Kabanata 28

12.4K 254 21
                                    

[ WYDKM: Sinabihan ko na kayo na magiging OA 'to ha, kayo naman may sabi na okay lang sa eto na. Alam niyo ba muntik na ko maiyak nung sinusulat ko 'to? Hindi dahil sa lungkot ah. Kasi talagang wala na akong maisip na isulat eh. Kaya sorry. Huhu. ]

Damon's POV:

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko ngayon sa doctor. Kanina pa siya nakaalis at ako naman ay naiwang tulala habang nagpapaulit ulit ang sinabi niya sa isip ko. Hindi na kinaya ng bata na kumapit dahil sa lakas ng impact? Dahil sa lakas ng suntok ko? Ganon ba ako kasama?

Hindi ko alam kung ano ang sumanib sa akin at nagawa ko iyon.

Iniisip ko palang na nawala ang bata dahil sa sarili kong kagaguhan ay nanggigigil na ko sa galit. Galit sa sarili ko. Gusto kong mambugbog, gusto kong ilabas ang galit ko. Pakiramdam ko napaka selfish kong tao, hindi ko man lang naisip kung ano ang mangyayari kay Allison at basta basta ko nalang ginagawa ang gusto ko. Puro sarili ko nalang ang iniisip ko. Bakit ba ganito nalang palagi? Sa tuwing gugustuhin ko nang magbago, palagi nalang akong nakakagawa ng kasalanan na nagiging dahilan para lalong lumayo ang loob ni Allison sa akin?

Pumasok ako sa kwarto na kinalalagyan ni Allison. Ang hirap niyang tignan sa ganitong sitwasyon, para akong pinapatay lalo na't ako ang may kasalanan kung bakit siya nanjan.

Naupo ako sa upuan na malapit sa pinto. Hindi ko kayang lumapit sa kanya dahil kada hakbang ko papalapit sa kanya, hinihila ako pabalik ng konsensya ko.

Hindi ko na napigilan ang pagbuhos ng luha ko habang tinitignan si Allison. Napababa ang tingin ko sa tiyan niya at doon ko lang napansin na mas maliit na ito kaysa sa usual na laki nito simula noong magkasama ulit kami.

Bakit hindi ko man lang napansin na buntis na pala siya?

Bakit kailangan sa ganitong paraan ko pa malaman?

Bakit hindi man lang niya sinabi kahit alam niyang karapatan kong malaman?

Ilan pang oras ang lumipas pero nanatili pa din ako sa kwarto ni Allison. Hindi pa din siya gumigising, habang ako naman ay kanina pa nakatitig sa kanya. Pakiramdam ko kasi pag ibinaling ko sa iba ang tingin ko, mawawala siya. Bawat paglipas ng oras, lalo akong kinakabahan. Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Allison dahil sa nagawa kong kagaguhan. Wala akong mukha na maihaharap sa kanya pagkatapos ng ginawa ko.

Sandali akong napahinto nang makita kong dahan dahan na dumilat ang mata niya. Nang tuluyan na niyang maidilat ang mata niya, inilibot niya ito sa buong paligid. Parang nakaramdam ako ng boltahe sa buong katawan ko nang magtama ang mata naming dalawa. Ilang segundo na ang lumipas pero nakatitig lang siya sa akin.

"A-allison." Tawag ko sa kanya pero nagtaka ako nang bahagyang kumunot ang noo niya na parang may mali akong nasabi. Tahimik lang siyang nakatingin sa akin habang nakakunot ang noo niya.

Bakit ganito siya katahimik? Hindi ba dapat sinisigawan na niya ako ngayon at pinapalayas dahil sa nangyari? Pero bakit ganito siya ngayon?

Sinubukan ko pa siyang tawagin sa isa pang pagkakataon pero nanatili pa din siyang ganon, nakakunot ang noo habang nakatingin sa akin ng tahimik.

Parang may mali.

Hindi ko na alam kung gaano na katagal ang nakakalipas pero simula nang tawagin ko siya at hindi siya sumagot, wala nang nagsalita ni isa sa amin. Nanatili nalang akong tahimik at pinakikiramdaman ang gagawin niya. Muling bumaba ang tingin ko sa tiyan niya.

Bakit... Bakit hindi niya hinahanap ang anak namin?

Pinagmamasdan ko lang siya, ang bawat galaw niya. Inililibot lang niya ang tingin niya sa buong paligid, may pagkakataon na titingin siya sa akin at muling mangungunot ang noo at saka iiwas ng tingin.

ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon