Nagising ako nang makarinig ako ng mararahan na pagkatok na nanggagaling sa pintuan ng kwartong kinalalagyan ko. Umupo ako mula sa pagkakahiga ko at kinusot kusot ang mata ko bago ito idilat.
"Pasok." Sabi ko.
Hindi nagtagal ay bumukas ang pintuan at iniluwa noon ang isang nakangiti na Matt na may dala dalang tray ng pagkain. Nakasuot ito ng kulay grey na sando at boxer brief. Nung una ay nagulat pa ako nang makita ko si Matt na nandito sa kwarto, nakaramdam pa ako ng konting kaba na baka maabutan siya ni Damon dito at kung ano nanaman ang gawin sa kanya. Pero biglang sumagi sa isip ko ang nangyari kagabi, wala na nga pala ako sa puder ni Damon at dito ako tumuloy kay Matt. Malaya na ako.
"So? How was your sleep?" Malambing na tanong nito sa akin nang makalapit siya, inilapag niya ang tray sa side table at tsaka siya umupo sa gilid ng kama. Ngumiti ako sa kanya.
"O-okay naman. Salamat." Sagot ko dito, ngumiti din ito sa akin at tumayo para ayusin ang pagkain na nakalagay sa tray.
"Umm, matt?"
"Bakit?" Sagot nito sa akin nang hindi ako tinitignan. Bumuntong hininga ako.
"M-may itatanong lang sana ako." Nahihiya kong sabi. Gusto ko lang itanong kung siya ba talaga ang naturo kay Damon na nandito na ako sa pilipinas.
"Diba nagkita tayo sa coffee shop na pinagatatrabahuhan ko noon? Ikaw ba nagsabi kay Damon na nandito na ako sa pilipinas?" Tanong ko, napansin kong napahinto ito sa ginagawa at bumuntong hininga. Tumingin ito sa akin at may nakita akong lungkot sa mga mata nito. Lumapit siya sa kinaroroonan ko at umupo ulit sa gilid ng kama.
"Oo, ako nga. Akala ko kasi magbabago na siya kapag nakita ka na niya ulit. He's been so miserable since the day you left him. Hindi namin siya makausap ng matino dahil palagi siyang lasing. So I thought, paano kaya kung nakita ka na niya ulit? Titino na ba siy at babalik sa dati niyang sarili? Pero parang mas pinalala ko pa ang nangyari. I'm sorry, ako ang may kasalanan kung bakit ka niya nahanap." Mahabang sagot nito.
Kahit nalaman ko ang totoo ay hindi ko pa din magawang makaramdam ng galit kay Matt dahil naiintindihan ko naman siya. Gusto lang niyang ayusin ang kaibigan niya, katulad ko lang din siya na hindi inaakalang magkakaganito si Damon.
Siguro nga kasalanan ko kung bakit siya nagkaganon, base na din sa sinabi ni Matt na nagsimula lang magloko si Damon noong umalis ako. Ibig sabihin ay ako talaga ang dahilan kung bakit siya nasira.
Ngumiti ako ng pilit kay Matt.
"Hindi naman ako galit. Naiintindihan ko na gusto mo lang baguhin si Damon dahil kaibigan mo siya."
Marahan siyang ngumiti sa naging kasagutan ko at iniabot sa akin ang dala dala niya kaninang tray na puno ng pagkain. Bigla akong nakaramdam ng gutom nang makita ko ang mga pagkain na nakalagay doon.
"I know you're starving, kung kulang pa iyan para sa iyo, feel free to ask for more."
"P-pero Matt, nakakahiya naman. Hindi mo naman na ako kailangan dalhan ng pagkain diot sa loob, pwede naman akong lumabas ng kwarto." Sabi ko dito dahil totoo naman, nakakahiya naman talaga. Nakikitulog na nga lang ako dito tapos pagsisilbihan pa niya ako ng todo.
"It's my duty as your protector, hindi mo kailangan mahiya. At isa pa, ayokong gumalaw ka muna masyado. I know your body still hurts from all the bruises Damon gave you. I already npught you some clothes, they're in the closet." Sagot nito sa akin at ngumiti ng pagkatamis tamis at tsaka ako iniwan sa kwarto.
Inumpisahan ko nang kainin ang mga pagkain na inihanda ni Matt para sa akin. Para bang gutom na gutom ako, pero sa bagay, sa tagal kong nasa puder ni Damon ni minsan ay hindi ako nakakain ng mabuti. Parang ngayon lang ako nakaramdam ng gutom mula noong kunin ako ni Damon.
