Kabanata 17

12.8K 262 13
                                    

Isang linggo na ang nakalipas mag mula nang mamalagi kami dito sa pangasinan at unti unti naman na akong nasasanay sa presensiya ni Matt at ng kapaligiran. Naging maayos naman ang lahat kahit paano. Isang linggo na rin ang nakalipas magmula nung huli kong makita si Damon.

Pagkadilat ng mga mata ko ay agad na sumalubong sa akin ang maliwanag na sikat ng araw na nanggagaling sa bintana. Umupo ako mula sa pagkakahiga at tinignan ang oras mula sa orasan sa side table. Gusto ko pa sanang matulog pero ayoko naman isipin ni Nanay Flor at Matt na isa akong tatamad tamad na babae.

Pumasok ako sa banyo para makapaghilamos at makapag sipilyo. Habang nagsisipilyo ay malinaw kong nakikita ang repleksyon ko sa salamin na kaharap ko ngayon. Napansin kong naghihilom na ang mga pasa ko sa katawan, pati ang malaking pasa ko sa mukha na noon ay itim na itim ay unti unti nang nawawala.

Nang matapos ay bumaba na ako at dumiretso sa kusina para kumuha ng tubig. Hindi ko pa nakikita si Matt, siguro ay nasa kwarto niya at tulog pa. Kumuha ako ng baso at sinalinan ito ng tubig.

"Oh iha, gising ka na pala."

Nabaling ang atensyon ko nang may marinig akong magsalita sa likod ko, nang lingunin ko ito ay nakita kong si Nanay Flor pala. Ngumiti ako sa kanya.

"Opo, magandang umaga po." Bati ko sa kanya.

"Magandang umaga din iha. Nagugutom ka na ba? Gusto mo bang ipagluto kita? Ano ba ang gusto mong kainin?" Sunod sunod na tanong niya sa akin.

"Kahit ano nalang po na pwedeng initin galing sa ref." Sagot ko sa kanya.

"Sigurado ka ba? Ayaw mo bang ipagluto nalang kita?" Tanong niya sa akin at tumango naman ako. Gusto ko sanang tumulong sa oagluluto niya pero sabi niya sa akin ay umupo nalang daw ako at maghintay.

Nang matapos siyang magluto ay inihain na niya sa mesa ang mga ulam, umupo rin siya sa tapat kong upuan para sabayan akong kumain.

Habang kumakain ay nagkwentuhan lang kami. Ikinwento niya sa kin ang tungkol sa pagkabata ni Matt, na sobra daw itong mabait sa kahit sinong makilala at tama naman siya, at sobra din daw ito ng kulit. Punong puno daw ito ng kapilyohan mula noong pagkabata hanggang ngayon, pero nababawal naman daw ito at alam ang limitasyon niya. Sabi niya rin sa akin na nanay na din daw ang itawag ko sa kanya. Kung ano ano pa ang napagkwentuhan namin pero hindi ko maiwasang itanong sa kanya kung nasaan abg lalaking pinaguusapan namin dahil kanina pa ata hindi bumababa iyon.

"Ah, nanay, asan po si Matt?"

"Nasa trabaho, may inaasikaso daw na importante pero babalik din daw siya agad. Hay nako, ang bata nga naman na iyon, wala nang ibang inatupag kundi ang trabaho. Halos hindi na iyan nagpapahinga." Daing ni nanay, ako naman ay napangiti nalang.

"Iha, nobyo mo si Matt?" Nanlaki ang mata ko dahil sa tanong na iyon.

"Hindi po, kaibigan ko lang po siya. Nagkaroon lang po kasi ako ng kaunting problema at siya lang po ang matatakbuhan ko, kaya heto po ako ngayon."

"Ah, ganon ba? Sayang naman, bagay pa naman kayo." Ngumiti nalang ako dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa sinabi ni Nanay.

Muli kaming nagkwentuhan tungkol sa kung saan. Naikwento na din ni nanay sa akin ang anak niya na malapit na rin gumraduate at dahil doon ay kailangan niya umuwi mamaya dahil bukas na ang graduation. Hanggang sa may narinig nalang kami na pagbukas at pagsara ng pinto ng bahay na hindi naman kakayuan sa kinaroroonan namin ngayon. Nang lingunin ko ito ay nakita ko si Matt na papalapit sa amin at mukhang pagod. Nang makalapit ay nagmano siya kay nanay.

"Oh, iho, bakit naman ngayon ka lang? Kumakain na kami, pasensya na at hindi ka na namin nahintay." Paghihingi ng patawad ni nanay. Umupo si Matt sa katabi kong upuan.

ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon