Kabanata 22

13.5K 275 17
                                    

ATTENTION: So guys, I changed Obsession's book cover. Actually, I changed ALL of my book covers. Is it okay? Or mas maganda yung noon? PLEASE TELL ME WHAT YOU THINK. Please comment kasi kailangan ko talaga yung opinion niyo.

And another thing, medyo malaki yung naging gap ng pangyayari dito sa chapter na to at sa nakaraan na chapter, which is chapter 21. Kung mapapansin niyo, nakalagay dito na ilang linggo na nung malaman ni Allison na buntis siya. Masyado na kasing tumatagal yung pagkawala ni Damon sa Obsession, kahit sinabi ko noon na mga 2 chapters lang siya mawawala. Humaba na ng humaba. So, siguro malapit lapit na siyang bumalik.

----

Mag isa akong nakaupo sa mahabang upuan na naka pwesto sa front porch ng bahay. Malalim na ang gabi pero nandito pa rin ako sa labas at nagpapahangin. Nagpapalipas ng oras dahil kahit anong gawin kong pagiikot sa kama ay hindi ako dinadalaw ng antok. Nagbabaka sakali lang naman ako na pag nakalanghap ako ng sariwang hangin ay baka dalawin ako ng antok kaya napag pasyahan kong tumambay muna dito. Samantalang si Matt naman ay nasa sala at gumagawa nanaman ng kanyang trabaho.

Mahigit dalawang linggo na ang nakakalipas nang malaman kong buntis ako, at mahigit dalawang linggo na din akong inaalagan ng todo ni Matt. Kung maalaga siya noon, ay mas dumoble pa ang pangangalaga niya ngayon dahil dalawa na daw ang kailangan niyang alagaan. Iyon ang sabi niya sa akin.

Katulad nalang ng nangyari kani kanina lamang, tahimik akong kumakain magisa pero simula nang bumaba siya ay na nabulabog na ang katahimikan ko kanina. Tanong siya ng tanong sa akin ng kung ano ano. Katulad ng kung ano pa daw ang kailangan ko, ano pa ang gusto kong kainin, at kung may masakit sa akin. Madami pa siyang tinanong sa akin na kung ano ano at hindi ko na maalala kung ano ano ang mga iyon dahil sa dami.

"Matt, pang ilan na ulit ko na ba ito? Okay lang ako, at walang masakit sa akin." Pagkukunpirma ko dito.

Nakita ko ang bahagyang pagbukas ng kanyang bibig, senyales na may sasabihin pa ito pero bago pa man lumabas ang mga salitang paulit ulit na tinatanong niya ay mabilis ko na itong inunahan.

"Wala na akong kailangan, at okay na ang kinakain ko dahil busog na ako. Okay lang kami ng anak ko." Sabi ko pa sa kanya. Nakita ko ang bahagyang pagbusangot nito dahil sa sinabi ko.

Napatawa nalang ako ng tahimik nang maalala ang nangyari kanina. Kung hindi ko lang talaga ito kilala noon pa ay baka napagkamalan ko na itong isang bata na nakakulong sa katawan ng isang grown-up na lalaki. May pagkamakulit pa din ito hanggang ngayon.

Nung una ay hindi ko pa matanggap na magkakaroon na ako ng anak, iyak ako ng iyak mula paggising hanggang sa pagtulog. Masisisi niyo ba ako? Naanakan ako ng demonyo. Pero habang tumatagal ay naisip ko, wala nga palang kasalanan ang anak ko sa nangyari kaya bakit ako magagalit sa anak ko? Napakawalang isip ko naman kung sisisihin ko ang bata dahil sa nangyari, hindi ba?

Sa nakalipas na ilang linggo ay ramdam ko na agad ang pagiiba ng katawan ko dahil halos mahigit isang buwan na din akong buntis. Lahat ata ng parte ng katawan ko ay lumalaki, ang hinaharap ko, ang mga braso ko. Ang tiyan ko naman ay hindi pa gaano kahalata ang pamimilog nito dahil isang buwan palang naman ang anak ko sa loob ng sinapupunan ko.

Ang pinoproblema ko lang ay paano ko palalakihin ang anak ko nang wala itong ama? Kaya ko ba ito ng magisa lang ako? Pero ayokong lumaki ang anak ko na ulila ito sa ama, gusto kong magkaroon ito ng buong pamilya pero paano ko naman gagawin iyon kung hindi ko kayang masikmura na makita ang ama ng bata na dinadala ko na ito?

ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon