilala kong Damon, nung hindi pa siya nagkakaganyan. Ngayon na nginingitian niya ako ng ganyan ngayon, parang lalo niyang pinapaalala sa akin na kahit na siya pa din si Damon sa pisikal na anyo, ibang tao na siya sa loob.

"Baby, I said I missed you." Malambing niyang sabi pero binalewala ko lang iyon at hindi ito pinansin.

Hindi ko siya tinignan at yumuko nalang ako para hindi makita ang mukha niya pero marahas niyang iniharap sa kanya ang mukha ko gamit ang kamay niya. Wala na ang ngiti sa mukha niya at napalitan nanaman iyon ng mabangis na mukha.

"Ano ba ang sabi ko sayo? Diba sabi ko pag kinakausap kita, sa akin ka lang titingin?" Pagalit na tanong nito sa akin.

Masakit ang pagkakahawak niya sa mukha ko. Makikita mo agad sa mata niya na nagaapoy nanaman iyo sa galit at wala na ang lambing niya kanina, tila ba'y nag ibang anyo ito. Ang isang kamay niya ay nakahawak pa din sa bewang ko at ang isa naman ay nakahawak sa baba ko.

"D-damon n-nasasaktan ako..." Nahihirapan kong sabi sa kanya.

"Talagang masasaktan ka. Ayaw mong sumunod eh. Sa susunod, pagkinakausap kita ako lang titignan mo!" Sagot naman nito sa akin at wala na akong ibang nagawa kundi ang tumango nalang para matapos na ang galit niya.

Marahan kong hinawakan ang kamay niyang nakahawak sa mukha ko at dahan dahan na tumango. Naramdaman ko ang unti unting pag luwag ng kanina'y madiin na paghawak niya sa mukha ko at iniyakap ang dalawang braso sa bewang ko at tsaka ibinaon ang mukha niya sa leeg ko na.

"Alam mo naman na ayokong sinasaktan kita diba? Ikaw naman kasi eh, lagi mo kong sinusuway." Naging malambing nanaman ang boses niya na para bang walang nangyari.

"D-damon..." Tawag ko dito dahil hindi na ako makahinga sa higpit ng yakap niya.

"Hmmm?"

"A-ang higpit ng yakap mo." Sabi ko sa kanya at mas hinigpitan pa niya ang yakap niya. Para bang takot na takot siya na oras na pinakawalan niya ako, tatakas agad ako. Para bang natatakot siyang iwanan ko siya.

Nakaramdaman ako ng maliliit na halik at pagdila sa leeg ko kaya napaigtad ako. Inilagay ko ang dalawang kamay ko sa dib dib niya para kahit papaano ay magkaroon ng space sa gitna namin pero pilit pa din niya akong inilalapit sa kanya at muli akong niyakap ng mahigpit.

"It's because I don't want to let you go," Bulong nito sa akin. Kahit malambing ang tono ng pananalita niya ay hindi ko pa din maiwasang hindi matakot.

"Ummm..." Iyan lang ang tanging lumabas sa bibig ko dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Gusto ko sa akin ka lang, ayoko ng may kahati. Akin ang buong pagkatao mo at hinding hindi ko hahayaan na mapunta ka sa iba." Nag angat siya ng tingin sa akin at may mala demonyong ngisi na nakapaskil sa mukha nito. "Papatayin ko ang lahat ng lumapit sayo." Pagtutuloy nito na sobrang nakapangilabot sa akin dahil sobrang seryoso ng boses nito. Pakiramdam ko tuloy ay kaya niyang gawin iyon, pero hindi, hindi niya magagawa iyon. Hinding hindi.

Ang mga kamay niya ay mahigpit na nakahawak pa din sa bewang ko at kagaya kanina ay sobrang lapit namin sa isa't isa. Mula sa mata ko ay bumaba ang tingin niya sa labi ko at hindi nakatakas sa paningin ko ang pagkagat niya ng pangibaba niyang labi na para bang gutom na gutom. Muli niyang itinaas ang tingin niya papunta sa mata ko at mariin akong tinitigan habang nakakagat pa din siya sa kanyang pang ibabang labi.

Ramdam ko ang malalamig na butil ng pawis na namumuo sa noo ko. Parang hindi ko ata nagustuhan ang nababasa ko sa mata niya, ang pangangailangan.

Lalo akong kinabahan nang magkaroon ako ng ideya sa kung ano ang binabalak niyang gawin. Napuno nanaman ng kaba at takot ang puso ko.

Not again...

ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon