Kabanata 5

24.3K 454 13
                                    

Kasalukuyan akong palakad lakad sa sala at nakatingin sa pinto na nilabasan ni Damon. Ilang oras na ang nakakalipas mula nang makaalis siya.

Kailangan kong makaisip ng paraan kung paano ako makakatakas dito. Iginala ko ang paningin ko, nagbabaka sakaling makahanap ako ng gamit na pwedeng makasira ng pinto. Nagpunta ako sa kitchen at isa isang binuksan ang mga drawers, pero may isang drawer doon na may padlock. Nilapitan ko ito at nakitang may isang maliit na papel ang nakadikit dito, kinuha ko ito.

I know you're planning to escape, so I put everything that can break the door's lock and locked them inside this drawer. You can't escape from me, Allison, you can't.

Nilukot ko ang papel at tinapon nalang sa kung saan. Talagang pinaghandaan niya ito, itinago pa niya ang mga gamit na pwedeng makasira sa pinto para lang masigurado na hindi ako aalis sa puder niya.

Pumasok ako sa kwartong tinulugan ko kanina at naupo sa kama at sumandal sa headboard habang yakap yakap ang mga binti ko. Wala pa man akong 24 hours dito ay pakiramdam ko hindi ko na kakayanin.

Kumabog ang dibdib ko nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa nun si Damon. Ngumiti siya agad nang makita ako.

"Buti naman at hindi ka tumakas." Lumapit siya sa kinaroroonan ko at pagapang siyang umakyat sa kama. Pasimple kong hinila ang kumot paakyat sa katawan ko para matakpan ito lalo na't alam kong nakikita niya ang dalawang bundok ko mula sa manipis na puting t shirt na suot ko. Hanggang ngayon ay ito pa din ang suot ko dahil wala naman akong pamalit, at kung meron man ay hindi ko alam kung nasaan ito.

Mukhang napansin niya ang ginawa ko dahil ngumisi siya sa akin, parang demonyo. Ngayon naman ay nakapatong na siya sa akin, nasa ibaba niya ako at nasa itaas ko naman siya. Nasa magkabilang gilid ng braso ko ang mga kamay niya, ikinulong niya ako gamit ang mga ito. Kitang kita niya ang bawat galaw ko mula sa itaas, alam kong nakikita niya sa mukha ko ang takot.

"What's with the face, baby?" Malambing pero parang demonyo na tanong nito sa akin. Hindi ko siya tinitignan.

"K-kung ano man ang binabalak mo Damon, itigil m-mo na." Pinilit kong magmukhang matapang kahit takot na takot na ako sa kung ano ang gagawin niya. Hindi naman ako ganon kainosente para hindi malaman kung ano ang binabalak niyang gawin sa akin.

"And why would I stop, gusto ko lang naman makuha ang dapat na sa akin talaga." At hinalikan niya ako sa labi. Marahas. Masakit. Madiin.

Napaigtad ako nang maramdaman kong pinisil niya ang kaliwa kong dibdib. Mas lalo akong kinabahan nang maintindihan ko na kung ano ang tinutukoy niya.

Nung hindi na ako makahinga ay ipinilig ko ang ulo ko para maputol ang halik at hinabol ang hininga ko at ganon din siya.

Hinaplos niya ang mukha ko kaya lalo ang napaiwas, pero nagulat ako nang marahas niyang hinawakan ang mukha ko at iginiya ang mukha ko para matingin ako sa mata niya.

"Sa akin ka lang titingin kapag kinakausap kita!" Sigaw nito sa akin kaya napapikit ako. Ngayon lang niya ako sinigawan.

Ibinaon niya ang mukha niya sa leeg ko, ramdam na ramdam ko ang hinga niya doon. Bumuntong hininga siya.

"I-I'm sorry. Did I scare you? S-sorry, I didn't mean it. P-please forgive me, baby. Please." Parang natatarantang bulong nito sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko. Dahan dahan siyang nagangat ng tingin at bakas sa mukha niya ang lungkot.

