Kabanata 4

23.9K 467 15
                                    

Naalimpungatan ako na naging sanhi para magising ako. Kinusot ko ang mata ko at idinilat ito. Agad na kumunot ang noo ko ko dahil sa nakikita ko. Tumingin ako sa paligid ko, nandito ako sa isang hindi pamilyar na kwarto. Kulay puti ang paligid, may magagarang furnitures na halatang mamahalin. Kaninong kwarto ito? Paano ako napunta dito?

Muling bumalik sa isip ko ang nangyari kagabi bago ako mawalan ng malay. Ang pagtatakip niya sa ilong ko gamit ang panyo na may nakakahilong amoy na naging sanhi ng pagkawala ng malay ko kagabi. Kinidnap ako. Kinidnap niya ako, siya ang may gawa nito,

Unti unti kong iniangat ang kumot na nakatakip sa akin katawan at ganon na lamang ang gulat ko nang makitang hindi na ang uniform ko sa pinagtatrabahuhan ko ang suot ko. Naka suot sa akin ang malaking white t shirt na sa tingin ko ay sa kanya. Sinilip ko ang loob ng t shirt at lalo akong nagulat dahil wala na akong suot na bra. Tanging panty at itong t shirt nalang ang suot ko sa katawan ko. Pinakialaman niya ba ako? Ginalaw ba niya ang katawan ko?

Nagmamadali akong bumangon ng kama para makatakas sa lugar na ito, kailangan kong makaalis dito. Pero agad din akong napahiga ulit at napahawak sa ulo ko, sobrang sakit nito. Parang binibiyak, mariin kong isinarado ang mata ko. Ilang sandali ay narinig ko ang ingay na nanggagaling sa door knob, senyales na may magbubukas nito. Mabilis akong humiga ng patagilid at pumikit.

Narinig ko ang pagsarado ng pinto at mabibigat na yabag ng paa ang papalapit sa kinaroroonan ko. Naramdaman kong lumuhod siya sa harapan ko at marahan na hinaplos ang pisngi ko.

"Baby..." Kinilabutan ako sa boses niya. Ang tagal kong hindi narinig ang boses na ito. Nanatili akong nakapikit kahit gustong gusto ko nang buksan ang aking mga mata, pinakinggan ko ang sasabihin niya. "I'm sorry kung nagawa ko ito sayo, ayoko lang na munahan pa ako ng iba kaya kinuha na kita agad nang walang paalam, at sa ganitong paraan pa. Ayokong may ibang makakakuha sayo, ako lang dapat. Ako lang. Ilang taon kitang hinintay na makauwi, ilang taon din kitang pinanood sa malayo. Sinusundan kita palagi sa America para lang malaman kung ligtas ka. Alam ko lahat ng nangyari sa iyo noon sa US, its sounds creepy but it's true. I'm sorry I had to do this." Bulong nito sa akin. Hindi pa din ako dumidilat, ayoko. Parang imbis na maging masaya ako dahil kasama ko na siya, ang lalaking matagal ko nang mahal, ay parang nakaramdam pa ako ng takot at kaba imbis na tuwa.

Lalo akong kinilabutan nang maramdaman kong dinampian niya ng halik ang labi ko. Hindi ko maiwasang mapagalaw dahil doon. Idnilat ko ang mata ko. Narinig ko ang pag ngisi niya.

"You're awake." Mangha na sabi nito. Hindi ko siya pinansin, bumuntong hininga ako at muling pumikit.

"Bakit ako nandito?" Walang gana kong tanong sa kanya.

"Because I missed you, and I want you here." Malambing na sagot nito sa akin. Parang sa halip na kiligin o matuwa ako sa sinabi niya ay parang natakot pa ako doon.

"Ayoko dito, ibalik mo na ako sa apartment ko."

Muli nanaman siyang ngumisi, nakakatakot... Para siyang demonyo.

"Hindi ka na makakaalis dito. Dito ka lang habang buhay sa tabi ko. Wala ka nang kawala." Sabi nito, nawala ang kaninang lambing ng kanyang boses at napalitan nanaman ito ng mala demonyong boses niya. Tumayo ako at nilagpasan ko siya.

"Saan ka pupunta?" Hindi ko siya nilingon, nagpatuloy lang ako sa paglalakad papalapit sa pinto ng kwartong kinalalagyan ko ngayon, lumabas ako mula rito at doon ko lang napansin na nasa condo kami. Nagdirediretso ako papunta sa pinaka pinto ng unit niya at sinubukang buksan iyon.

Parang pinagbagsakan ako ng langit at lupa nang ayaw magbukas ng pinto, naka lock.

"I told you already, diba? You can't escape from me, not this time." Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses na iyon at nakita ko siyang nakasandal sa pinto ng kwarto habang naka pa-ekis ang braso. Nakangiti ito sa akin.

"Bakit mo ba ako ikinukulong dito?" Tanong ko sa kanya. Umalis siya sa pagkasandal niya sa pinto at dahan dahng lumapit sa akin habang umaatras ako. Napasinghap ako ng maramdaman kong pader na ang nasa likod ko, wala na akong aatrasan. Nang makalapit siya at itinukod niya ang dalawa niyang braso sa paligid ko, ikinulong niya ako sa bisig niya. Tinitigan niya ako sa mata.

"Talagang tinantanong mo pa sa akin yan? Wow." He smirked. "Well, let me give you a clue. Three years ago, I fell inlove with a girl. Mahal na mahal ko siya, madaming problema ang dumating pero kinaya namin at dahil doon ay lalong tumatag ang relasyon namin. She loves me, and I love her. Until one day, something unexpected came up, sumuko siya at iniwan ako." May bakas ng hinanakit ang tono ng boses niya. "Ilang beses akong nagmakaawa na balikan niya ako, pero nakinig ba siya? Hindi. Akala ko Mahal niya ako, pero hindi pala. Ngayon, nagbabalik na siya at pinangako ko sa sarili ko na sa susunod na makuha ko ulit siya ay hinding hindi ko na siya papakawalan, dahil ako lang ang pwedeng mag may ari sa kanya." Mariing niyang tinitigan ang mata ko habang sinasabi niya ang huling mga katagang iyon.

"M-minahal kita, Damon."

"Minahal?" Ngumisi siya. "Kung ganon, bakit mo ako iniwan?"

"D-damon, tamana. Wag mo nang gawin to, pakawalan mo na ako." Ngumiti siya at umiling.

"No, dito ka lang sa akin. Akin ka lang." At hinalikan niya ako sa aking leeg. Marahas ang paraanng paghalik niya doon, ramdam ko pa ang pagkagat niya sa ilang parte ng aking leeg. Alam kong magmamarka iyon.

"Damon... T-tamana.."

Itinutulak ko siya sa dibdib para mailayo siya sa akin at maitigil ang ginagawa niya. Pero mukang mas ginanahan pa siya ng may isang ungol na aksidentedng lumabas sa bibig ko. Narinig ko ang pag ngisi niya at huminto na siya sa ginagawa niya, hirapa niya ako ng may ngiti sa kanyang labi.

"You moaned." Parang tuwang tuwa pa siya, hindi ko ito pinansin.

"Pakawalan mo na ako, may trabaho pa akong iniwan. May sarili akong buhay Damon. At hindi ako sayo dahil matagal na tayong wala, kaya p-please lang, pakawalan mo na ako." Pagmamakaawa ko.

"Wala na tayo?" Natatawang tanong nito, kumunot ang noo ko. Bakit siya tumatawa?

"Wala na, nakipaghiwalay ako sa iyo noon diba?" Mabagal ang pagkasabi ko dahil natatakot ako sa posibleng gawin niya sa akin.

"Nakipaghiwalay?" He smirked. "Sa pagkakatanda ko, ikaw lang naman ang nakipaghiwalay, hindi ako pumayag. Ang sabi mo lang naman noon ay gusto mong makipaghiwalay at umalis ka na agad nang hindi hinihintay ang sagot ko, not knowing na hindi ako pumapayag sa kagustuhan mo. So it means tayo pa din dahil ikaw lang naman ang nakipaghiwalay at hindi ako." Ngumiti siya na parang aso.

Unbelievable.

"That doesn't count! Nakipaghiwalay ako sa iyo noon kaya wala na tayo!" Sabi ko sa kanya. "Now, please unlock this door and let me go."

Inilagay niya ang kamay niya sa kanyang baba, tila ba'y nagiisip siya. Ngumisi siya sa akin.

"No." Mapangasar ang tono ng boses nito na lalong nakapagpakulo ng dugo ko, pero pinilit kong maging kalmado dahil pag sumabog ako ay baka masaktan niya ako.

"Palayain mo na ako. Ayoko dito.. Parang awa mo na." Pagmamakaawa ko sa kanya pero parang wala lang ito sa kanya dahil narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa katulad nung gabi na naglalakad ako sa kanto namin. Idinilat ko na ang mga mata ko.

"Bakit naman kita papakawalan kung naghirap ako para makuha ka?" He grinned. "Aalis lang ako sandali, I'll be back soon."

Humiwalay siya sa akin at naglakad patungo sa pinto at binuksan ito gamit ang card na isinwipe niya doon. Ibinalik niya ang card sa bulsa at nilingon ako.

"Don't you even think of running away." At tuluyan na siyang lumabas, iniwan akong nagiisa.

ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon