Kabanata 25

12.5K 290 18
                                    

[ WYDKM: Since we're down to our last day of 2015, I've decided to post an update. But please, don't expect much. Feel free to comment. ]

---

Ilang araw na rin ang nakalipas magmula nang makauwi ako ng Maynila. Mag-iisang linggo na. Parang ang bilis ng panahon at napagtanto ko nalang na hindi ko na nga pala kasama si Matt sa iisang bubong, kahit papaano ay namimiss ko din ang kakulitan niya pero mas mabuti na ito.

Nung isang araw ay nagpunta ako sa coffee shop na pinapasukan ko noon, hindi para bumalik doon, kundi para mag-resign na. Nakakatawang isipin dahil tatatlong araw lang naman akong nagtrabaho doon. Tinanong ni Miss Kia kung bakit aalis na ako sa trabaho, pero imbis na sabihin ang totoong dahilan ay nag-dahilan nalang ako ng iba. Ayoko naman sabihin sa kanya na kaya ako aalis doon ay dahil nagtatago ako mula sa isang tao. Kung doon ulit ako magt-trabaho ay malamang na mahahanap ako muli ni Damon dahil alam niya kung saan ako nagtrabaho noon, at panigurado din ay nanggaling na siya doon.

Sa nakalipas na mga araw na nakabalik na ako dito sa Maynila, walang Damon na nagpaparamdam sa akin. Kahit ang anino niya ay hindi ko nakikita. Mabuti nalang at ganon, naging mas panatag ako dahil doon. Mas lumaki ang tsansa ko na mamumuhay na kaming tahimik ng anak ko.

Ilang araw na din akong walang ginagawa dito sa bahay, bukod sa tumulong sa trabaho ni Dahlia ay wala naman akong ibang pinagkakaabalahan. Nagsisimula na rin akong mainip dito. Sino ba naman ang hindi maiinip kung araw araw ka lang nakatanga sa bahay at walang ginagawa? Walang kinakausap kundi ang sarili?

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Akala ko kaya ko nang tumayo sa sarili kong paa, hindi pa pala. Hanggan ngayon pala ay ako pa din ang Allison na hindi mabubuhay ng walang tulong mula sa kahit sino. Lalo na't mahigit isang buwan din akong tinutulungan ni Matt.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga at naglakad patungo sa salamin ng kwarto ko. Nang marating ang tapat nito ay tumagilid ako ng tayo at bahagyang itinaas ang suot kong t-shit pataas sa tiyan ko. Hinawakan ko ang tiyan ko at tumingin sa salamin, malaki laki na din ang umbok ng tiyan ko, kung titignan ako ng mabuti ay mahahalata na na isa akong babae na nagdadalang tao na. Medyo lumalaki na din ang katawan ko gawa ng madalas na pag kain.

Madalas ay natutulala ako, iniisip kung paano ko palalakihin ang anak ko. Magiging mabuti kaya akong ina? Sana lang ay oo.

Inayos ko na ang damit ko at lumabas ng kwarto ko para magpunta sa kusina. Kanina ko pa nararamdaman ang paghilab ng tiyan ko, mukhang gutom na ang anak ko.

Nang makarating sa kusina ay agad kong inisa-isa ang mga cabinets kung saan nakalagay ang mga stocks ko ng pagkain, pero ganon na lamang ang dismaya ko nang makitang wala na pala akong pagkain.

Inalala ko kung kailan ako huling namili ng mga pagkain dahil sa pagkakatanda ko ay kakagaling ko lang sa grocery store nung minsan, ganito siguro talaga pag buntis. Napaparami ang kain hanggang sa maubos ang stock.

Bumuntong hininga ako at saka isinarado ang bukas na cabinet. Bumalik ako sa kwarto ko at kinuha ang pouch ko kung saan nakalagay ang mahahalaga kong gamit, tinignan ko kung may pera pa ba ako at sa awa ng diyos ay meron pa. Sapat pa ito pang-grocery dahil hindi naman ganon kadami ang bibilin ko.

Pumasok na ako sa banyo at naligo na doon. Pagkatapos ay nagbihis na ako, pantalon at simpleng t-shirt lang ang suot ko ngayon.

Nang matapos sa pag-aayos ng sarili ay kinuha ko na ang pouch ko at lumabas na ng apartment. Paglabas ko ay agad kong nakita si Dahlia na nagdidilig ng halaman na nasa tapat ng kanyang bahay. Napalingon naman siya sa kinaroroonan ko at ngumiti sa akin, ginantihan ko naman iyon. Hindi nagtagal ay mabilis akong nakahanap ng taxi at tinungo ang daan sa grocery store.

ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon