Kabanata 26

14.6K 332 45
                                    

[ WYDKM: Guys, I'm sorry. Ito lang ang kinaya ng utak ko, talagang pinilit ko lang makapag-update kasi pakiramdam ko sobrang tagal ko nang hindi nakakapag update. Anyway, keep on supporting Obsession. Magcomment na din kayo, gusto kong malaman yung mga opinions niyo. ]

---

Nagising ako dahil sa kakaibang pakiramdam sa katawan ko. Sa paligid ko. Sa lahat. Ano ba ang nangyari kagabi at bakit wala na akong matandaan sa mga nangyari?

Dahan dahan kong idinilat ang mga mata ko, nakatakip ng kumot ang katawan ko mula tiyan at pababa, nakahiga ako sa isang may kalakihan na kama. Pero ganon na lamang ang pagtataka ko nang wala akong makita sa paligid ko dahil madilim ang paligid. Kahit pupungay-pungay pa ang mga mata ko ay pinipilit ko pa din na masanay ang tingin ko sa dilim para mas makakita ako ng maayos. Nang medyo luminaw na ay doon ko lang napagtanto na nasa isa akong kwarto, sa isang hindi pamilyar na kwarto na hindi ko alam kung sino ang nagmamay-ari. May malaki at makapal na kurtina na halos naabot na ang kisame ng kwarto, hula ko ay iyon ang bintana.

Akmang tatayo ako mula sa pagkakahiga sa kama para lumapit sa bintana nang may isang bagay ang pumigil sa akin para mapatigil ako sa pagbangon. Pinakiramdaman ko ito.

Matigas.

Mabigat.

Mahigpit.

Kumunot ang noo ko dahil doon. Unti unti kong tinanggal ang kumot na nakatakip sa katawan ko at nang maialis ko ito ng tuluyan ay halos lumubog ang puso ko nang makitang nakakadena ang kanan kong paa sa dulo ng kama.

Nagsimula na akong kabahan. Unti unti na din nagtutubig ang mga mata ko dahil sa nangyayari. Naguguluhan ako, hindi ko alam kung bakit ako nandito, kung bakit ako nakakadena.

Nasaan ba talaga ako at sino ang may gawa nito sa akin?

Hindi ko alam kung gaano na ako katagal nakatitig sa kadena na nakakabit sa paanan ko. Iginila ko ang tingin ko sa buong kwarto, at kahit madilim ay sinikap ko pa din na makapaghanap ng bagay na pwede kong gamitin para mabuksan ko ang pagkaka-kandado ng kadena.

Nang wala akong makita ay ako na mismo ang sumuko at pinilit kong tumayo kahit mabigat ang dala-dala ko sa paa ko at lumapit sa pintuan. Pero mukhang maikli ata ang kadena ko at hindi pa ako nakakaabot sa pintuan ay napigilan na ako nito.

Paano na ito?

"Ano na ang gagawin ko?" Bulong ko sa sarili ko at hinagod ang buhok ko gamit ang isa kong kamay, hindi ko na alam ang gagawin ko. Basta ang gusto ko nalang ay ang makatakas dito dahil alam kong hindi maganda ang mangyayari kung hihintayin ko pang maabutan ako ng kung sino man ang demonyo na gumawa nito sa akin.

Nakatayo pa rin ako sa tabi ng kama habang nag-iisip ng paraan para makaalis dito. Pakiramdam ko ay gusto ko nalang iuntog ang ulo ko ng paulit ulit sa pader dahil walang pumapasok na kahit anong ideya sa isip ko.

Sobrang tahimik ng kwartong kinakalagyan ko, rinig na rinig ko ang bawat malalakas na tibok ng puso ko.

Tinignan ko ang bawat sulok ng kwarto na ito, pilit akong naghahanap ng pwede kong lusutan para makalabas.

Hanggang sa narinig ko ang dahan dahan na pagbukas ng pintuan sa bandang likuran ko. Nakatalikod ako mula sa pintuan ng kwarto kaya hindi ko ito nakikita. Pakiramdam ko ay gustong kumawala ng dibdib ko dahil sa tindi ng kaba ko. Para bang bumagal ang lahat habang bumubukas ang pintuan, halos mabingi na ako dahil sa lakas ng tunog ng pagtibok ng puso ko.

Napapikit ako ng mariin nang marinig ko ang pagsarado ng pintuan... Ibig sabihin ay naka-pasok na ang kung sino man ang may pakana nito.

Hindi ako nagsasalita, hindi ako gumagawa ng kahit anong ingay. Kahit ang igalaw man lang ang katawan ko, hindi ko ginagawa. Nanatili lang akong nakatayo sa tabi ng kama. Pinipigilan ko ang ingay ng paghikbi ko, pati na ang paghinga ko.

ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon