"Matt, tulungan mo ko..." Halos pabulong kong wika kay Matt na ngayon ay nasa harapan ko.
Nung una ay parang hindi pa niya alam ang gagawin niya, nakatingin lang siya sa akin at medyo nakauwang ang kanyang bibig, gulat ang ekspresyong nasa mukha nito.
"R-reese? A-anong ginagawa mo dito? Bakit ganyan ang itsura mo?" Natatarantang tanong nito sa akin nang magsink in na nandito ako sa harapan niya at kumurap ng tatlong beses na para bang hindi makapaniwala na ako ang kaharap niya. Makikita agad sa mukha niya na nagulat siya, kung wala lang ako sa ganitong sitwasyon malamang ay napagtawanan ko na siya. Pero sa ngayon, hindi ko muna ito ginawa.
"Pwede b-ba akong pumasok?"
"Ahh, oo." Sabi nito at mas nilakihan ang bukas ng pinto para makapasok ako.
Maganda ang kabuuan ng unit niya, matagal ko nang alam ang address niya pero ni minsan ay hindi pa ako napapasok dito. Nabaling ang atensyon ko kay Matt nang magsalita siya sa likuran ko dahilan para mapaharap ako sa kanya. Nandon pa din siya sa pinto habang nakatingin sa akin at nakakunot ang noo.
"Paanong..." Hindi ko na siya pinatapos dahil alam ko na din naman ang sasabihin niya. Alam kong kailangan ko magexplain sa biglaang pagpapakita ko at madaling araw pa.
"Tumakas ako." Matipid kong sabi sa kanya. Sinenyasan niya ako na maupo sa sofa at iyon naman ang ginawa ko, umupo siya sa tabi ko at humarap sa akin.
"Tumakas? Paano?"
Ikinwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari. Mula noong gabi na kinidnap ako ni Damon, hanggang sa nangyari kani-kanina lamang. Wala akong itinago na detalye, lahat lahat ay sinabi ko sa kanya. Habang nagkkwento ako ay nakita ko ang galit sa mukha ni Matt kasabay nito ang pagkuyom ng kamay niya pero agad din naman itong napawi at napalitan ng nagaalalang ekspresyon. Hindi ko maiwasan na hindi maiyak habang nagkkwento. Naitanong ko na din sa kanya kung ppwede ba akong tumuloy muna dito sa unit niya pansamantala at pumayag naman siya.
"Ito ba yung sampal niya sayo kagabi?" Tanong nito sa akin pagkatapos kong ikwento sa kanya ang lahat, hinaplos niya ang parte ng mukha ko na may malaking pasa gawa ng pananampal na ibinigay sa akin ni Damon kagabi. Pasimple akong umtras dahil sa pagkakailang, at tumango ako bilang kasagutan sa tanong niya. Ibinaba na niya ang kamay niya at bumuntong hininga, siguro ay napansin niya ang paglayo ko sa kanya.
"You don't to have be afraid, hindi ako kagaya ni Damon. Yes, we're friends. Pero that doesn't mean na magkapareho kami. Reese, hindi kita sasaktan, I'm not like him." Sabi nito sa akin.
Alam ko naman na hindi niya ako sasakatan, alam kong hindi siya kagaya ni Damon. Siguro ay dala lang ito ng takot ko kaya ako nagkakaganito.
"A-alam ko naman iyon, Matt. Kaya nga sa iyo ako lumapit dahil alam kong malayong malayo ang ugali mo kay Damon, at tsaka ikaw lang din kasi ang alam kong makakatulong sa sitwasyon ko. Pasensya na kung nakaabala ako ha, pansamantala lang naman itong pagtira ko dito sa unit mo. Pag alam kong kaya ko na, aalis na din naman ako para makapagsimula ulit ng wala si Damon." Sabi ko dito at ngumiti. Hinagod naman nito ang likod na para bang inaalo niya ako, isang ngiti ang sumilay sa mukha niya na nakapagpadagdag sa kagwaphuan nito.
"You can stay here as long as you want, hindi ka naman magiging abala sa akin."
Tinanggal niya ang kamay niyang kanina'y humahagod sa likod ko at inilipat ito sa kamay ko. Hinawakan niya ang kamay ko at bahagyang pinisil ito. Nagulat ako sa ginawa niya.
"I'll be your protector from now on. Hindi ko hahayaan saktan ka pa niya ulit." Pagtutuloy nito at tuluyan nang sumara ang mata ko dahil sa pagod.
***