"The plane has now safely landed."
Umaalingawngaw ang boses ng stewardess na nakatayo sa harapan ngayon. Tumingin ako sa labas ng bintana at katulad nga ng sinabi niya, narating na namin ang pilipinas. Napangiti ako ng mapait, I'm back.
Pagkababa na pagkababa ko ng eroplano ay agad na sumalubong sa akin ang pamilyar simoy ng hangin ng pilipinas, kahit gabi na ay ramdam ko pa din ang init ng hangin. Hindi na ako nagtagal doon at hinanap na ang daan patungo palabas ng airport at sumakay na sa taxi.
Narating ko ang apartment na inupahan ko na bago pa man din ako makauwi ng pilipinas, inupahan ko na ito noong mga panahon na buo na ang desisyon ko na umuwi dito para sana wala na akong problemahin pag dating ko dito. Kakilala ko ang may ari nito kaya noong panahon na buong buo na talaga ang desisyon ko na tatakas ako mula sa magulang ko para makauwi ng pilipinas, ay agad kong tinawagan si Dahlia para sabihin na uupuhan ko na ang apartment na ito at babayaran nalang siya pagkauwi ko ng pilipinas.
Nilapitan ko ang bahay na katabi ng apartment na tutuluyan ko, kinatok ko ang pinto na nito at lumabas mula roon si Dahlia. Agad siyang ngumiti at niyakap ako ng mahigpit.
"Andito ka na pala." Bakas sa kanyang boses ang kagalakan. Kumalas na ako sa yakap at sinuklian ang ngiti niya sa akin.
"Yeah, I just got here." I answered. She nodded.
"Gusto mo bang pumasok muna?" She offered but I refused.
"No, I'm fine. I don't want to sound rude or anything, but I need the key to my apartment. I badly need to rest." I tried to sound nice and I succeeded.
"Hindi mo kailangan humingi ng kapatawaran, naiintidihan ko naman." She smiled sweetly. "Oh, heto na nga pala yung susi sa apartment mo. Apartment number 4 ka ha." Iniabot niya na ang susi sa akin, nagpasalamat ako at nagtungo na sa direksyon na itinuro niya sa akin papunta sa apartment na katabi lang ng bahay niya.
"Apartment number 4... Apartment number 4..." Bulong ko sa aking sarili habang dahan dahang iniisa isa ang mga numero na nakalagay sa apartment. Hanggang nasa hararapan ko na ang apartment na may numerong 4 doon.
Finally, I got in. Binuksan ko ang ilaw at agad na tumambad sa akin ang sala na may kaliitan ang espasyo. Maliit lang ito pero maayos naman tignan. Malinis. Ibang iba sa mansion namin noon pero mas okay naman ako dito dahil malayo itong lugar na ito sa maaring paghanapan sa akin ng magulang ko, kung hinahanap man nila ako. Maliit lang ito at masikip, pero mas gugustuhin ko nang tumira sa maliit na apartment kaysa sa maganda namin na mansion sa america ngunit hindi naman ako nakatikim ng kalayaan doon dahil palaging may tatlo na guards na nakabuntot sa akin. Hindi ako nakakaalis magisa.
Umakyat na ako at pumasok na sa magiging kwarto ko at pabagsak na humiga sa kama dahil pakiramdam ko ay pagod na pagod ako sa biyahe kahit ang ginawa ko lang naman ay umupo ng ilang oras.
Actually, tumakas lang ako sa magulang at guards ko para makauwi ng pilipinas dahil hindi ko na kaya sa america, sakal na sakal na ako. Maraming bawal. Bawal magkaroon ng masyadong maraming kaibigan, ni wala nga akong connections sa mga kaibigan kong naiwan ko dito sa pilipinas dahil pinagbawalan din nila ako. Hindi ako nakakalabas magisa, kailangan ay may kasama akong guards na nakabuntot sa likuran ko kung saan man ako magpunta. Sakal na sakal ako doon.
Hanggang ngayon ay may natitira pa din akong galit para sa magulang ko, kahit ilang taon na ang nakalipas mag mula nang sapilitan nila akong dalin sa america, pakiramdam ko ay bagong bago pa din ang lahat ng mga nangyari. Inilayo nila ako mula sa kanya, dinala nila ako sa america at ikinulong doon. Ilang taon akong naging malungkot doon, ni wala man lang nakakausap.