Kasalukuyan akong nakatingin sa kawalan habang nakaupo sa kama. Nilingon ko ang lalaking katabi ko na mahimbing na natutulog habang nakayakap ang kamay niya sa bewang ko. Napaka-amo ng mukha niya, kaya hindi mo talaga aakalain na makakagawa siya ng ganito. Pero mukhang totoo nga ang sinasabi ng iba, na ang demonyo ay minsan din naging anghel.
Tanging ang kumot lang ang nakatakip sa hubad naming katawan. Oo, ginalaw nanaman niya ako kagabi at katulad noon ay wala pa din itong kaingat ingat. Kaya ngayon palang ay nararamdaman ko na ang pananakit ng buong katawan ko.
Hindi ko alam kung bakit pero parang may tumutulak sa akin na hawakan siya, na hawakan ang maamo niyang mukha. Dahan dahan kong hinaplos ang maamo niyang mukha gamit ang palad ko.
"Damon, mahal pa din kita..." Bulong ko sa aking sarili.
Alam kong tulog siya kaya hindi niya ako maririnig. Pero totoo nga ang sinabi ko, mahal ko pa din siya. Kaya nga ako umuwi ng pilipinas diba? Para hanapin siya. Pero bakit biglang nagkaganito? Kahit mahal ko siya parang gustong gusto ko pa din makawala mula sa kanya. Hindi ko na kaya tong pandedemonyo na ginagawa niya. Pinapanalangin ko na sana, paggising ko isang umaga ay panaginip lang ito. Na wala na ako sa puder niya. Sana pag gising ko, wala na akong natitirang pagmamahal sa kanya. Sana sa mga masasamang ginagawa niyang ito sa akin, mas mapadali ang panlilimot ko sa kanya.
Agad kong binawi ang kamay ko at bumuntong hininga. Dahan dahan kong tinanggal ang kamay niyang nakayakap sa bewang ko. Nung una ay medyo nahirapan ako dahil pag tinatanggal ko ay lalo pa niyang hinigpitan kaya nagalala ako dahil baka gising ito, para makumpirma na tulog pa din ito ay mahina kong tinusok ang kanyang tagiliran at hindi ito gumalaw kaya naman nakahinga ako ng maluwag. Sinubukan ko pa ng isang beses, maingat kong tinggal ang braso niya at nag tagumpay naman ako.
Tumingin ako sa paligid ko at pinulot ang isang t shirt na malapit sa akin, isinuot ko iyon sa katawan ko at dahan dahan tumayo mula sa pagkakaupo ko sa kama. Tahimik akong naglakad papasok sa banyo.
Nang makapasok sa banyo ay ginawa ko na ang mga dapat kong gawin sa paglilinis ng katawan. Nasa kalagitnaan ako ng paglilinis ko ng katawan ng biglang tumulo ang mga luha ko, naalala ko nanaman ang kaharasan na ginawa niya sa akin kagabi. Tinotoo nga niya ang sinabi niya noon, araw araw niyang gagawin sa akin to.
Hindi pa ba siya nagsasawa sa katawan ko? Hindi pa ba niya ako papalayain? Wala nang natira sa akin, kinuha na niya lahat. Hindi pa ba siya kuntento sa mga ginawa niyang kababuyan sa pagkatao ko? Ayoko na, tamana.
Pagkatapos ko maligo ay nagbihis na ako, habang nagbibihis ay nakita ko nanaman ang repleksyon ko sa salamin. Habang tumatagal ay lalong lumalala ang mga pagbabago sa katawan ko. Lalo akong nangangayayat, yung mga itim sa ilalim ng mata ko lalong nangingitim, at hindi pa man gumagalin ang mga pasang natanggap ko mula kay Damon nung mga nakalipas na araw ay heto, nadagdagan nanaman.
Lumabas na ako ng cr at naabutan ko si Damon na nakaupo sa kama at nakaharap sa akin, wala siyang suot na pangitaas pero may supt na siya na boxers. Agad siyang ngumiti ng makita ako at tumayo para lumapit sa akin, bigla ko nanaman naramdaman ang kaba sa dibdib ko habang papalapit siya sa akin pero hindi ko magawang umatras. Para akong nakadikit sa kinatatayuan ko. Natatakot ako, dahil nung minsan na umatras ako noon papalayo sa kanya ay isang suntok sa tiyan ang ibinigay niya sa akin at sinabing wag ko daw siya nilalayuan. Ayoko ng mangyari pa ulit iyon.
Nang maabot niya ang kinatatayuan ko ay niyakap niya ako, hindi na katulad noon na mahigpit. Maluwag ang yakap niya ngayon na parang iniingatan ako, yung yakap na gusto ng mga babae at hindi ang yakap na masakit.
Ramdam ko ang paghinga niya sa bandang tenga ko.
"Baby..." Bulong niya sa akin.
"D-damon..?" Sagot ko na para bang nagtatanong. Humiwalay siya sa yakap at muli kong naramdaman ang paglapat ng labi niya sa labi ko, sandali lang ang halik na iyon at katulad ng pagyakap niya ay hindi din ito katulad noon na masakit. Mabilis na pagdampi lang ng labi niya, parang ginagawa niya noon sa akin nung kami pa.