"Baby, please talk." Malumanay ang boses nito, gaya noon nung kami pa at hindi pa siya nagkakaganito. "I'm sorry." Ulit nito. Dahan dahan naman akong tumango, hindi ko alam kung bakit pero parang may sariling isip ang katawan ko.

Niyakap niya ang bewang ko ng mahigpit habang nakapatong pa din siya sa akin at nakabaon nanaman ang ulo niya sa leeg ko habang binibigyan ito ng maliliit na halik na nagbigay sa akin ng kilabot. Para akong nakukuryente dahil sa ginagawa niya.

"Akin ka lang... Akin... Akin lang..." Bulong niya sa tenga ko. Lalo akong kinilabutan dahil dito, para bang hindi ako makagalaw.

"Umm... D-damon... Pwede ka bang u-umalis sa pagkapatong mo sa a-akin?" Muli siyang nag angat ng tingin at nakakunot ang noo niya at magkasalubong ang kilay niya, para bang kahit anong oras ay magagalit nanaman ito.

"At bakit?" Tanong nito sa akin.

"M-maliligo lang ako." Sagot ko sa kanya, bumuntong hininga siya.

"Do you really have to?" Tanong ulit nito sa akin. Ayoko man sanang maligo dito lalo na't siya ang kasama ko at hindi ako kumportable, ay ito nalang ang nakikita kong dahilan para makaalis sa posisyon namin kanina.

Tumango ako ng mabagal kaya umalis na siya sa pagkakapatong sa akin at kumuha ng damit. Bumangon na ako at kinuha ang damit mula sa kanya at pumasok na sa cr at inilock ang sarili ko doon. Walang sabi sabi ay agad akong tumapat sa shower at binuksan ito, nagtagal ako sa ibaba ng shower para mawala naman kahit papaano ang stress na nararamdaman ko.

Nang matapos ako ay nagpunta ako sa part ng cr na ito kung saan may malaking salamin na kita ang buong katawan ko. Itinagilid ko ng konti ang aking ulo at nakita ko ang mga marka ko sa leeg na ibinigay niya kanina.

Napahawak naman ako sa labi ko. Hindi ko nagustuhan ang paraan ng paghalik niya sa akin. Masakit iyon, hindi katulad noon na puno ng pagaalaga. Napailing ako sa naiisip ko. Nagbihis na ako at huminga ng malalim bago ko tuluyang pihitin ang door knob ng pinto. Katulad nung una, panty at malaking t shirt lang ulit ang ibinigay niya sa akin na pamalit.

Pagkabukas ko ay sumilip muna ako kung andito ba ang demonyo, naka hinga ako ng maluwag nang makitang wala ito dito. Dahan dahan akong lumabas ng nakatingkad para hindi maingay. Pakiramdam ko ay lalabas na ang aking puso nang nakaramdam ako ng dalawang mainit na palad na dumulas sa magkabila kong bewang.

"Ang bango mo." Sininghot pa niya ako. "It makes me want to eat you." Pagtutuloy niya na naging rason ng pag taas ng mga balahibo ko.

Unti unti niya akong iniharap sa kanay at doon ko lang napansin na wala na pala ang pangitaas niya. Tanging ang sweat pants nalang niya ang suot niya kaya agad naman bumalandra sa akin ang abs niya pero hindi ko nalang pinansin iyon.

"I'm dead serious, baby, I want to eat you right now." Husky ang boses niya at nakatingin lang siya sa mata ko. Wala akong ibang makita sa mga mata niya kundi lust. Pangangailangan niya.

"D-damon... Please... Ayoko..." Pagmamakaawa ko na wag niyang ituloy kung ano man ang binabalak niya dahil hindi pa ako handa. Mula sa malambot niyang expression ay naging madilim nanaman ito at mabagsik.

May mali ba sa nasabi ko at naging demonyo nanaman siya?

"No, I want you now at iyon ang masusunod." Agad niya akong sinunggaban ng marahas na halik.

ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon