Bumangon ako mula sa pagkakahiga ko sa kama, wala akong ginawa ngayong araw na ito kundi ang magbasa ng libro. Hindi ko na mabilang kung ilang libro na ang nabasa ko ngayon. Wala naman akong ibang magawa dito kaya naman ito nalang ang napagpasyahan kong gawin.
Pero dahil sa sobrang kainipan ay napagisipan ko nalang na bumaba. Iniligpit ko ang mga librong ginamit ko kanina at lumabas ng kwarto at nagtungo sa baba. Nang makababa ay agad na bumungad sa akin si Matt na ngayon ay nakaupo sa sala habang seryosong nakatingin sa laptop niya.
Nang maramdaman niya ang presensiya ko ay napatingin siya sa gawi ko at muli nanaman sumilay ang kanyang matamis na ngiti pero agad din niyang ibinalik ang atensyon niya sa ginagawa niya sa kanyang laptop.
"Hey." Bati nito sa akin habang nakatingin sa laptop.
"Akala doon ka na tititra sa kwarto eh." Biro nito sa akin
"Nagugutom kasi ako eh." Ngumuso ako, napansin kong lalong lumaki ang ngiti nito.
"Bumababa ka lang naman pag gutom ka eh." Natatawang ani nito.
"May gusto ka bang kainin o inumin?" Tanong ko dito.
"Uhhh, I'll have a coffee." Sagot nito at hindi pa din nawawala ang atensyon sa ginagawa.
Kung hindi mamasamain, sa personal na opinyon ko ay gwapo talaga itong si Matt. Nakasuot lang siya ng black na sando at shorts. Idagdag mo pa ang suot nitong reading glasses ngayon na lalong nakapagpadagdag sa kagwapuhan nito. Seryoso siyang nakatingin sa laptop niya habang medyo nakakunot pa ang noo, mahahalata mo na focus na focus ito sa ginagawa.
Nagtungo na ako sa kusina at naghanap ng pwedeng kainin dahil pakiramdam ko ay gutom na gutom ako gayong kakatapos lang namin mananghalian.
Ilang araw na ang nakakalipas pero hanggang ngayon ay hindi pa din nawawala ang hilo na madalas kong maramdaman. Madalas pa din akong magsuka at dahil doon ay maya't maya akong tinatanong ni Matt ng mga tanong gaya ng ayos lang daw ba ako o kung ano ang nangyayari sa akin, pero ako mismo ay hindi alam kung anong nangyayari sa katawan ko kaya naman nagsisinungaling nalang ako at sinasabing ayos lang ako.
Tuwing nagsusuka ako ay tinatanong niya ako kung ano ang nangyari at gaya noon ay ang isasagot ko lang ay baka may nakain akong hindi maganda, pero ngayon ay nakakapagtaka na kasi kung may nakain nga ako noon na hindi maganda, bakit hanggang ngayon ay nagsusuka pa din ako? At hindi ko din maipaliwanag kung bakit madalas akong nahihilo, ano nga ba ang nangyayari sa akin?
Iwinaglit ko nalang sa isipan ko ang naiisip at itinuon ang atensyon ko sa ginagawa.
Ipinagtimpla ko na ng kape si Matt at orange juice naman para sa akin, nakapagluto na din ako ng fries para may meryenda kami. Dadalin ko na sana ang mga ihinanda ko sa sala nang mapahinto ako sa ginagawa ko. Mabilis akong napahawak sa sentido ko dahil sa sakit na idinudulot nito.
"Ugh..." Daing ko sa aking sarili.
Heto nanaman ang hilo na madalas kong maramdaman. Hindi pa ako nakakapagkonsulta sa doctor tungkol dito sa kalagayan ko dahil madalas itong nawawala sa isip ko.
Umiikot ang paningin ko ngayon at pakiramdam ko ay binibiyak sa gitna ang ulo ko dahil sa sobrang sakit.
