Nagising ako sa tunog ng alarm ng telepono ko. 4pm na pala at may isang oras pa ako para gumayak para sa trabaho ko. Bumaba ako at naghanap ng pwedeng kong kainin, pero naalala kong kakauwi ko lang kahapon at hindi pa ako nagg-grocery. Hindi bale, mamimili na ako ng pagkain ko bukas pero sa ngayon, mukhang sa labas nalang muna ako kakain.
Naligo na ako at gumayak. Ibinigay na sa akin ni ms. Kia ang uniform na isusuot ko sa pang araw araw. Tinignan ko ang kabuuan ko sa salamin, at nang makuntento na ako ay lumabas na ako ng apartment at pumara ng taxi. Nang makarating sa aking destinasyon ay binayaran ko ang taxi at bumaba na.
Pumasok na ako at naglakad papalapit sa kinaroroonan ng office ni ms. Kia. Kinatok ko ito at dahan dahang binuksan ang pinto. Naabutan ko siyang nakaupo doon habang seryosong may kung anong ginagawa sa laptop niya. Umubo ako ng mahina dahilan para magangat siya ng tingin sa akin. Ngumiti siya sa akin.
"Oh, Allison, nandito ka na pala. Just in time for your shift."
"Ah, opo."
"Magpakita ka nalang kay Ella para malaman niyang nandito ka na at sabihin mo sa kanyang makakuwi na siya." Muli siyang ngumiti sa akin, tumango ako at lumabas na ng office niya. Nagpunta ako sa counter kung saan ako magta-trabaho, andoon si Ella nakaupo sa mataas na stool sa counter.
"Ella, I'll take it from here. Pwede ka na daw umuwi." Ngumiti ako at ginantihan naman niya iyon.
"Ikaw ba yung panggabi? Si Allison Celeño?" Tumango ako. "Nice to meet you. Ako si Ella. Oh siya, uuwi na ako." Ngumiti siya sa akin at umalis na. Nagpunta ako sa pinagp-pwestuhan niya kanina at naupo sa stool. Hay, sana lahat ng empleyado dito parang si Ella.
Habang tumatagal at lumalalim ang gabi, ay parang mas dumadami ang tao dito sa shop. Nagulat ako ng bigla akong lapitan ng isa kong katrabaho na babae.
"Hi!" Bati niya sa akin habang nakangiti.
"Hi." Sagot ko naman sa kanya.
"Ako nga pala si Janella, waitress ako dito. Ikaw yung bagong pasok dito diba?" Tumango ako sa kanya. "Anong pangalan mo? Wag kang matakot sa akin, mabait naman ako." Tumawa siya na ikinatawa ko din, mahahalata mo talaga sa kanya na masayahin siyang tao.
"I'm Allison." Pagpapakilala ko.
"Allison? Ang ganda naman ng pangalan. Taga saan ka?" Naghila siya ng upuan at umupo sa tabi ng counter.
"US. Umuwi lang ako ng pilipinas." Tumango siya.
"Ay taray! Galing ka pa pala ng US!" Natawa naman ako sa kanya dahil sa paraan ng pananalita niya. Hindi nagtagal ay bumalik na kami sa kanya kanyang trabaho, pero pag parehas kaming wala pang ginagawa ay nagpupunta siya sa area ko at naguusap kaming dalawa tungkol sa kung ano ano. Kahit ngayon palang kami nagkakilala ay parang ang gaan gaan ng atmosphere dito dahil sa kanya.
Lumipas ang ilang oras at sobrang sakit na ng pangupo ko dahil sa tagal ng pagkakaupo ko sa stool. Tinignan ko ang wristwatch ko para tignan ang oras.
10:17pm
Dalawang oras pa at makakauwi na ako. Kailangan kong tiisin ang ngalay kung gusto kong magkaroon ng pagkain na ihahain sa mesa ko sa araw araw. Actually, wala naman talagang nakakapagod sa trabaho ko, nakaupo lang ako ng ilang oras at kumukuha ng orders pero parang nakakapagod pa din.
Maya maya ay narinig ko ang bell ng pintuan na tumunog, senyales na may nagbukas ng pinto ng shop. Nagangat ako ng tingin para tignan kung sino ito, isang lalaki na na may kakisigan ang katawan nakayuko itong naglalakad dahil nasa phone niya ang kanyang atensyon. Nang makalapit sa counter ay ganon pa din siya, hindi nagaangat ng tingin at focus na focus sa phone niya.
"One mocha macchiato with no sugar. Make it fast." Utos nito sa akin.
"That'll be 85 pesos, sir." Sabi ko sa kanya, naglabas siya ng 500 pesos at inilapag ito sa counter. Ano ba itong lalaki na to? Nahihiya ba siya sa mukha niya at kanina pa siya nakayuko? Baka naman mabali leeg nito kakayuko sa phone niya?
"Here you go, sir." Iniabot ko sa kanya ang sukli at order niya. Nang marinig niya ang boses ko ay nag angat siya ng tingin sa akin at tinanggal ang shades niyang nakatakip sa kanyang mata. Gulat ang nababasa ko sa mukha niya. Kumunot ang noo niya.
Sino ba ito at bakit ganito makatingin sa akin? Singkit ang kanyang mata, brown na buhok na may highlights ng blonde, matangos ang ilong, maputi, at may katangkaran.
Kung makatingin ito sa akin ay akala mong tinubuan ako ng dalawang ulo. Hindi pa din niya kinukuha ang order at sukling niyang nasa kamay ko na nakalahad sa kanya.
"B-bakit po?" Tanong ko dito, mukhang doon lang siya natauhan dahil ipinikit niya ang mata niya at tsaka muling dumilat. Dahan dahan siyang umiling.
"Nothing. Sorry." Paghihingi nito ng paumanhin sa akin at kinuha ang order niya, tumalikod na siya at lumabas na. Anong nangyari?
Hindi ko nalang pinansin ito at bumalik na sa trabaho.
Hanggang sa ilang oras pa ang lumipas at dumating na ang oras ng uwi ko. Inayos ko na ang gamit ko at nagpaalam na sa mga kasamahan ko sa trabaho. Dumating na din ang kapalit ko na si Carlyn, nangngitian lang kami at lumabas na ako. Pumara ako ng taxi pauwi, malalim na ang gabi pero hindi naman ako takot umuwi ng late, matapang naman kasi talaga ako. Yan ang madalas sabihin sa akin ng ibang tao.
Nang makarating sa apartment ay naabutan kong nakapatay na ang ilaw ng bahay ni Dahlia kaya alam kong tulog na ito. Pumasok na ako sa apartment ko at ibinagsak ang dala dala kong bag sa sofa at umupo sandali doon.
Bukas nalang ako mamimili ng pagkain ko, nakakain na din naman ako ng dinner kanina kaya wala na akong po-problemahin.
Biglang sumagi sa isip ko ang magulang kong iniwan ko sa America, kumusta na kaya sila? Hinahanap kaya nila ako? Panigurado naman na alam na nilang nawawala ako dahil isang araw na akong nandito sa pilipinas. Imposibleng ni isa sa kanila ay hindi nahpunta sa kwarto ko sa US kung saan nila ako huling nakita.
Naalala ko nanaman ang nangyari noon, apat na taon na ang nakalipas. Pero ayoko muna sana itong isipin ngayon, ayokong umiyak ulit. Ayoko.
![](https://img.wattpad.com/cover/45757396-288-k797320.jpg)