Nagising ako dahil may naramdaman akong mabigat na kung ano na nakapatong sa bandang tiyan ko, dumilat ako ng kaunti at nakitang braso pala itong mahigpit na nakayakap sa akin.
Madilim pa sa labas, tantya ko ay madaling araw palang.
Nilingon ko ang aking nasa tabi na mahimbing na natutulog, labis kong pinagsisihan ang pagtapon ng tingin sa kanya dahil bigla nanaman bumuhos ang luha ko nang bumalik sa akin ang mga nangyari kagabi.
Kailangan kong umalis, pero paano?
Maingat kong tinanggal ang brasong nakayakap sa akin, hindi siya pwedeng magising. Sa oras na magising siya ay lagot nanaman ako, baka kung ano ang gawin niya sa akin.
Nagtagumpay naman ako sa ginawa ko at dahan dahan akong bumangon mula sa pagkakahiga. Ibinalot ko sa katawan ko ang kumot dahil wala akong saplot sa aking katawan. Muntik na ako matumba nang makaramdam ako ng matinding sakit ng katawan at hapdi sa pagkababae ko. Pinilit kong wag indain ang sakit.
Pinulot ko ang mga damit na suot ko kagabi sa sahig at paika ikang pumasok sa cr. Mahimbing ang tulog ni Damon ngayon kaya pinapanalangin ko na sana ay hindi siya magising sa kahit anong ingay na maari kong magawa.
Tumapat na ako sa shower at nagumpisang linisin ang katawan ko.
Pagkatapos maligo ay tumapat ulit ako sa malaking salamin at pinagmasdan ang sarili ko. Hindi nakalagpas sa mga mata ko ang mga pasa ko na ngayon ko lang nakita, dahil siguro ito sa mahigpit na pagkakahawak niya sa akin kagabi. Sa sandaling mga oras na nakakulong ako sa puder niya ay ktang kita na agad ang ilan na pagbabago sa katawan ko. Kagaya ng pamamayat ng aking katawan, pagkakaroon ng maiitim na eyebags, pagiging maputla ng aking balat, at ang mga pasa na ibinigay sa akin ni Damon.
Napabuntong hininga ako, gumaganti ba siya sa ginawa kong pangiiwan sa kanya noon? Ginagantihan niya ba ako? Kaya ba niya nagagawa ang mga ito sa akin ay dahil gumaganti siya? Kung ganoon ay napakaduwag naman niya, at sa ganitong paraan pa siya gumaganti.
Nang makapagbihis ay hinawakan ko na ang seradura ng pinto at napatili ako ng malakas nang buksan ko ang pinto, isang pigura ng lalaki na nakasandal sa hamba ng pintuan habang naka pacross ang kanyang mga braso at seryosong nakatingin sa akin. Kahit madilim ay nakikita ko pa din ang mukha niya, magkasalubong ang kilay at nanlilisik ang mata niya habang nakatingin sa akin.
"D-damon, anong ginagawa mo dyan?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi ba dapat ako ang nagtatanong niyan sayo?" He smirked. "What are you doing at this late hour of the night? Are you trying to run away again?" Kalmado pero pagalit na tanong nito sa akin at madiin na nakatingin sa akin, pilit na hinuhuli ang mga mata ko.
"H-hindi." Malamig kong sagot.
Nakita kong tumaas ang kanang kilay niya na para bang kinekwestyon ako at hindi naniniwala sa sinabi ko.
"Really?" Malademonyong tanong nito sa akin, tumango ako sa kanya bilang sagot kahit alam kong hindi siya kumbinsido. Wala akong lakas para magsalita ng mahaba, dahil baka bumuhos nanaman ang pinipigilan kong mga luha.
Mabilis niya akong hinila at siniil sa mainit at mapusok na halik, katulad nung una ay masakit ulit ito.
"You made me so happy last night." Manyak na bulong nito sa pagitan ng halik na ginagawa niya.
Doon na nagsimulang magbagsakan ang mga luha ko, naalala ko nanaman ang mga pangyayari. Ang virginity ko, ang matagal kong pinagkaiingatan na virginity ko na inalagaan ko dahil iyon ay dapat lang mapunta sa magiging pakakasalan ko, pero hindi iyon ang nangyari. Wala na ito, dahil sa pambababoy na ginawa sa akin ng demonyo na nasa harapan ko ngayon. Ilang araw palang ako dito pero suko na ako. Hindi ako tumutugon sa halik niya, imbis ay tinulak ko siya ng buong lakas kaya napalayo siya sa akin.
Marahas kong pinunasan ang labi ko, at hinarap siya. Magkasalubong nanaman ang kilay niya kaya alam kong galit nanaman ito at maaring may magawa ito na hindi maganda, pero wala akong pakialam. Patas lang kami.
"Walangya ka!" Sigaw ko sa kanya. "Napakademonyo mo! Binaboy mo pagkatao ko! Nirape mo ako!"
Gigil na gigil ako sa galit dahil sa lalaking nasa harapan ko ngayon, wala siyang puso, walang wala. Dahil kung meron man, hindi niya magagawa sa akin iyon. Hindi niya ako nirespeto.
Ngumisi siya.
"Binaboy? Eh akin naman talaga ang kinuha ko, diba?" Kalmadong sagot niya sa akin na lalong nagpainit ng dugo ko.
"Demonyo ka."
"I know, but you are the one who turned me into this." Seryosong sabi niya sa akin. "And don't act as if you didn't like it. Nasarapan ka nga kagabi eh, you moaned, you screamed my name. Tapos kung makaasta ka, parang ayaw mo pa ang nangyari? Hah! If I know, baka hanap hanapin mo iyan sa susunod na mga araw. Baka ikaw pa mismo magmakaawa. But don't worry, you don't have to beg. Dahil araw araw kong gagawin sa iyo iyon sa ayaw at sa gusto mo." Hindi ko na napigilan at sinampal ko na siya kaya natigilan siya.
"Wala ka talagang puso! Hindi mo man lang nirespeto ang pagkababae ko! Kinuha mo ng sapilitan, ilang taon kong inalagaan iyon para sa magiging asawa ko pero kinuha mo lang ng ganon ganon lang, dapat sa iyo mamatay-"
Hindi ko natapos ang sasabihin nang sampalin niya ako ng malakas. Para bang naalog ang buong sistema ng katawan ko at tumabingi ang mukha ko.
"Kung ano man ang kinuha ko na iyon, akin lang iyon! Akin lang! Alam mo kung bakit? Dahil akin ka lang. Ako lang ang magiging asawa mo, habang buhay kang nakatali sa akin at hinding hindi kita pakakawalan. At kung mamamatay ako, sisiguraduhin kong sasama ka sa akin. Dahil kung hindi ka magiging akin, hindi ka din pwedeng makuha ng kahit sino. Iyan ang tandaan mo, dahil kaya kong pumatay ng kahit sino na hahadlang sa pagmamahalan natin... Kahit ikaw pa mismo."
-