[ WYDKM: so ayon, sinunod ko nalang yung comment nung isang reader, Xander nalang inilagay ko dahil hindi ko na talaga maalala. ]
[ PS: Lmao. Writer's Block ng dalawang buwan. One word to describe this update... D I S A P P O I N T I N G. ]
---
Damon's POV:
"A-ano ba p-pangalan mo?" Inosenteng tanong sa akin ni Allison. Hindi ko na alam kung pang-ilang tanong na niya sa akin 'yan. Nginitian ko naman siya.
"Xander."
Yung pangalawang pangalan ko ang ginagamit ko tuwing kaharap ko siya. Iyon ang pangalan na alam niya sa akin. Hindi ko alam pero baka kasi pag nalaman niya yung totoong pangalan ko, baka bumalik yung alaala niya.
Nandito na kami ngayon sa bahay ko sa probinsya, malayo sa reyalidad. Malayo sa lahat ng bagay na pwedeng makapagpaalala sa kanya ng mga bagay na hindi niya dapat maalala.
Ipinasa ko muna sa pinsan ko ang trabaho ko para maalagaan si Allison.
Sa halos isang linggo na magkasama kami simula nung paglabas niya ng ospital, hindi pa din nawawala yung takot niya sa tuwing mahahawakan siya pero mas madali na siyang paamuhin ngayon. Hindi naman siya nagwawala pero minsan ay umiiyak siya dahil sa takot. At idagdag pa ang pagutal-utal niya tuwing nagsasalita. May mga oras na naiinis ako dahil sa inaakto niya pero anong karapatan ko kung ako may gawa nito sa kanya? Kung ako ang dahilan kung bakit nagkakaganito siya?
Hindi niya natatandaan na may anak kami. Na nagkaroon kami ng anak. Pero ayoko na din ipaalala sa kanya. Kagaya nga ng sabi ko, gagawa kami ng panibagong kwento at hindi hahayaang mabahidan yun ng kagaguhan na ginawa ko noon. Kung kailangan na maging sunod sunuran ako sa kanya, gagawin ko. Hahabaan ko ang pasensya ko na lalo na sa sitwasyon namin ngayon. Pagta-tyagaan kong turuan siya araw araw kahit pa paulit ulit siya.
"X-Xander." Ulit nito sa sarili niya at saka umiwas ng tingin.
Hindi ko alam pero parang nakaramdam ako ng paru-paro sa tiyan ko nang marinig na banggitin niya ang pangalan ko sa ganong paraan. Yung kalmado, inosente at may pagka-malambing. Ang tagal na din nung huli kong marinig na banggitin niya ang pangalan ko ng ganon.
"Xander," Napatingin ako sa kanya nang tawagin niya ako. "D-diba... S-sabi nung doctor a-asawa kita?" Nahihiyang tanong niya sa akin. Tumango naman ako.
"Paano ba tayo n-nagkakilala?"
"Hmmm. Paano nga ba?" Balik tanong ko sa kanya. Nakita ko ang marahan na paglaki ng mata niya.
"May a-amnesia ka na din ba? Nakalimutan mo na?" Inosenteng tanong niya sa akin. Napatawa naman ako ng mahina dahil sa narinig.
"Nagkakilala tayo sa isang party noon. Andon ka kasama ang mga magulang mo at andon din ako kasama ang mga magulang ko. Una palang kitang nakita, nagkagusto na ako sa'yo. Nakuha mo nga agad yung atensyon ko noon eh. Kahit simple lang ang suot mo nung araw na iyon, nangingibabaw ka pa din. Hindi nagtagal, niligawan na din kita at sinagot mo naman ako." Pagkwento ko sa kanya.
Tumango tango naman siya.
"N-nasaan na yung mga m-magulang ko?" Tanong naman nito.
"Hindi ko alam eh." Sagot ko sa kanya. Bigla naman lumungkot ang mukha nito dahil sa naging sagot ko.
Hindi ko ipinapaalam sa iba ang nangyari kay Allison, walang ibang nakakaalam ng nangyari bukod sa sarili ko. Nung tanungin ng pinsan ko kung bakit ipinasa ko sa kanya ang trabaho, ang sinabi ko nalang ay may aasikasuhin ako pero hindi ko sinabi sa kanya kung ano. Alam ko, nagiging makasarili ako.