[ WYDKM: Guys sino magaling gumawa ng book cover? Pagawa ako please for 4 books? Private message me kung may marunong, please. As much as possible po, wag sanang anime or ano. Thank you! ]
Damon's POV:
Naalimpungatan ako dahilan para magising ako, hindi na ako nagabalang idilat yung mga mata ko dahil pakiramdam ko mabigat pa ang mga mata ko. Parang may sariling pagiisip ang kamay ko at agad nitong kinapa ang kaliwang bahagi ng kama kung saan nakahiga ang pinakamamahal kong babae sa buong mundo.
Umupo ako sa kama at ibinaon ang mukha ko sa dalawang kamay ko habang ang siko ko ay nakapatong sa tuhod ko.
Minsan na siyang nawala sa akin at hindi ko na kakayanin kung mauulit pa 'yon. Halos mabaliw baliw na ako noon kakahanap sa kanya, dalawang bansa na noon ang pinuntahan ko para lang mahanap siya. Wala na akong ibang pakialam noon sa paligid ko, basta ang buong atensyon ko lang ay nasa paghahanap kay Allison.
Pero hindi ko inaasahan na sa bahay lang pala siya ng kaibigan ko siya magtatago.
Gusto ko nang magbago, iyon naman talaga ang plano ko. Pag nakita ko ulit si Allison, magbabago na ako. Hindi ko na siya sasaktan, magmamakaawa ako na mahalin nalang ulit niya ako, mamahalin ko siya ng higit pa sa buhay ko. Pero kasi pakiramdam ko tinraydor ako. Ang kaibigan ko at ang mahal ko, magkasama sa iisang bubong ng isang buwan. Konting konti nalang noon masisiraan na ako, humingi pa ako ng tulong kay Matt para mahanap si Allison, noon pala magkasama sila at hindi man kang sinasabi sa akin ng kaibigan ko. Alam niya yung hirap na pinagdaanan ko nun, ilang beses ko siyang tinatawagan, nakikiusap na tulungan niya ako.
Hanggang sa isang araw pinuntahan ko siya sa condo niya para sana makapagusap kami, para makahingi wko ng tulong, pero wala siya doon. Naisipan kong pumunta sa rest house niya, nagbabaka sakaling nandoon lang siya. At hindi ako nagkakamali, nandoon nga siya. Pero ang nakakabigla, nandoon din yung mahal ko at mag kasama sila.
Inihinto ko ang sasakyan ko sa gilid ng kalsada nang makita ko na ang rest house ni Matt. Bumaba na ako sa sasakyan at lumapit na sa bahay, pagkatungtong sa front porch niya dumiretso agad ako sa pinto. Akmang kakatok na ako nang mapatigil ako sandali dahil may narinig akong kakaiba.
Dalawang taong nagtatawanan.
Kumunot ang noo ko, imposibleng hindi ko makilala yung boses na iyon. Dahan dahan akong sumilip sa bintana na katabi lang ng pinto at literal na napako ako sa kinatayuan ko nang makita ko siya. Si Allison, kasama si Matt at masaya silang nagtatawanan sa sala. Nakatalikod sila parehas mula sa akin kaya hindi nila ako nakikita.
Parang bago sa panrinig ko ang tunog ng pagtawa niya dahil ang tagal na nung huli ko siyang narinig na tumawa ng ganyan.
Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko. Ang tagal tagal ko siyang hinhanap pero dito ko kang pala siya makikita, kasama si Matt, ang kaibigan ko. Nagpapatulong pa ako sa kanyang maghanap, noon pala nasa kanya si Allison. Pinagmukha niya lang akong tanga kakahanap pero hindi yun ang isyu dito.
Putangina lang diba? Tinraydor ako ng sarili kong kaibigan.
Umalis na ako doon bago pa man ako makagawa ng hindi maganda.
Hinagod ko ng mga daliri ko ang buhok ko. Tangina naman, ramdam ko na nabubuhay nanaman yung galit sa dibdib ko.
Masisisi niyo ba ako?
Nitong mga nakaraang araw, kahit anong gawin ko, malayong malayo na ang loob niya sa akin. Nung nalaman ko na nasa poder lang siya ni Matt, hindi ko siya kinuha agad. Patago ko lang siyang pinupuntahan doon para mabantayan ko pa din siya kahit papaano. Hinayaan ko muna siyang mapalayo sa akin kasi alam kong iupyon ang gusto niya, yung maging malayo sa akin. Mahirap man pero ibinigay ko nalang din sa kanya bilang pahinga na din niya, baka sa pagpapahinga niya na iyon, kahit papaano humupa yung galit niya sa akin. Baka kahit papaano, mabawasan na kahit konti lang yung pagkamuhi niya.