This chapter is dedicated to Obsession's dear reader, @keeykchiizblue! So pinilit ko na magupdate na agad dahil request niya ito at birthday niya. So, tada! It's my first time to dedicate a chapter to someone, and I have no idea if I'm doing it right.
Anyway, to my kind hearted readers out there, paki greet nalang din siya. Salamat!
Enjoy reading.
----
You're 3 weeks pregnant.
You're 3 weeks pregnant.
You're 3 weeks pregnant.
Iyan ang paulit ulit na tumatakbo sa isip ko, nakaalis na ang doctor pero ang ibinalita niya kanina ay naiwan na tumatakbo sa isipan ko. Hindi ako makapagisip ng maayos. Hindi ako makahinga, parang nanikip bigla ang dibdib ko. Hindi ako makagalaw sa kinaroroonan ko. Hindi ko din alam kung ano ang nararamdaman ko. Parang lahat sa paligid ko ay tumigil, kahit ang pagtibok ng puso ko ay parang tumigil dahil sa nalaman ko. Masyadong gumulo ang isip ko dahil dito.
Naramdaman ko na umiinit na ang gilid ng mga mata ko, senyales na maya maya lang ay babagsak na ang mga luha ko.
"Reese." Nabaling ang atensyon ko nang magsalita si Matt. Dahan dahan kong itinaas ang tingin ko sa kanya.
Nakatayo siya sa hindi gaanong kalayuan sa kama kung saan ako nakaupo ngayon, nakita ko agad sa mukha niya ang pagaalala. Parang gustong gusto niya akong lapitan pero parang nagaalangan pa siya dahil sa nangyayari sa akin ngayon, alam ko iyon.
"M-matt." Banggit ko sa pangalan niya kasabay ng pagbagsak ng mga luha ko. Wala na akong pakialam kung humahagulgol na ako sa harapan niya. Nang marinig niya na binanggit ko ang pangalan niya ay agad siyang lumapit sa gilid ng kama ko at niyakap ako, ginantihan ko naman ang yakap niya.
Nakasubsob ang mukha ko sa bandang tiyan niya habang patuloy na humahagulgol at siya naman ay hinahagod ang likuran ko.
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Bago ang lahat ng ito sa akin.
Hindi naman ako ganon katanga para hindi malaman kung sino ang ama nitong batang dinadala ko. Dahil siya lang naman ang lalaking gumalaw sa akin, ang lalaking bumaboy sa pagkatao ko.
Hindi ko alam kung handa na ba akong maging ina sa magiging anak ko.
Tatlong linggo. Tatlong linggo ko nang dinadala ang bata na ito sa sinapupunan ko at wala man lang akong kamalay malay. Buntis ako, at siya ang ama. Ibig sabihin ay kung malalaman niya ang tungkol dito, may posibilidad na lalo niya akong hindi palayain kung matatagpuan man aniya ako. Dahil iisipin niya na may karapatan na siya, dahil anak niya itong dinadala ko. Para hindi ako makawala sa kanya dahil nagbunga ang nabgyari sa amin, at alam niyang pag nagkaanak ako ay ayoko itong lumaki ng walang ama, sinabi ko sa kanya iyon noon dahil ayokong lumaking ulila sa ama ang magiging anak ko.
Sinadya niya ba ito para wala akong takas sa kanya?
Dahan dahan akong nag angat ng tingin kay Matt na siya namang nakatingin na agad sa akin. Kahit na hihirapan akong magsalita ay pinilit ko pa din ang makakaya ko.
"M-matt, parang awa mo na... H-huwag mong h-hayaan na mahanap pa niya a-ako. W-wag mong i-ipaalam sa kanya ang t-tungkol dito..." Nanginginig ang boses ko habang sinasabi iyan.