Kabanata 27

11.9K 268 50
                                    

[ WYDKM: Long time no update. Medyo nagkaroon po kasi ng problema kaya po hindi ko na naasikaso to, sorry po sa mga naghintay. Hindi ko po binasa to kaya kung may mga errors man, wag niyo nalang pansinin. Halos dalawang oras ko lang kasi sinusulat to kaya hindi siya gaanong napagisipan. ]

[ Guys sino pala mga EXO-Ls dito? Lalo na yung mga fellow Sehun Stans ko? May sinusulat kasi akong FF, tapos na yung story, konting adjustments nalang. Sana suportahan niyo yun pag naipost ko na dito. Yun lang! ]

---

"Ano ka ba, Damon, wag mo nga akong habulin!" Tatawa tawang sigaw ko kay Damon na patuloy pa din sa paghahabol sa akin.

"Ayaw, hindi ako titigil!" Makulit na sagot naman nito sa akin na mas ikinatawa ko. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo palayo sa kanya.

Nandito kami ngayon sa malawak na garden ng kanilang bahay, monthsary namin ngayon kaya naman napagpasyahan namin na icelebrate ito ng magkasama, tutal ay madalang nalang naman kami magsama dahil sa dami ng mga ginagawa, idagdag pa ang mga magulang ko.

Patuloy lang ako sa pagtakbo palayo kay Damon hanggang sa naramdaman ko ang palupot ng isang matipunong braso paikot sa bewang ko, mabilis ko itong hinarap at sinalubong naman ako ng kanyang nakakalusaw na tingin.

"Huli ka." Bulong nito sa akin na nakapagpatawa sa akin.

"I love you." Pagtutuloy niya, lumapad ang ngiti ko sa labi, idinikit ko ang noo ko sa noo niya.

"Mas mahal kita."

Napadilat ako nang maalimpungatan ako mula sa tulog ko. Dahan dahan kong iginala ko ang tingin ko sa buong kwarto at nakitang nandito pa din ako. Napabuntong hininga ako.

Panaginip lang pala.

Babangon sana ako para makaupo sa kama nang may pumigil sa akin sa pagtayo, nilingon ko ito para tignan kung ano, nakita kong may braso pala na nakayakap sa bewang ko.

Maingat ko itong tinanggal mula sa pagkakayakap sa akin para hindi siya magising, nang matanggal ko na ito ng tuluyan ay umupo ako sa kama. Ang dalawang tuhod ko ay nasa tapat ng dibdib ko, pinagapang ko ang dalawa kong kamay sa buhok ko at mahinang sinabunutan ang sarili.

Iniangat ko ang kumot na nakatakip sa aking katawan at hindi nga ako nagkakamali, wala na ang mga damit ko.

Napangiti nalang ako ng mapait.

Binaboy nanaman niya ako. Hindi niya nanaman pinakinggan ang pagmamakaawa ko.

Napatingin ako sa katabi kong lalaki na hanggang ngayon ay payapa pa din natutulog na akala mo'y wala siyang ginawa. Paano niya nasisikmurang matulog ng ganyan kapayapa pagkatapos ng ginawa niya sa akin?

Wala talaga siyang puso. Hindi na siya nadala.

Nakakapagtaka lang, bakit parang hindi pa din niya napapansin na buntis ako? Sabagay, sino nga ba naman ang makakapansin kung palaging malalaking damit ang suot ko. Sinasadya ko talaga iyon para hindi niya mahalata, mukhang nagtatagumpay naman ako. Napakadaling lokohin, napakatanga lang at hindi pa niya mapansin.

Kung hindi ko lang sumasagi sa isip ko na siya ang ama ng dinadala ko, hindi ako magdadalawang isip na patayin ito ngayon eh.

ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon