Kakauwi ko lang ng apartment dahil galing ako sa grocery store para mamili ng pagkain dahil wala akong stock ng pagkain sa apartment. Inilapag ko lahat ng ipinamili ko sa mesa at nagtungo sa sala, ibinagsak ko ang katawan ko sa sofa at binuksan ang tv para kahit papaano ay malibang ako at mawala ang pagod.
"The Heiress of the Sy family has gone missing. Imbestigators say that the Heiress, Miss Allison Sy, might have ran away. The Heiress' family doesn't want to show her picture on live televison. But to those who personally know the Heiress, contact the numbers below if you have any idea where she could possibly be."
Halos lumubog ako sa kinauupuan ko nang marinig ko ang sabi ng reporter sa balita. Oo, ako ang tinutukoy doon. Ako si Allison Sy. Yung ginagamit kong aplido ngayon ay ang aplido ng mama ko noong dalaga pa siya, ginamit ko iyon para hindi ako makilala ng mga tao.
Sikat ang pamilya namin dahil isa kami sa mayayamang pamilya ng bansa. Sineseryoso ng magulang ko ang business namin kaya lumago ito ng lumago hanggang sa sobrang nalulong na sila dito at wala nang ibang ginawa kundi ang magpayaman.
Wala namang kaso sa akin ang pagiging wala nilang oras sa akin dahil sanay naman na ako doon dahil mula pagkabata ko ay ganyan na sila hanggang sa nakasanayan ko na at parang normal na sa akin na minsan ay hindi ko nalang sila nakikita sa bahay.
Kaya rin nila ako inilayo mula sa kanya ay dahil din sa business. Dahil siya pala ay anak ng mayari ng kalaban namin na kumpanya, mahigpit silang kalaban ng magulang ko. Siya ang Heir ng pamilya niya. Ayaw nila sa magulang niya, at ayaw ng magulang niya sa magulang ko. Pero kahit ganon ay hindi namin naiwasan na magkagustuhan, hanggang sa naging magkasintahan na kami.
Isinikreto lang namin ang relasyon namin dahil alam namin ang mangyayari kapag nalaman ito ng magulang namin, lalo na't hindi maganda ang samahan nila. Alam kong malinis ang intensyon niya sa akin at hindi niya ginawa ang kadalasang ginagawa ng ibang nobyo ng mga heiress, liligawan para mabaling ang atensyon nito at mawala ang focus sa business hanggang sa bumagsak ito at mapabayaan. Pero hindi siya ganon, at nakakasiguro ako doon.
Hanggang sa dumating ang araw na nalaman ng magulang ko ang tungkol sa amin, at syempre hindi nila natanggap. Sinabi nila na makipaghiwalay daw ako sa kanya at kailangang magawa ko ito agad, kung hindi daw ay may malaking parusa. Pero hindi ko magawa, masyadong masakit para sa akin. Ayoko, hindi ko kaya. Kaya kahit sinabi ko sa kanila na gagawin ko ay hindi ko pa din ginawa. Hindi ko ipinaalam sa kanya ang naging sitwasyon dahil ayokong magalala pa siya kaya mas minabuti ko nalang na sarilihin ito.
Pero kahit ang tadhana ay mukhang hindi sangayon sa relasyon namin dahil muli nanaman nalaman ng magulang ko na hindi ko pa nagagawa ang pinagagawa nila. Kaya naman naging mas malupit sila at sinabing dadalhin na nila ako sa america at wala akong choice.
Kahit sobrang labag sa loob ko ay nakipagkita ako sa kanya, para lang hiwalayan siya. Pagkatapos nun ay dinala na ako ng magulang ko sa america at ikinulong doon ng ilang taon.
Noong araw ng 2nd anniversary namin pumunta ako sa sinabi niyang lugar, sa park kung saan kami unang nagdate. Habang papunta sa park na iyon ay nanlalamig ang pawis ko, pakiramdam ko ay napakabigat ng loob ko... Dahil iyon ang araw na hihiwalayan ko siya at lilipad patungong america.
Nang makarating ako sa parke na iyon ay gustong gusto kong maiyak nang makita ko ang mesa na may pangdalawang upuan, nakahain doon ang mga paborito kong pagkain. May mga lobo din sa paligid at kung ano ano pa. Mahahalata mo talaga na pinaghandaan niya lahat ng iyon. Kung wala siguro ako sa ganoon na sitwasyon noon ay baka tumalon talon na ako sa saya, pero hindi ko ito nagawa. Mahahalata mo talaga na pinaghandaan niya lahat ng iyon.