Dahan dahan akong humakbang papalapit sa upuan na hindi naman kalauyan sa kinatatayuan para sana maupo dahil pakiramdam ko ay hindi na kaya ng mga paa ko ang bigat ko at mamaya lang ay tutumba na ako dahil sa hilong nararamdaman ko na ito.
"Reese, are you okay?" Rinig kong tanong sa akin ni Matt mula sa sala pero hindi ko na nagawang sumagot dahil sa matinding hilo na nararamdaman ko.
Pero hindi pa man ako nakakalapit ng tuluyan sa upuan ay unti unti na akong nawawalan ng paningin.
Hanggang sa nagdilim na ang lahat, kasabay nun ang pagbagsak ko sa sahig.
***
Naalimpungatan ako sa tunog ng kung ano na parang malapit sa kinaroroonan ko, parang tunog ng machine. Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at ganon na lamang ang gulat ko nang makita kong nasa isa akong silid na nababalutan ng kulay puting dingding.
Iginala ko ang tingin ko at doon ko lang napansin na magisa lang ako sa kwarto na ito. Tumingin ako sa gilid ko at nakita ko kung saan nanggagaling ang ingay na naging dahilan para magising ako kanina, tama nga ako at sa machine nga iyon galing.
Napansin ko din naka nakasuot ako ng hospital dress at kasalukuyan akong nakahiga sa kama. Maingat kong itinaas ang kanang kamay ko at nakita kong may ilang mga aparato na nakakabit doon. Hindi ko alam kung para saan ang mga iyon. Basta ang natatandaan ko lang ay nahilo ako kanina at hinimatay. Ganon ba kalala ang pagkakahimatay ko at kailangan pa akong kabitan ng kung ano man ang mga ito?
Hindi din nagtagal ay bumukas ang pinto kaya naman nabaling ang atensyon ko doon, iniluwa nun si Matt na bakas sa mukha ang gulat nang makitang gising ako, at sa likod naman niya ay may nakasunod na doctor. Mabilis itong lumapit sa kinaroroonan ko.
"Reese, h-how are you?" Tanong nito nito sa akin.
Kahit puno ng pagaalala ang mukha nito ay may kakaiba akong nabasa sa mukha nito, hindi ko lang mawari kung ano ba iyon. Para siyang nababahala na kinakabahan.
"A-ano ba ang nangyari sa akin at bakit ako nandito?" Nagtatakang tanong ko. Imbis na sumagot siya ay umiwas ito ng tingin at lumayo ng kaunti sa kinaroroonan ko at dahil doon ay lumapit ang doctor sa akin at si Matt naman ay nasa gilid lang niya.
"Mrs. Ventanilla, kumusta na ang nararamdaman mo?" Malumanay na tanong sa akin ng doctor. May edad na din ito, sa tantsa ko ay mga nasa mid 40's na ito. Nagulat naman ako nang tawagin ako nito sa aplido ni Matt, tumingin ako kay Matt na para bang tinatanong kung bakit iyon ang tinawag sa akin ng doctor pero nagkibit balikat lang ito sa akin.
"D-doc, mawalang galang po, pero bakit po ba ako nandito?" Tanong ko sa kanya, napansin ko ang bahagyang pagkunot ng noo niya.
"You didn't know?" Nagtatakang tanong nito sa akin, dahil doon ay lalo akong naguluhan sa nangyayari. Ano ba talaga ang dahilan? Bakit ako nandito?
Alanganin akong umiling bilang kasagutan sa tanong nito sa akin. Lumipat ang tingin ko ko kay Matt at hindi ko maintidihan ang tingin na ibinibigay nito sa akin, muli kong ibinalik ang tingin ko sa doctor.
Sandali nitong binuklat ang hawak niyang clipboard, at muling ibinaling ang atensyon nito sa akin.
Parang panandaling tumigil sa pagikot ang mundo dahil sa sumunod niyang sinabi...
"You're 3 weeks pregnant."